MC Spotlight: Pio Balbuena


Kung sipag at dedikasyon ang pag-uusapan, imposibleng hindi mabanggit ang pangalan niya. Pumasok siya sa eksena nung 2012 at mula nun ay nanatiling aktibo na siya sa pag-gawa niya ng mga awiting nakabase sa reyalidad. Hindi nag-tagal ay napa bilang siya sa Viva Records, isa sa mga pinaka respetadong label sa bansa. Meron na siyang isang EP at nung nakaraang buwan lang ay nailabas na ang full-length album niya. Mapapkinggan niyo 'to lahat sa Spotify.

Para sa ika-apat na MC Spotlight, mas kilalanin natin ang rapper na nag ngangalang Pio Balbuena. Malalaman din natin dito ang mga sunod pa niyang plano sa musika. Kaya maupo ka lang, mag-relaks, at I-enjoy ang pagbabasa. Baka may matutunan ka rin na bago.

1. Kailan ka nag simula maging emcee?

Nung elementary ako nag pi-freestyle na ko. Pero di ako nagsusulat di ako marunong. Tapos nung graduating ako ng high school dun na ko nag seryoso sa pagiging rapper. Dati kasi lumalaban lang ako sa pagsulat ng tula sa division ng school namin. Hanggang sa yung mga natutunan ko don sinalin ko sa pagsulat ng kanta mismo at nag adjust na lang ng nag adjust.

2. May istorya ba tungkol sa pag-gamit mo ng tunay na pangalan sa pag-rarap? O ito lang talaga ang gusto mo?

Nag desisyon ako na pangalan ko mismo kasi malaking bagay saken na na-rerepresent mo yung pamilya mo mismo dahil sa apelyido mo. Responsibilidad din sya na kung anong gagawin ko ngayon ay mag rereflect sa apelyidong dadalin ng magiging pamilya ko.

3. Sa mga hindi pa pamilyar sayo, ano na ang mga nagawa mong proyekto?

Ako yung batang nag rap sa “Himig ng Pag-ibig” kasama si Ms. Lolita Carbon ng Asin. Habang buhay kong dadalin yung karanasan na yun dahil sa nakasama ko ang isa sa mga buhay na alamat ng sining pagdating sa pagsulat ng makabuluhang kanta talaga. Katulad ng kapaligiran, at marami pang iba. Pinasok ko din yung larangan ng pag arte sa pelikula, may mga nagawang projects katulad ng “Sid and Aya”, “Miss Granny”, “Allergy in Love”, at marami pang ibang pelikula. Masaya din yung pag arte at napakalaking tulong nun sa pagsulat ko ng kanta lalo sa mga sitwasyon na kailangan kong gampanang karakter sa lyrics ko. Katulad ng bago kong kanta na "Bessy" kung saan kailangan kong maging isang bakla at nagampanan naman daw ng solido at tama pati sa mga gay linggo na ginamit ko sa lyrics HAHAHA.

4. Isa ka sa mga artists ng Viva, kumusta sila bilang record label?

Mahusay sila. Pero ako kasi yung tao na hindi ko naman dapat iasa sa ibang tao yung pagiging matagumpay ko sa isang bagay. Nakatulong din sila saken at isa sila sa mga unang nagtiwala sa kaya kong gawin kaya din isa yun sa mga rason kung bakit hindi ako lumilipat ng kampo or ng ibang label dahil para saken malaking bagay yung loyalty. Hanggat hindi ka inaapakan at inaabuso.

5. Nakilala ka sa mga kanta mong tungkol sa iba't ibang social issues ng bansa. Ano nag-tulak sayo para mag-sulat ng ganitong tema?

Yung mga nararanasan ko at nakikita ko sa paligid ko. Mas gusto ko kasing rekta kong maipahatid yung mensahe ko ng walang paligoy ligoy. Real talk kumbaga. Real talk na nauso simula nung binanggit madalas sa FlipTop na ang ibig sabihin ay totoong mga bara o pagkakasabi. Tsaka ayokong sayangin yung mga oras ko sa kanta kaya gusto ko talagang may ma inspire or may mapulot man lang saken sa mga ginagawa ko.

6. Sino ang unang nag-impluwensya sayo na maging emcee?

Yung mga rapper na pinapakinggan ko dito sa Pilipinas. Sabi ko gusto ko din maging rapper at makapagsulat ng sarili kong kanta.

7. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta? 

“Recovery”, “MMLP” at “MMLP2” lahat yan Eminem. Nakatulong saken si pareng Marshall Mathers lalo na sa mga multi syllable rhymes na ginagawa ko. Sa kanya ko natutunan yung pag papalaman ng rhymes na parang sandwich at natutunan ko din sa kanya yung delivery at energy kapag nag rerecord at nag peperform. Sa local naman "Critical Condition" ng Figgas, "Mga Kwento ng Makata" ni Gloc-9 at "Diploma" ni Gloc-9 sila kasi yung mga una kong narinig nung wala pa kong idea sa pagrarap at pagsusulat. Sila rin yung talagang solid na idol ko sumulat at mag perform dito sa Pinas although marami pang iba na pinakikinggan ko na sobrang gagaling na kailangan marinig ng marami. Kaya nga napaka laking daan din ng liga ng FlipTop kasi yun yung naging tulay ng maraming artists sa Hiphop para marinig sila ng maraming tao.

8. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 7, may naitulong ba sila sa mga bara mo? 

Foreign: Eminem, Immortal Technique, at Joyner Lucas. Si Immortal Technique nakatulong saken sa pagiging rekta ng sulat o yung mas direktang mensahe. Si Eminem naman sa multis at word play. Si Joyner naman sa performance at delivery nakatulong din saken. Mga tropa ko yan hahaha.

Local: Gloc-9, Loonie, Ron Henley

Mga lodi cakes na talaga tong mga to dito sa pilipinas.

9. Aktibo ka bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?

Hanggat may bagong release pinapanood ko sa youtube. Lahat halos. Pinaka paborito ko yung Aklas vs Loonie yung bars nya tungkol kay Constantine na kayang tumawid ng underground at mainstream. Hayop yun. Unpredictable at hindi basta basta maiisip yun.

Sak Maestro vs M Zhayt hayop si Sak don sobra!!! Lahat ng bara nya don paborito ko. Walang dead air! Walang butas! Makikinig ka talaga!!

10. Naisip mo rin bang lumaban sa liga? 

Oo naman lalo na noon. Pero ngayon naisip ko na kung lalaban ako sa liga kailangan talagang pag handaan at hindi dahil gusto ko lang mag pa bida sa eksena. Kung magkakaron man ako ng pagkakataon lumaban eh talagang hindi ko tutulugan.

11. Kumusta ang Pinoy Hiphop ngayon?

Napakalakas at sa sobrang lakas meron pa din talagang mga bababoy sa eksena at talagang maninira sa bawat isa. Buti nga nabawas bawasan na din eh. May mga tao pa din na akala mo tunay na nakasuporta sayo pero yun pa pala yung babasag sa mga binubuo mo. Kaya din yan yung rason kung bakit mas nag focus ako sa sarili ko at mas binigay ko yung todong energy talaga sa sarili ko at pamilya ko. So ayun nga sobrang lakas ng Hiphop ngayon. Nagkaron na ng value yung dating sinasabihan ng baduy!

12. Sa tingin mo, ano ang mga kailangan baguhin sa eksena ngayon?

Maraming magaling. Maraming masipag. Pero ugali pa rin para saken ang importante at kailangan nating mabago. Sa sarili ko din to ha? Hindi lang para sa iba. Magtulungan tayo para naman pag may kumuha sating mga producers or organizers eh hindi tayo mapapahiya.

13. Ano pa ang mga maaasahan namin sayo sa 2019 at sa susunod pa?

Etong 2019 meron akong apat oh limang album na ilalabas. Sa “2020” ang vision ko ay maka sampung album at lahat magkakaron ng music videos. Lahat!!!

14. Ano ang maipapayo sa mga baguhan sa larangan?

Sobrang hirap ng pinagdaanan ko/namin. Kaya kung papasukin mo to pagisipan mong mabuti at pagisipan mo ding mabuti yung pagsusulat at art na gagawin mo sa pag pasok sa tunay na kultura na to.

I-like at sundan niyo lang ang pahina niya sa Facebook para maging updated sa kanyang galawan. Mapapanood niyo naman ang mga opisyal na music video niya sa kanyang YouTube channel. Maraming salamat kay Pio sa pag-bigay ng oras para sa interview na ‘to. Tuloy lang ang laban!


Back