Alaala


Single
Ron Henley (feat. Aia De Leon)
Producer: Klumcee
2017

Verse 1:

Tandang-tanda ko pang abot-langit ang saya

Kapag kasama ka kaso lang wala ka na

Kung minsan ako'y napapadaan

Sa lugar na kung saan, una tayong nagkaunawaan

Naaalala ko pa nung tayo'y high school pa

San man ako magpunta laging nandun ka

Dun sa may tabing-ilog, ikaw lang at ako

Namumulot ng bato, palayuan ng bato

Nahuhulog na ako sa mga tingin mo

Pag ako'y nagtatampo, agad nilalambing mo

Anong gagawin ko? Di ako mapalagay

Laging ang mga kamay, sa bulsa nakalagay

Isang gabi nagkainuman kasama ang barkada

Basag nung nagtapat ng pag-ibig sa may kalsada

Mahal kita, mahal mo siya, ngunit may mahal na siyang iba

Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila

 

Chorus:

Pilit kong limutin ka pero parang di ko kaya

Mga alaalang nagpapaalala

Mga gabi na hinati nating dalawa magkasama

Pilit mang di isipin ka, talagang hindi ko kaya

Mga alaalang nagpapaalala

May masasayang sandali tayong dalawa magkasama

 

Verse 2:

Maghapon na nga tayong magkatabi sa klase

Kaso lang madami paring lalaking palihim dumiskarte

Pulis, negosyante, alkalde, higante, maging estudyante nagiging galante

Kahit palagi akong talunan, hindi pepwedeng walang rebanse

Sinusundan kita kahit saan

Sinisigurong may pusong nakalaan sa bawat parisukat na mukha mo ang laman

Nung umaga, tanghali, gabi, nagawa ko naman silang tambakan

Ngunit pagsapit ng hatinggabi, sila'y nagwagi, isa ang lamang

Lang naman nila sakin ay madami silang nagamit na hugot

Di tulad ko wala lalo na pag tayo'y nasa ilalim ng kumot

Dati-rati parang mga kalapati sa gabi

Mga tuka'y nagkalapit, mga isip, makakati

Kahit na di sila boto

Siraan ka man ng mga chismosa't chismoso

Habol ko parin ang matamis mong oo

Mahal kita, Mahal mo siya, ngunit may mahal na siyang iba

Pwede bang tayo na lang dalawa at bahala na lang sila

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Di ko mapigilang mainggit

Sa tuwing makakakita ng magkasintahang magkayakap nang mahigpit

Kaya naman naghahanap rin ng kalambingan

Pero sa aking isipan, ikaw ang kahalikan

Hinahanap-hanap ko ang mga yakap mo

Tanging larawan mo lamang ang hawak ko

Sana pangalan ko ang sunod na matawag mo

Handang dumaong sayong tabing-dagat ang sinasakyang barko

Matarik man ang bundok, mabato man ang sapa

Mababaw man ang luha mo hindi ko na hahayaan yang maglawa

Puyat ako ilang gabi na

Di ko makayanan kasi nakasanayang katabi ka

Mapanlinlang ang damdamin

Binubulag muna tayo bago makita ang barahang ibinababa natin

Kaya kung sasabihin mong kalimutan na kita

Parang sinabi mo narin saking wag nakong huminga kahit...

 

Repeat chorus

SEE ALSO

Latest Article

Bago Mag Eleksyon…

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Second Sight 10

  • 2022

OTHER LYRICS