Alalay Ng Hari


MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9 (feat. Allan Mitchell Silonga)
2012

Chorus (2x):

Ako ay isang taga-hanga mo

Ako na magdadala ng mga hawak mo

Pupulutin ko lahat ng binitawan mo

Ako’y iyong alalay

 

Verse 1:

Tandaan mo

Kahit ano

Man ang mangyari ay utang ko

Ang palakpakan at respesto niyo

Kapag hawak ang tumutunog na mikropono

Kableng nakapulupot

Sa kamay para di mahugot

Ay parang wallet sa snatcher, ako ang mandurukot

Mga linya kong sinulat

Ginamit ang panulat

Nagsimulang mag-ulat

Ang lahat ay nagulat

Sa kanya nanggagaling, mula sa itaas

Ngunit sayo pinaabot, ikaw ang nagbukas

Saakin ay nagturo, ipunin ang katas

At kung pano di matibo sa masukal na landas

Sa tuwing ika’y kausap, ako’y nahihiya

Parang nananaginip, ako’y tuwang-tuwa

Kaya sa gabi ako’y palaging nakatingala

Kasi pwede palang maging sigurado ang baka

Sabay sa entablado

Ang lahat ay ganado

Ikaw rin ang nagpasakay sakin sa eroplano

Kahit sabihin ng iba na ako ay dehado

Pero dahil sayo ay matagal na kong panalo

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

First year high school sa Morong, Rizal

Hindi ka ba nahihiya? Medyo makapal

Daw ang aking mukha, bakit ka ba laging kasali?

Nagbabaka sakali na hindi matanggal

Kasi nung araw, doon sa amin ay di pa masyadong

Maraming rapper ang mapapakinggan mo sa radio

Kasi siguro’y naiiba pa noon ang uso

Ngunit lahat ng kanta mo ay aking kabisado

Pag Cold Summer Nights ay napapraning

Meron akong ano, na di bading ang dating

Silang mga ubos biyaya na laging lasing

Mga nilamon ng sistema na andiyan pa rin

Gabulok ang nangangamoy kahit dumaan sa contest

Sinong kumain ng isang kilong mahiwagang kamote

Kaya mga kababayan, ito ang gusto ko

Hindi ka dapat mahiya kahit ilong mo ay pango

Kasi tayo’y mga Pinoy, ano man ang mangyari

May man from Manila na palaging magsasabing

One can’t talk peace if you have a gun

Handa ka bang ipaglaban ang 3 stars and a sun

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Kahit ano pa man

Sabihin ng iba

Ika’y nag-iisa

At ako ang iyong tagahanga

Di ko lubos maisip

Nagbago na ang tinig

Nang ikaw ay mawala

Dumami ang nagpupumilit

 

Repeat chorus


OTHER LYRICS