Akin Lang Naman


Talumpati
Gloc-9 (feat. G-Dawg)
2011

Chorus:

Wag mo kong pansinin

Wag mo kong pakinggan

Pagkat ang sinasabi ko ay akin lang naman

Wag mo kong pansinin

Wag mo kong pakinggan

Pagkat ang sinasabi ko

Ito ay akin lang naman, naman, naman, naman

 

Verse 1:

Dedma, yan ang dapat mong gawin

Pag narinig ang bawat salita

Na basa ng laway sa aking bibig

Na aking dinudura sa mga pagmumukha

Ilan ba ang natutuwa kapag ako ang tumula?

Wala naman naisip 'to lamang bigla ano kaya?

Kung isang araw ako ang siyang kumabig ng taya

Sa sugal na kung tawagin na ito'y pulitika

Malamang sa malamang kung di kilala lugi ka

Kaya't ang mabuti pa'y ipaubaya mo na sakin

Ang hindi mo nakikita, susubukan kong baguhin

Isang araw lang naman ang iyong pagpapahiram

Ng kapangyarihang ang nakahawak lang ay ilan

Hindi tama ang magbintang, subukan nating magbilang

Ilang taon ang dumaan, bakit napagiiwanan?

Hindi ko po kayo pinangungunahan o dinidiktahan

Dahil ang sinsabi ko ay akin lang naman

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Alam kong di ito madali at medyo mabigat

Pero kung susumahin ang importante lang sa lhat

Ay marunong kang maawa sa mga naghihirap

Minsan kailangang sumagot kahit walang kausap

Nang wala nang batang namamalimos at nakaapak

Wala nang umiiyak dahil kinabukasa'y di tiyak

Libre ang makapagaral, hustisiya'y di mabagal

Ang mawalan ng pera sa ospital ay hindi sagabal

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Kung ako ang presidente, busog ka na sa bente

Ang lahat ay pantay-pantay, iskwater man o disente

Lahat ay may bubong , lahat ay may dingding

Kung walang makain, di magsasangla ng singsing

Dahil ang pasweldo ay tama sa mga manggagawa

Sa dagdag-sahod ay di kailangang magmakaawa

Mga lagay-lagay, perang tangay-tangay

Kapag napatunayan, ikulong lahat sabay-sabay

Kasi walang mayamayaman, dapat maya-maya lang

Tinuturuan ng leksyon, mga maya-mayabang

Mga abusado sa kagawaran ng gobyerno

Nagaagawan lang sa pwesto mahawakan lang ang porsyento

Pero, kahit suntok sa ulap, baka ika'y mamulat

Kinakalawang na pinto sabay nating itulak

Laging tandaan di ko po kayo dinidiktahan

Dahil ang mga sinasabi ko ay akin lang naman

 

Repeat chorus


OTHER LYRICS