Kabet


Single
Gagong Rapper (feat. Mz. Kyla)
2004

Verse 1:

Kay sakit namang isipin na

Sa puso mo ako'y pangalawa

Sa tuwing makikita kitang kasama siya

Pinipikit ko ang aking mga mata

At sa gabing kasama mo siya

Halos hindi ako makahinga

Kayakap ko ang bote ng tequila

Nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa

Naghihintay hanggang sumapit ang umaga

Nang muli kang makasama

Ano ating lagay hindi mapalagay

Ako'y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay

Sa kanya ka sa tanghali, akin ka sa gabi

Pagdilat sa umaga yo, wala ka na sa tabi

Mayroon kahati gusto kita na mapasaakin

Kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin

At lagi mong iisipin kung hindi ka para sakin

Huwag mo lang kakalimutin na ika'y mahal ko rin

 

Chorus:

Sa puso koy nag-iisa

Kahit mayroong iba

Kahit hindi tama ang ginagawa

Sinta, basta ba'y makasama lang kita

Kahit kapiling mo pa siya

At huwag nang mangamba

Kahit sabihin na kalimutan ka

Di ko to makakaya

Basta ba'y makasama lang kita

Kahit kapiling mo pa siya

 

Verse 2:

It really hurts ang magmahal nang ganito

Kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo

Hanggang ganun na lang nga kailangan ko tong tanggapin

Na sa puso mo mayroon na ngang ibang umaangkin

At alam ko na rin na mayroon nang nagmamayari

Sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati

At ano man ang mangyari di ko kayang manumbat

At kahit pa ilihim mo ako sa lahat

Gaano man kabigat sa puso ko itong aminin

Hindi dadaing wag ka lang mawalay sa akin

Masakit man na isipin na ako ang naghiram

Kaya pinasya mong huwag na ngang ipaalam

At kahit hindi to tama ako ay sumugal

Kahit pa nga alam kong mayroon kang ibang mahal

Binigay ko ang lahat kahit ganto ang natamo

Sa pag-ibig ng iba ako ngayon nakikisalo

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Sa situwasyon natin na to di ko alam kung san tutungo

Alam ko mahirap at mali pero mahirap din isuko

Paano ko masusuot sing-sing sayo na dala

Kung sa paglalagyan nito mayroon na palang nauna

Nakilala mo ako di ko binalak mang-gulo

Gusto ko lang mapatunayan na ika'y mahal ko

Yung binuo ang buhay ko sa mga nakaw na saglit

Kahit ang tawag lang sa akin ay di hamak na kabit

Oo nga ikay sa akin at ako'y sa iyo

At ikaw din sa kanya at siya din ay sa iyo,

Yan ay aking tinanggap para makasama ka lang

Pero sana wag sabihin na nakasama ka lang

Pero sana rin wag tayong dumating pa diyan

Tiisin ko ang lahat kid basta wag lang yan k

Kahit alam kong mahirap tong tanggapin

Na mas nauna siya sa iyo kaysa sa akin

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Sakin Ka Nalang
Barcode 2
Pricetagg
2022
Dapat Tama
Single
Gloc-9 (feat. Denise Barbacena)
2012
Karakrus
The Lesser Of Your Greater Friends
Calix
2017
Rotonda
Rotonda EP
Gloc-9 (feat. Joey Ayala)
2017
Pareho Tayo
Single
Gloc-9
2014

FEATURED ARTICLES

MC Spotlight: Cobs
By Anonymous Staff