Pisi


Single
K-Leb (feat. Ron Henley and Drich)
Producer: Ochomil
2018

Verse 1:

Madalas mataas ang mga boses pati ihi, pwede pakipihit

Bitawan mo sa gilid, naipon mo na galit

Halika saking braso kung saan madalas ka na kumakapit

Ayokong mapatid ang pisi na nagdudugtong, wag kang sumigaw pwede ka namang bumulong

Lahat ng nasa isip mong tanong, mga hamon lang ng makabagong panahon

Kaya gusto ko ng bumalik, kung saan lahat ng halik ay kapanapanabik

Sa bawat pagpikit ng mga mata ko nakikita ko ang yong hagikgik, tinamaan ng lintik

Ang sarap kaya di ko pwedeng payagang mawala

Patawarin mo ko kung madalas na magpabaya

Balde-baldeng luha sa mata, sana alam mo kung gaano ka kahalaga

Kung alam mo lang pag gumagabi, lalo na't wala ka dito sa aking tabi

Di mapakali, hanap ka kasi

Paralisado pagkatao ko pag hindi ka kasama buksan kahit bintana

Sinaraduhan mo na ko ng pintuan subalit ikaw pa rin ang gustong kasama yeah yeah yeah

 

Bridge:

Halos araw-araw nalang

Nagsasayang ng laway, puro nalang away

Bakit ba hindi mo buksan?

Masyado kang nasanay sa mga bagay-bagay

 

Chorus:

Hmmm wala naman sigurong masama...

Kung ang pisi na nagdurugtong, pagdugtungin muli

Aminin ang mga mali, hindi pa din naman huli

Yeah...

Alam mo kung ano ang masama...

Yung kalimutan natin ang isa't isa, kahit alam mong gusto pa

Tingnan mo 'ko saking mata

Sinta...

 

Verse 2:

Ang hirap mo nang abutin, ganap ka ng bituin

Di mo nako pinagbuksan ng pintuan nung gabing binalak kitang katukin

Para lang akong telepono mong paulit-ulit nagriring

Di ko na alam kung anong klaseng pagpapapansin para lang iyong sagutin

Nag-umpisa lang sa palitan ng simpleng Hi-Hello

Ang paligid ay biglang naging kapilyang pinintahan ni Michaelangelo

Sabay biglang tunog ng orchestra, sa isip ko tila may opera

Palakpakan ang mga tenga pagkapasok ng boses niya

Isang tanong, isang sagot, madali lang namang humindi

Di nako magpupumilit pahabain pa yung pisi baka mas lalo lang umiksi

Lagi kitang ipagdarasal, sa malayo nalang ako magmamahal

Tinanggap kong hanggang kaibigan nalang kasi mukhang dun tayo mas magtatagal

 

Repeat bridge

 

Repeat chorus (2x)

SEE ALSO

Latest Article

2021 Pinoy Hip-hop Releases

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Hustle Vision
Ordinary Lives
Rayneman
2018
The Tea
Good Problems
WAIIAN
2020
2Shine
Buzo_Omp
KURIMAW
2021
Akala Mo Ata
Single
Nateman x Realest Cram x CK YG
2022
Monday
Bad Burn
FOSSILS (feat. WYP and Bedsettler)
2017