Kislap


Talumpati
Gloc-9 (feat. Aiza Seguerra)
2011

Chorus:

Kislap ng mga ilaw

Sigaw at palakpakan

Ang lahat ng mga tao

Alam ang aking pangalan

Yakapin mo, isipin mo

Baka di na maulit to

Yakapin mo, isipin mo

Baka di na maulit...

 

Verse 1:

Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y

Hinahanap ng aking inay habang lumalangoy

Sa ilog na lumalim dahil bumagyo kagabi

Walang tigil sa pagsisid kahit medyo madumi

Ibalik mo ako sa kalsada kong nilakaran

Patungo sa eskwelahan na aking pinasukan

Mula una hanggang sa ika-anim na baitang

Lubid ng aking turumpong nakatali saking baywang

Ibalik mo ako sa araw na nung ako'y

Pinagtatawanan dahil ang sapatos ko ay baduy

Di mamahalin ang damit simula sa umpisa

At ang aking pantalon ay di limang daan ang isa

Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid

Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib

Walang palakpakan at sigawang nakakatulig

Upang ang tinig mo lamang ang siyang aking marinig

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

Ibalik mo ako sa mga araw na

Nakadungaw sa bintana sige mangarap ka

Magrap ka nga dito sa beat Aris bumanat ka

Baka mahulog ka sa jeep

Pare humawak ka

Ibalik mo ako sa araw na ako'y dinugas

Akala ko kaibigan, kaya naging tagahugas

Ng pinggan sa iba't ibang restaurant

Dun mo subukang magapply

Pare the best daw yan

Lampas sa minimum ang sweldo

Libre ka pa sa kain

Di pwedeng pansustento

Hindi malayong hikain

Sa init ng kalan, lutuin mo isang banyera

Pagod ka na, heto pa itaas mo ang bandera

Ng mga manggagawang pinoy, may among mayamang tsinoy

Gusto kong bumalik sa mga panahong noong ako'y

Nananalanging palarin, mga adhikai'y makain

Malupit na makata kung tawagin

Paborito kahit di taga-samin

Ibalik mo ako nung ako'y nasa silid

Nagiisa, nagiisip at walang bumibilib

Walang palakpakan at sigawang nakakatulig

Upang ang tinig mo lamang ang siyang aking marinig

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro:

Ibalik mo ako sa mga araw na

Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa

Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa

Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka

Ibalik mo ako sa mga araw na

Pag sumasakay ng jeep ay may kaagaw pa

Nung ang ilog sa may amin ay mababaw pa

Nang sa kabila ng lahat ay madalaw ka

At makausap...

SEE ALSO

Latest Article

Bago Mag Eleksyon…

  • By Anonymous Staff
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

Das Wak


OTHER LYRICS

Nakakapanibago
The Breakout Satirist LP
Calix (feat. DB)
2016
Pisara
Sa Gitna Ng Prusisyon
KJah (feat. Bassilyo & Anygma)
2013
Virus Latency
Odyssey To The Sun
Skarm (feat. Miki Hahn)
2011
Bolang Kristal
Abra
Abra (feat. KZ Tandingan)
2014
Female Thoughts
So Help Me God Vol. 1
Karencitta
2016