HU U?


Barcode 2
Pricetagg feat. Because
Producer: NEXXFRIDAY & Mark Beats
2022

Intro (Because):

Kaya ngayon ika'y who you sa'kin

Kaya ngayon ika'y who you sa'kin

 

Chorus (Because):

Sabi ko naman ang gusto ay kukuhain

Mga plano't panalangin lahat tutuparin

Mataas na pangarap pero tutuparin

Kaya ngayon ika'y who you sa'kin

Who you? Who you? Who you?

(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)

Who you? Who you? Who you?

(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)

 

Verse 1 (Pricetagg):

Ako ay pinagpala nung ika'y napunta sa'kin

Minahal ang pagkatao kahit di ka bagay sa'kin

Makasama habang buhay yan ang aking panalangin

At pangakong di ka bibitaw kahit alanganin

Ang aking sitwasyon, alam mong nasa ilalim

Pangarap ko at relasyon sabay bubuhatin

Pero di ka naniwala at walang tiwala sa'kin

At tayo ay naipit kahit na pilitin natin

Kulang lang ang oras ko, di ka nakuntento

Madalas ka pang makinig sa ibang kumento

Sa kadena nakagapos pa'no pa ako bubwelo

Kung ikaw na mismo ang umaapak sa'king preno

Sinubukan kong ayusin ako'y parating na

Gusto kang kausapin at iparating na

Tagumpay hinahanap ay padating na

Pero di na pala ako'y iniwan mo na

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Because):

Nakita sa mata, ginamitan ng camera

Lagi tayong wala sa iisang pahina

Gabi 'gang umaga galit na pala kaya

Dati laging magkakampi ngunit sabi niya

Gusto kong resulta mabilisan kung di ka iiwan

Nang marinig yon ay nabahiran

Lungkot ng damdamin na dinadaanan

Mahirap magtiwala sa walang tiwala

 

Verse 3 (Pricetagg):

Alam ko sa sarili na hindi ka babalik

Kaya yakap at halik mo, di na 'ko sabik

Gusto ko lang sanang sabihin na hindi ako galit

Ginamot ko na ng pera ang iniwan mong sakit

Di ko inasahan na makakamit ko na

Ang dating imposible ay naging posible na

Ngayon pwedeng sabihin na ako ay kilala

Sana ay nandito ka pero teka, sino ka?

Naghanap ako ng ilaw nung paligid madilim

At sa buwan nakatingin at ang ulap ay itim

Gusto mo daw akong hanapin upang ako'y harapin

Sa bintana tumingin, isa na 'kong bituin

Tanggapin na kahit sino pa ang makilala

Maririnig mo boses ko kahit saang kalsada

At sana mag-iingat ka pa din at para

Teka, anong pangalan mo?

Di ko maalala

 

Chorus (Because):

Sabi ko naman ang gusto ay kukuhain

Mga plano't panalangin lahat tutuparin

Mataas na pangarap pero tutuparin

Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?

Who you? Who you? Who you?

Who you? Who you? Who you?

(Kaya ngayon ika'y who you sa'kin?)



OTHER LYRICS

Mga Praning
Rap is FrancisM
Francis M.
1992
Paano Na Kaya
Single
Zikk
2010
Masama Yan
G9
Gloc-9
2003
The Tea
Good Problems
WAIIAN
2020
Balik-Tanaw
A.G.I.W.
KJah
2015

FEATURED ARTICLES