Abante


Ultrasound
Loonie (feat. Kat Agarrado)
Producer: Klumcee
2013

Intro:

Wala nang gasolina butas pa ang gulong

Tapos ang sapatos ko'y sira na, uhaw pa at gutom

Kulang ang dalang pamasahe ngunit anu man ang mangyari

Abante abante

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

 

Verse 1:

Akala ko dati mga pangarap ko'y hanggang doon nalang

Tadyak sa araw sampal sa bituin suntok sa buwan

Pero di ko tinigilan parang butong pakwan

Isang hakbang nilaktawan buong hagdan

Tutugmaan ko yan lahat kahit tungkol saan

Pupuntahan ko ang tuktok kahit saang bundok pa yan

Para lang marinig ng madla ang mga nabuong kantang

Pinag-alayan ko ng laway, pawis, dugo't laman

Habang naglalakad sa matrapik na kalye

May baong mabahong kahapon sa aking bagahe

Laging nag-babakasakaling may taxing bakante

Akala ko kasi malapit lang dati

Maraming nag-sasabing sa putik nanggagaling ang mga

Mamahaling diyamante maraming panganib at mga balakid

Subalit ang aking bawat hakbang ay palaging abante

Kahit na

 

Chorus:

Wala nang gasolina butas pa ang gulong

Tapos ang sapatos ko'y sira na uhaw pa at gutom

Kulang ang dalang pamasahe ngunit anumang mangyari

Abante abante

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

Tuloy tuloy tuloy lang ang biyahe

Tuloy tuloy tuloy tuloy tuloy

 

Verse 2:

Mula sa leyte ako ay napunta sa Bagong Ilog

Tapos lumipat sa Bambang, Pasig hanggang sa nalibot

Ko na ang kanluran, hilaga, silangan at ang timog

Ng kamaynilaan at lahat ng pasikot-sikot

Pag nasa Cebu ako tingin sakin Manileño

Pero pag nasa Luzon ako'y Bisayang Pasiguenio

Dati ruta ko'y Mandaue, Guadalupe Gorordo

Hanggang sa umabot sa America at Toronto

O diba di na Pinas yon

Wala nang limitasyon kahit saan pupuntahan

Basta may imbitasyon

Naglalakbay para sa inspirasyon

Kasi mas masaya pa ang biyahe kesa sa mismong destinasyon

Kaya kahit anong mangyare pare tuloy ang biyahe

Kahit na makatapak pako ng kumunoy o tae

Basta kahit pa magkanda leche leche o ano

Wala akong paki alam dere deretcho lang ako

Kahit...

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Ako ay nakisalamuha sa iba't ibang uri ng tao

Tinahak ang eskinita na puro dumi ng aso

Tinawid ang ilog na puno ng piranhang gutom

Hinarap ang mga kaso sa gitna ng hukom

Panginoon kailangan ko ng lakas na espiritwal

Diyos ko po nakakalula ang taas ng pedestal

Alaalang matatalim nakatanim saking bungo

Mga mali ko ang pinaka magaling ko na naging guro

Ngunit sa tuwing ma aabot ko na ang liwanag

Sa dulo't unti-unti nang lumilinaw ang mga malabo

Bigla bigla namang naglalabasan ang mga nakakatakot na halimaw

Na nakatago

Napasarap ang tulog sa upuan ng lumang bus

Kinumutan ng bangungot at tuluyang lumampas

Kung wala kang pamasahe matuto kang umangkas

Di baleng lumakad ng pagapang basta't wag kang umatras

Kahit...

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

FlipTop 2018: The Expansion Continues

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Second Sight 10

  • 2022
Segment

FlipSides


OTHER LYRICS