Sukli


Sukli
Gloc-9 (feat. Maya)
2016

Chorus (Maya):

Kahit pa ako'y isang datihan

Na galon galong pinapawisan

Mananatili pa ring isang baguhan

Kahit gano kalayo ay mararating

Kasya pang aking sukli

Kasya pang aking sukli

Kasya pang aking sukli

 

Verse 1 (Gloc-9):

Mula pa noon ay sinimulan ko nang gumapang

Hanggang ngayon ay naka handa akong lumaban

Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan

Bawat taon, nilakad at dinaanan

Kahit maputikan ang aking sapatos

Na pinag ipunan ng hirap at pagod

Sapag... Tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na

Bawal ang aray kahit mamatay at gutaygutay pa

Gusto ko lamang sa bihin ay di mada

Li ang mga kailangan kong danasin pa

Ra lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling

Bagamat mailap ang pagkakataon, pinag kasya ko ang sukling

Sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot

Iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot

Ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli

Kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pang aking sukli

 

Repeat chorus

 

Verse 2 (Gloc-9):

Labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim

Bawal ang mag tapon dapat mag ipon ako ay pison papatagin

Ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin

Sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, ama namin

Dambuhala man ang naka harang ay di tumitigil di papapigil

Kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nang gigigil

Batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom

Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong

Mula pa noon ay sinimulan ko nang gumapang

Hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban

Umaalulong, isa lang ang aking natutunan

Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan

Di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag

Sigaw nang sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag

Itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw wag kang bibitaw wag

 

Repeat chorus



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Salitang Ugat

Promo

FlipTop Shirt (Bubble)

Promo

FlipTop Sticker Pack

OTHER LYRICS

Halili
Heartbreak SZN
Because
2018
Over Shadows
Ordinary Lives
Rayneman (feat. Kensa, Mocksmile, Nakr, and Soupherb)
2018
Whole Lotta Lovin'
The Oddventures of Mr. Cool
Francis M. (feat. Evil StepSisters)
1998
No Greater Love
Life Of A Champion
Quest (feat. Clara Benin)
2016
On Me
Single
Southeast Cartel
2018

FEATURED ARTICLES