Skwaterhawz


The Resumé Mixtape
Santo (feat. Skwaterhawz)
2009

Chorus (2x):

'kala ba niyo kayong may magarang bayo

Mayabang? Eh di pakita nyo na matapang kayo

Ang mga banat, tagos, di ka kinakabahan?

Eh dapat kang kabahan dito sa apat na to

 

Verse 1 (Santo):

Ang mga liriko ay fresh, kaya malabong mapanis

May pagkagago sa ballpen at tarantado sa lapis

Laging barako na artist, kahit di nako magpraktis

Mas mabangis ang laway ko kesa sa asong may rabies

Chick mo'y nakilala nung kinama ko sa Sogo

Binanatan 'gang magsawa, ni-Rihanna ko ng todo

Kaka-awa kang timawa at lipas na ang jokes mo

Laranga'y binuwaya't may piranha 'ko sa flow ko

Mga pangit na artist, eto sa aming lapag

Mga minasaker namin gamit ang aming tatag

Kaya kung badtrip ka sami't kami ang hari ng rap

Ipinararating namin ang lubos naming habag loser

Kung susugod kayo, eh mauubos kayo

Nakaw, Macau ang laro at niluluto na to

Mga puro lang wack na di marunong mag rap?

Pare, sa grupo na to eh matututo kayo

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Zikk):

Oh oh lahat maghanda na

Mapapaslang ang sasasalang na walang hawak na sandata

At ilabas ng kasangkapangan panangga

At maasawa ng sampal ang nakakasawa na kanta

Skwaterhawz kami ang mga bagong maghahari

Dito sa laro na walang bagong nangyayari

Sa banong namamayani, kami ang kakastila

I-Ri-rizal ang di lirikal na walang talas ang dila

Skwaterhawz, ang aagaw ng titulo

Trono’t mikropono sayong mga mahal na idolo

Papatayin namin ang tpain na pangringtone na tipo mo

At kakatayin ka namin pag di mo sinabing “trip ko to”

Di man pang radyo to magiging bisyo mo to

Gagahasain ko tenga mo hanggang maging bitch ko na to

Ang mixtape ni Santo eto pa lang ang sampol

Now Pinoy Rap are you ready to rambol?

 

Repeat chorus

 

Verse 3 (Van John):

Pagbuka ng bibig sa tula makinig

Na ang tugma ay siksik na ako ang nagisip

Gamit ang utak na higit sa dalubhasang intsik

Kasi di ko gawain ang magsulat ng pilit

Kaya pagbuga ay lintik sa talunan na inggit

Oops! Teka muna! Bago ka manliit

Mamutla't manginig, masuka't, maihi

Gusto ko lang sabihin na ako'y gwapo sa paningin

Ito'y sakto sa pandinig at ang sarap sa tenga

Sapagkat ang tema at ang laman na letra

Ng kanta ay mabenta kaya walang nang dedma

Nakakabilib ito na para bang syensya

Tama na ang pasensya sa mga basurang to

Dapat nang patulan to nang mabatukan ko

Kaya nga nasulat to para sa katulad mo

Nabuo ang Skwaterhawz para ang rap hatulan to

 

Repeat chorus

 

Verse 4 (Dello):

Ako'y itim na anghelito na sinuka ng langit

Dahil hindi na maarok kapag sinukat ang galit

Kaya subukang manlait na magbiro ka ng pangit

Kasama ka sa tataob kapag sumulat ng awit

Gamit panulat at papel kapag tumira ng pukol

Kapag hindi ko kalebel, ako'y bihirang magpatol

Kung gusto mo ko'ng makita, eh di tumingala ka tol

Pero sabog ka sakin na parang tumira ng katol

Dahil ako ang sisita, sa mga dila'ng pumaet

Kapag nahagip kita, ewan kung di ka bumaet

Kamao ko na palapet, at sa mukha mo kumabet

Kaya lahat ng makalaban, pinupulot sa kubet

Ta, iwasan ang tirada ko't sumangga

Madami samin ang galit pero takot bumangga

Tinutupi ko ang alas kapag ako bumangka

Kund hindi ka makatapat, sige balik sa lungga



OTHER LYRICS

Pa-umaga
Single
Al James
2018
Medisina
8:01 EP
Because
2017
Plorera
Single
LarkMester
2018
Bebelabs
Single
D-Coy (feat. Muriel)
2015
Bakit
G9
Gloc-9
2003

FEATURED ARTICLES