Siga


Liham at Lihim
Gloc-9 (feat. Quest)
2013

Quest:

Sino ang maton may pusong di mamon?

Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon

Ako’y isang maton at tila kamagong

Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong

Dahil ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Papalag ng matigas

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Walang inuurungan

 

Gloc-9:

Tato sa balat, bali itong kagat

Pag ako’y lumapag ay tiklupan lahat

Kay bilis kumaripas, walang kaparehas

Kasing tigas ng braso ko ang malamig na rehas

Ako lang ang may kalyo, may kalyong parang bato

Sa dami ng sinapak ang lahat ay pinakaba ko

Parang yelo sa bulok na ngipin nakakangilo

Pag tinamaan sa panga sigurado kang hilo

Ano ba talaga? (ano ba talaga?)

Ang tunay na kahulugan (ang tunay na kahulugan)

Ang katagang siga (siga, siga)

Subukan nating kalagan

Laging kinakatakutan

Sakit sa katawan pag ika’y inabutan

Walang makapalag kahit na may binatukan

Balde ng kamao ika’y pinapaliguan

 

Quest:

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Papalag ng matigas

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Walang inuurungan

 

Gloc-9:

Sa panahon ngayon, iba na nilalaman pahina

Basahin mo, lumapit ka, wag kang bibitaw, kumapit ka

Tawagin mong sinungaling parang kabaluktutan na pinilit maibaling

Upang maging diretso, baguhin ang palaging

Gamit na panindak kahit walang pahapahaging

Dahil kung minsan ay hindi lamang puro tigas

Pakuluin nang lumambot ang butil ng bigas

Sa bawat hibla ng palay, tatahakin ang tama kahit na maputik at madulas

Sino ba ang duwag at basag ang mukha, hindi sumalag ngunit sa gapos ng buhay, pumiglas kinalas

Pagkain para sa pamilya, sa hapag nilapag

Yan ang siga

 

Quest:

Sino ang maton, may pusong di mamon

Walang atrasan sa mga laban kahit sinong maghamon

Ako’y isang maton at tila kamagong

Ang aking pagkalalaki kahit sinong magtanong

Dahil ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Papalag ng matigas

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Walang inuurungan

 

Gloc-9:

Kahit ano mang gamit

Di mo kayang durugin to

Ooh whoa oh oh oh oh oh

Kahit ano mang galit

Di mo kayang takutin to

Kahit takutin sunugin

Ang tapang na dala’y

 

Quest:

Matapang pagdating sa kapakanan ng iba

Maangas kapag kaharap ang hamon ng iba

Di pasisindak sa takot at kaba

Gabi-gabi digmaan ng kanyang mga tato

Kahit bugbog sarado hindi magpapatalo

Kapag pinabagsak agad-agad bumabangon

Ipakita ang tikas, ilabas ang gilas

Itaas ang bandila ng makabagong siga

 

Quest:

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Papalag ng matigas

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Walang inuurungan

Ako’y siga, di mahina

Ang matapang lumabas

Kahit sa anong bakbakan

Papalag ng matigas

Ako’y siga, di mahina

Pag tumawag sa taas

Kahit sa anong bakbakan

Walang inuurungan

SEE ALSO

Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022
Segment

Plakado


OTHER LYRICS

A.G.I.W. Outro
A.G.I.W.
KJah
2015
Funky Monkey
FreeMan
Francis M.
1995
Pektus
Single
System 33
2018
Upuan
Matrikula
Gloc-9 (feat. Jeazell Grutas)
2009
Galactica
INVERSE
RBTO (feat. JedLi and Raw MF)
2012