Huwag Mong Mahalin


Rap Heartist
Abaddon (feat. Vlync)
Producer: Eman Da Great
2017

Verse 1:

Lasing ka nanaman

Anong nangyare kagabi?

Umuwi ka nang may baon pang babaeng malaki

Panay ang kamot niya sa singit mong maasim, makati

Astigin ka ba pre? Kapag iba iba ang katabi?

Iba't ibang bangka ang iyong sinasakyan

Mukhang hindi ka na tinatablan

Porke't di ka sinasaktan

Lahat nalang kinakamkam

Kahit kaibigan ang may ari

Ay di mo dinadamdam

Pilit mo pang sinasagwan

Mga istilo mo'y bulok

Kahit mapahiya ka ay pagpipilitan mo na malunok

Kahit nakalimutan ko'y nakakalimutan

kong kalimutang ikaw ay matagal ko nang subok

Sirang sira kapag babae ang usapan

Bakit mo hinayaan na madungisan ang pangalan mo?

Palagi kang tinatawanan dahil nga ang yabang mo

Pero ayos lang yan

Dahil lahat to'y kasalanan mo

 

Chorus:

Anong nangyari tropa?

Puro ka droga

Palaging kota

Nak ng pota

Huwag mo nang antayin na ikaw ay singilin

Ayos lang tumikim pero

Huwag mong mahalin

Baka mapraning ka

Naku ikaw rin

Ayos lang tumikim pero

Huwag mong mahalin

 

Verse 2:

Hindi ka tinuturing yaman ng magulang mo

Ang alam mo lang ay manggulo

At pagkukulang lang ang kaya mong buo na ibigay diyan ka mahusay bro

Kulang na lang ay umusbong ang mga sungay mo

Di ka tumatanggap ng payong kapatid

Kaya batid ko na kung ganong pang-unawa'y kasaid

At malamang sanay ka na sa mga tratong malamig

Isa kang tao na palalo na malabong padaig

Nasobrahan ka na sa lalim

Ano bang inuulam mo sa kanin?

Puro ba masamang hangin?

Kahit ikaw ay alanganin na alam mo bang

Kasama ka pa rin sa aking mga panalangin?

Huwag mo sanang masamain

Dapat kasi minsa'y subukan mo na harapin ang salamin

Dahil lalo ka lang mapapahamak at sasamain

Kung di mo gustong alamin kung sino ba ang salarin

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Ayos ba na maging siga at maangas?

Tapos kunwari matalino ka't matalas?

Kahit kanino ka pabibo parang may anting-anting mga ngiti mo

Ang galling mong mangbayabas

Kung ano man ang tinitira mo ngayon

Unti-unti ka niyang ihahatid sa libingang kahon

Kahit ano man ang ipilit mong talon

Anim na talampakan pababa ka niyang ibabaon

Gusto lang kitang tulungan

Baka mga demonyo'y may inuman at ikaw ang mapulutan

Baka maging laman ka ng bulung-bulungan

Dahil masaya ka na sa sementeryo o kulungan

At bago ka pa nga tuluyan na kainin

Subukan mong siyam na oras na walang gising

Dahil napakasakit kung iisipin

Ang isang kaibigan ko sa kangkungan ko pupulutin

 

Repeat chorus

 

Outro:

Huwag na huwag na huwag na huwag na huwag na huwag

Huwag na huwag na huwag na huwag na huwag na huwag

Huwag mong mahalin…

Huwag mong mahalin…

Huwag mong mahalin…

SEE ALSO

Latest Article

2021 Pinoy Hip-hop Releases

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Gubat 10

  • 2022

OTHER LYRICS

Target vs Badang
FlipTop: Unibersikulo (Dos Por Dos Finals)
Target and Badang
2012
Sugod
Gatilyo
BLKD x UMPH (feat. MC Sacay)
2015
Ordinary Guys
Bayani
Blue Scholars
2007
Salbahe
Talumpati
Gloc-9 (feat. Tanya Markova)
2011
Hari Ng Tondo
MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9 (feat. Denise Barbacena)
2012