Bakal


Illustrado
Illustrado (feat. Tala)
Producer: Apo Lerma
2017

Verse 1 (Goriong Talas):

Hanggang ngayon tinatanong kung ba’t ka nga ba lumayo

Kaya lugmok sa kalungkutan kabiguan ay lango

Pangalan mong di malimutan nakaukit sa bungo

Kasiyahan dati'y sagana bakit biglang naging tuyo

Kaya tula ay ginawa nang malamang mahalaga

Na walang makaka pares ikaw lang talaga

Kahit ngayon ay magkasama magkapiling

Kayong dalawa habang buhay binabalatan

Parang sibuyas na ginisa

Tang ina ka!

Kaya burado ka sa talambuhay

Nag hiwalay ang kaluluwa't

Katawan tila nag talampunay

Walang malay naka handusay

Walang buhay kala mo gulay

Kung parehas na mahusay mag sama kayo sa hukay

Kung bakit ako ganito itanong kahit kanino

Nilalamon ng dilim lahat kahit na anino

Bangkay niya ay nag apoy gamit ay isang palito

Di siya napasakin kaya't binalik ko kay anito

 

Chorus:

Sadyang may mga bagay na di mo pwedeng ipilit

Pandamang sin lamig ng bakal baka mapaso pag ininit

Kung hindi ka mapapasakin eh di hindi tangina ka

Hindi ka rin mapapasa iba

 

Verse 2 (Batas):

Kung ito'y puno ng buhay akong bulok na bunga

Taong ahas sa kalooban pelikula ng Zuma

Sa kultarang to ako ang dupang kong

Di akin bawat puri walang makakakuha tsong

Parating buraot sagad ang pag kupal ko

Malakas mang iwan parang tropang konsihal na tumakbo

At kung paldo kayo dahil sa aking pagka gutom

Mang-gagamit ako sasabit na parang kuto sa ulo

Ako ang nana sa dulo ako rayuma sa tuhod

Ako salot sa lipunan titulo ko ay ang pangulo

Mga bara ko bakal tol parang nabilanggo

Ako lang nasa taas at hanggang dyan lang din kayo

Kung meron umabante dahil sa kanilang silakbo

Hihilahin pabalik aking armas ay tirador

At kung sakaling ang tagumpay ay di ko makuha

Garantisado ko lahat tayo ay uuwing lumuluha

 

Chorus:

Sadyang may mga bagay na di mo pwedeng ipilit

Pandamang sin lamig ng bakal baka mapaso pag ininit

Kung hindi ka mapapasakin eh di hindi tangina ka

Hindi ka rin mapapasa iba

 

Verse 3 (Sayadd):

Simula't sa pul naulol sa kagalakan

Sagad-sagad na buhos,  sagad na naranasan

Mapuyat sa ligaya mga damdamin nag liyab

Nung unang beses nakasayaw ka sa yero na makintab

Kung saan nag presinta na sa akin makiramay

Kalungkutan na walang rason aming tinalakay

Mga bagay na dating walang dating sayong palagay

Naging laman ng argumento habang nag sasalita nang sabay

Saglit lang namagitan ginawa nang opisyal

Sabay nalinisan mundo nang bagay na materyal

At naubos ang lahat kasama yung memorya

Napunta tayo sa masalimuot na bahagi nang istorya

Nalimot mo sumpaan na iisa tayo

Lumakad mag isa at ako ay isinumpa mo

Ngunit ako ay tiga balanse tigahilom nang sugat

Nag linis nang dugo at nasapul simulak

 

Chorus:

Sadyang may mga bagay na di mo pwedeng ipilit

Pandamang sin lamig ng bakal baka mapaso pag ininit

Kung hindi ka mapapasakin eh di hindi tangina ka

Hindi ka rin mapapasa iba

 

Outro (Tala):

Hindi ko kelangan manuyo dahil kusa kang lalapit

Tuksong mapang-akit na naka sik-sik

Sa bawat sulok at gilid

Itanggi mu man akong pilit

O pag taguan ng ilang ulit

Ilang ulit karing mang-huhumaling

At muling manunumbalik

Mananabik at mangi-nginig ang iyong kalamnan

Na para bagang tigang na tigang

Giyang na giyang

Libang na libang

May una kang minahal ako pa rin ang huli mong iibigin

Itaboy mo man ako  o itulak ay

Patuloy kitang kakabigin

Likas na hayop ang mga taong nilalang

Wag mong bansagan na makasalanan

Kung hindi mu pa natitikman



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Event Highlights

Promo

FlipTop Sticker Pack

Promo

FlipTop Shirt (Brick) Grey

OTHER LYRICS

Out The Gate
…Exact Change… Reloaded
Bambu
2011
The Other Side, Welcome
CIRCA91
Ruby Ibarra
2017
Magda
Liham at Lihim
Gloc-9 (feat. Rico Blanco)
2013
Monday (San Na?)
Ikugan
Calix
2018
Starter (Isang Tao, Isang Hukbo)
The Resumé Mixtape
Santo
2009

FEATURED ARTICLES

Behind The Sound: Kaz
By Anonymous Staff