Crew's In - Go Smoke Mary (GSM)


Mula bago pa ng Much Love Spacetour nila nung 2017, posibleng naging saksi na kayo ng ‘di maitangging kalampag at pangwawasak ng Go Smoke Mary sa iba’t ibang venue sa buong Metro Manila at mga bayang pumapalibot nito . Mapa-skater event, graffiti event, event ng mga pankista, todo hiphopan, event ng mga nambuburda, o kahit anong event, nagiiwan ng kakaiba at panibagong enerhiya’t buhay ang maituturing na experimental rap group na ‘to. Lalong tangkilikin ang GSM sa napagbigyang maikling interview.

 

(L-R) Kawika Godwit, Hazy Spacey, Andrei the Giant Cannabeast, Gorilla Weird, and Crazy I

 

 

         

1. Kailan at paano kayo nag-simula at sinu-sino ang mga kabilang dito?

 

Andrei the Giant Cannabeast: Nagsimula ‘to nung mga summer ng 2011, sa Greenfields 3, pero may GSM na nun that time (vandal crew). Iba yung rap group, pero under siya nun since kasali kami nila Dabid (Kawika Godwit), Jabong (Gorilla Weird). Ayun, nagsimula mag sulat-sulat. Yung iba kasi may mga naitabing sulat mula dati pa. Sila Crazy Ivan, may tropa na may mic na pang-record at siya na rin kumamay ng mga beats. Hanggang bumalik si JIDMAN mula abroad (rest in peace brother!), at dumagdag si Hazy Spacey kalaunan. Nagawa namin yung unang mixtape na Gobasagubat.

Kawika Godwit: Nagsimula yung musika mga 2011. Kinuha namin ni Andrei yung mic sa tropa ta’s yun na yung simula, after a week unang record namin kasama pa namin si kuya Jie (The Chongkeys) nun. Ta’s nung nag-record na si Jabong (Gorilla Weird) nagka-kuryentihan na!

Gorilla Weird: …nagkaayaan kami gumawa ng kanta. Casual lang na ayaan parang trip-trip lang, yung parang isang kanta lang tapos na, hindi din talaga namin akalain na gan’to magiging outcome. Nag-enjoy kami kaya nagtuloy tuloy na. Si JidMan, bokalista din ng bandang Dai Ichi ngunit pumanaw sya nung December 24, 2016. Si Andrei the Giant Cannabeast, djembe din sya ng bandang The Chongkeys, si Kawika Godwit, yung naka-dreads at nagtatrabaho bilang call center, si Crazy I ang gumagawa ng beats ng grupo, si Gorilla Weird (ako), ang tatay sa grupo, at si Hazy Spacey na tiga ibang planeta haha.

Hazy Spacey: Sa vandalism. Nakilala ko ang mga Gorilya sa Cubao Expo. Dati kasi soloista ako hanggang ako ay mapabilang sa pamilyang GSM. Marami kami as a crew pero sa rap group ako ang ika-anim na sumpa.

Crazy I: Simula palang vandals na talaga ang GSM. ‘Di ko alam na parte na pala ako ng grupo, ang alam ko ay tropa tropa lang, biglang sinimulan namin gumawa ng kanta ni Kawika at dahil na din sa pangarap at mahilig kami sa hiphop. Nagsulat din sila Andrei at Weird. Doon na lumabas galing sa lupa yung Nova, Gaway, Void, OTG at Troops. Sumunod na din sila Jidman at Hazy Spacey. Ito na kami ngayon. Anim na MC ng Go Smoke Mary. Sup, Jidmaayng!?

 

 

 

2. Bakit Go Smoke Mary ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?

 

Andrei the Giant CannabeastGo Smoke Mary. Ayun talaga yung pangalan ng crew. So ayun narin ginamit namin… To represent our crew sa scene.

Kawika Godwit: Graffiti Crew talaga kaming GSM kaya yun na rin pinangalan namin sa paggawa ng musika. Yung buong GSM kasi ay isang collective, kami yung sanga sa musika. Yung ibang sanga naman nasa pagta-tato, sa pagpinta, sa pag-skate, pagba-bike, etc.

Gorilla Weird: Bale ginamit na din naman siyang grupo sa rap.

Hazy Spacey: Siyempre nakuha rin ang crew name sa alak at usok na paborito. Ito ang nagsilbing tulay patungo sa musika na ginagawa namin ngayon.

Crazy I: Dahil sa lintik na gin at lifestyle namin, kaya Go Smoke Mary.

Gorilla WeirdGSM, marami siyang pwedeng ibig sabihin gaya ng Gorilya Sa Mangga, Greedy Smoking Monsters, Grab Some Munchies etc, pero nagmula talaga yun sa paborito naming iniinom na gin.

Andrei the Giant Cannabest: Kaya wala na siguro ibang kumplikadong ibig sabihin… Go Smoke Mary! Hehe, you know what I mean.

 

3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo? Tapos bilang indibidwal?

 

Andrei the Giant Cannabeast: As a group marami.

Gorilla Weird: Marami masyado pero….

Andrei the Giant Cannabeast: To name a few nandyan ang Cypress Hill, Beastie Boys, KmK, Deftones, RATM…

Kawika Godwit: …Black Hippy, Wu Tang…

Gorilla Weird: …KMK…

Crazy I: …malaking impluwensya sa’min ang Odd Future at Onyx.

Hazy Spacey: Bilang grupo, malaking impluwensya ang lahat ng mga tunay na tropa hindi lang sa galawan sa kalsada kundi sa araw araw na diskarte sa buhay.

Gorilla Weird: Personal influences ko, Death Threat, Gloc 9, Eminem, Bone Thugs ‘N Harmony…mga bago like Odd Future, Flatbush Zombies, Beast Coast…

Andrei the Giant Cannabeast: Ako as an individual ang impluwensya ko Funkdoobiest, George Carlin, Bruce Lee, Bob Marley, to name a few. 

Crazy I: Ang nagbigay naman sakin ng inspirasyon para maging musikero ay Mastaplann, Jimi Hendrix, Guns n Roses, Linkin Park, Bob Marley, Typecast, Cheese at Houndz.

Kawika Godwit: Sa’kin naman The Doors, The Beatles, RATM, LP, Queso, Greyhoundz, Dicta License. ‘Rami pa pala. Haha

 

4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?

 

Andrei the Giant Cannabeast: Sa pag daan ng taon naiba eh. Pero yung ma-recognize kame para sa sarili naming music style, dalang energy sa set, at mag hatid ng mensahe. Ibahagi ang sarili naming pagtingin sa buhay. Mag-share ng kung anuman… music yung naging way. Sharing is Caring. J

Kawika Godwit: Maibahagi ang mga natutunan namin sa buhay na alam naming maaaring makatulong sa iba. Na maka-kontekta ang aming mga mensahe sa pamamagitan ng musika.

Gorilla Weird: Bilang grupo, hangarin naming maka-contribute sa paraan na pagbahagi ng awitin namin, at sana dahil dun ay makatulong na mas lumakas pa hiphop dito sa pinas.

Hazy Spacey: Sa akin naman, wala naman ako masyadong pake. Masarap lang talaga gumawa ng musika at pa abutin ang tunog hanggang sa dulo ng kalawakan.

Crazy I: Wala rin akong pakielam talaga. Masarap langrin magpakawasak kasama mga tropa, tumunog ng malakas at maingay, gumawa ng beats, mag sulat, dumayo sa iba't ibang lugar, maka-kilalala ng iba’t ibang musikero at tao. Para sa sarili ko, para sa grupo. Gusto lang maging masaya. Sup, Alibi!

 

 

5. Sa dami ng mga grupo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?

 

Hazy Spacey: Enerhiya

Gorilla Weird: Sa tingin ko, ang pinagkaiba namin ay yung enerhiya na kinakatawan namin sa entablado. At siguro yung pagiging natural o totoo walang halong arte.

Andrei the Giant Cannabeast: Malakas kame mag smoke. J

Kawika Godwit: Magkakaiba naman lahat, yung mga nanggagaya lang naman yung nagkakaparehas. T’saka passion namin mag smoke, haha.

Crazy I: Enerhiya talaga!

 

6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo? At yung mga balak pa lang?

 

Gorilla Weird: Naglabas kami ng Gobasagubat mixtape noong 2015, maglalabas din ako at si Kawika Godwit ng Alibi Mixtape ngayong taon…

Andrei the Giant Cannabeast: Mixtape,music videos, Nationwide Tour (Much Love Spacetour2017)…

Kawika Godwit: Nakapag DIY tour na rin kami sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Balak ulit namin mag tour next year.

Crazy I: Balak namin ay bagong album. Tunog na orihinal galing sa utak namin.

Gorilla Weird: …hopefully mailabas namin sa 2019.

Hazy Spacey: Album na pang durugan.

 

 

 

7. Ano ang mga plano (solo o bilang grupo) niyo sa mga darating na buwan o taon?

 

Crazy I: Plano ko e maghanap ng bagong inspirasyon at trip para sa sarili at sa ginagawang album.

Hazy Spacey: … at patuloy na magpasabog ng bomba sa mga gig.

Gorilla Weird: Ayun nga, bale next month maglalabas kami ni Kawika Godwit ng Alibi Mixtape… kasama sana namin dito si Alibi kaso may nangyari na ‘di inaasahan… Next year sana mailabas namin ung GSM album. Sana sana!

Andrei the Giant Cannabeast: As a group, album pa. Sa solo, iba iba e. Ako gusto ko pa gumawa ng music pero island music vibes haha

 

8. Sa pananaw niyo, ano ang estado ng Pinoy Hiphop ngayon?

 

Hazy Spacey: Boom na boom.

Andrei the Giant Cannabeast: Malakas…

Kawika Godwit: Mas lumakas…

Andrei the Giant Cannabeast: …lumalakas, mas lumalawak siya at magkakakonekta dahil na rin sa internet. Okay siya para sakin.

Gorilla Weird: …ang lakas ng hiphop ngayon, sobrang daming bago, daming sumusuporta sa mga events, kahit yung mga luma o datihan tuloy-tuloy pa rin. Ang sarap ng eksena. Mas natatanggap na ng mga tao ‘di lang porket hiphop ay jologs na, ‘di lang porket rap ay skwating. Ang taas ng tingin ko sa hiphop at sigurado ako na mas tataas pa ang antas neto paglipas pa ng taon.

Crazy I: Ang hiphop, o kahit anong genre, hindi ‘yan namamatay. Na sa’yo ‘yan.

 

 

9. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?

 

Crazy I: Panindigan niyo lahat ng gagawin niyo.

Hazy Spacey: Maging tunay lang sa sarili.

Gorilla Weird: Maipapayo ko siguro ay maging totoo, ‘wag mang bite, hubugin mo kung ano meron ka at ‘wag ka manggaya. ‘Wag ka magmamadali, pagsumikapan mo kung talagang ito ang gusto mo.

Andrei the Giant Cannabeast: Be yourself. Be original. Kailangan umangat yung creativity. No half measures.

Kawika Godwit: ‘Wag tumigil at ilabas ang totoong sarili.

 

10. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?

 

Kawika Godwit: Salamat sa walang sawang enerhiya, suporta at pag tangkilik.

Crazy I: Salamat!

Hazy Spacey: Astig kayong lahat!

Andrei the Giant Cannabeast: Mag bayad kayo ng entrance sa mga shows or events, suportahan tayo. ‘Wag maging buraot. Saludo kame at hanga kame sa mga tunay na sumusubaybay. Much love yo! Kitakits. Alam niyo kung sino kayo.

Gorilla Weird: Maraming, maraming salamat sa sumusubaybay samin. Sa mga sumusporta mula pa noong una, asahan niyo na hindi kami titigil gumawa. Tuloy tuloy pa din ang gorilyahan!!!

 

 

11. Ano yung mga battle niyo na sa tingin niyo ay talagang nagpalakas pa ng inyong grupo? (Kung battle rapper)/Ano tingin niyo sa mundo ng battle rap? (Kung hindi battle rapper; pero pwede rin sagutin)

 

Gorilla Weird:  Tagasubaybay din ako ng FlipTop, once lang ako nakapanood ng live nung Ahon 3 pero ‘gang ngayon nanonood pa rin sa YouTube. Malaking impluwensya ang battle rap para maitaas muli ang hiphop dito sa pinas.

Hazy Spacey: Masaya!

Kawika Godwit: Nagpalakas sa’min ang mga aral na nakuha namin sa mga araw-araw na pang yayari sa buhay. Mga aral na natutunan mula sa mga kapatid namin na naunang tumawid… JidmanAlibi.

Crazy I: Kami rin nagpapalakas sa bawat isa. Healthy competition, ‘baga.

 

 

12. Ano payo niyo sa mga battle emcee na nangangarap makapasok sa FlipTop? (for battle rapper):

 

Andrei the Giant CannabeastGO SMOKE MARY!

Hazy Spacey: Mag drugs muna kayo tas mag isip kayo uli! Haha.

Kawika Godwit: Tulad lang din sa musika, maitawid at magawa sa riyalidad ang mga ideyang mula sa isipan. Maging ikaw kung sino ka.

 

Suportahan ang GSM mamaya, October 6, 2018, sa Alibi Mixtape Launch sa DSide Bar, Jordan Plains, Commonwealth, QC! 

Alibi Mixtape Launch


Back