Gayuma


Abra
Abra (feat. Thyro & Jeriko Aguilar)
Producer: Bojam
2014

Verse 1:

Harana, para sa dalaga

Na kung di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana

Dalaga, na balak makasama

Mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana

Makasama ka na para bang tadhana

At kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka

Ang tadhana sadyang kahanga-hanga

Ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para

Masabi lang sayo na tapos na ang panggiginaw

Ng puso kong naghihikahos pagka't naliligaw

Ngayon paos na paos na sa kasisigaw

Ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw

Ngunit bakit parang maraming nakatitig satin

At parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin

Mahal kita kahit may pagka-alanganin

Pagka't satin mas mukha ka pang lalaki kesa sakin

 

Chorus :

Hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)

Paggising ko ikaw ang nasa isip

Batid kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko

(Ikaw lang at wala nang iba)

Ngunit hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag ang lahat)

Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap

(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)

Paggising ko ikaw ang nasa isip

Batid kita hanggang sa panaginip

Kasi ikaw ang iniibig ko

 

Verse 2:

Ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon

Sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon

Hindi ka lang maganda pag hindi nakatalikod

Parang ipot ka ng ibon magpakipot

Hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit

Nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit

Kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit

Sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit

Hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko

Kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko

Para kang Rebisco ang sarap ng feeling ko

Ikaw ang namimiss ko, mismo

At kung kasama ka, parang naglakad ng aso

Kaso di e, pag galit si Son Goku parang kamukha mo babe

Pero ika’y bituin kapag sa langit nakadungaw

Kahit parang in between ka ng babae at bakulaw

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan

Ang sabi niya, uy, meron akong nabalitaan

Nang ikwento niya ako'y napaisip

Sabay napatahimik nang sinabing hindi yan tunay na pag-ibig

Ilang araw hinanap bago makita ang sagot

Kung tama ang hinala, ito’y mabisa na gamot

At nang aking inumin saka ko lang naunawaan

Gayuma nga, lang hiya ako’y naloko lamang

Nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi

Ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi

Ito ay pelikula na binuo patabinge

Isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge

Alam mo, mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana

Ikaw ang dahilan kung ba’t nasulat tong harana, para sa dalaga

Na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala

 

Chorus:

Hindi ko maipaliwanag

(Hindi ko maipaliwanag)

Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap, oh...

(Ikaw ang laging hinahanap sa pagkat)

Paggising ko ikaw ang nasa isip (Badtrip)

Hiling kita hanggang sa panaginip (Ang pangit mo talaga)

Kasi ikaw ang iniibig ko

Ikaw lang at wa, ah

Teka, teka, teka, teka

Ngunit hindi ko maipaliwanag

(Pero ngayon ay maliwanag na lahat)

Kung ba’t marahil ikaw ang laging hinahanap

(Di ako makapaniwala sa pagkat)

Paggising ikaw ang nasa isip (kalokohan)

Batid kita hanggang sa panaginip (hay nako)

Kasi ikaw ang iniibig ko

Syempre yan ay dahil sa

Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Dahil sa ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma

Ga-ga-gayuma, ga-ga-gayuma (yeah)

SEE ALSO

Latest Article

2022 Releases From FlipTop Emcees (So Far)

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

UnggoYan


OTHER LYRICS

Sino (Interlude)
MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012
Syke (skit)
Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah (feat. Syke)
2013
Back Home
Bayani
Blue Scholars
2007
Abangers
Single
Pino G (feat. Marco BMG)
2018
Intro
The Breakout Satirist LP
Calix
2016