The Bobo Sng


The Ones Who Never Made It
Loonie
Producer: The Beatmonx
2010

Verse 1:

Ang pinilakang tabing na sariling atin

Natabunan ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing

Walang palabas at mas madalas mag patalastas

Sa aming telebisyon biglang inisip ko ang aking

Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin

Ako ay Pilipino sa isip at damdamin

Pero bakit ka mahilig sa Chinito at Chinita

Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita

At kuya at si ate at katulong na parating natutulog

Pag malapit na maluto ang sinaing

Huminahon ka itay baka ka mabulunan

Sa laki ng binayad mo wala kong natutunan

Ni kapiranggot mula nung unang baitang

Pumapasok lang ako para mangutang kay ma'am

Ng pambili ng kanin, chicken adobo

Araw-araw ganito nakaka-bobo

 

Chorus:

Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo

Kahit nakapikit ako nakaka-bobo

Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako

Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo

Kahit nakapikit ako nakaka-bobo

Lahat ng nakikita ko kahit nakapikit ako

Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

 

Verse 2:

Pulitiko na nasa showbiz posible na pala

Ang dami nang artista sa pulitika tanga!

Bobo, inutil, walang pinag-aralan

Hangal, hunghang sino bang pinagmanahan

Uto-uto, sunud-sunuran sa kung anong makita ng mata

Upang mapansin ka ng madla

Para masabi lang na in ka sa mga pormang petmalu

In da loop sa chika chuvaneski chorva eklavu

Mga chismis na nahuli na ng isang dekada

"Richard Gomez at Lucy Torres sila na nga ba?"

The who itong starlet na ang suso lumabas

Wag na wag mong ililipat susunod na sa The Buzz

Wowowee sinong di mawiwili

Makakakita ka ng mga natapakan sa tv

Habang kinakain mo yung kanin, chicken adobo

Ayoko ng ganito nakaka-bobo

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Takot kang magtanong takot kang magpaulit

Takot ka ring lumapit sa guro mo na masungit

Takot kang magtanong takot kang magpaulit

Kaya pala takot ka magsagot sa pagsusulit

Kala mo alam mo to kala alam mo yan

Kala mo porket tagalog puro lang kabaduyan

Kala mo porket mahirap ka hanggang diyan ka na lang

Kala mo alam mo na lahat wala ka pang alam

 

Verse 3:

Kasi lahat ng nakikita mo akala mo tama

Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga

Nakapangalumbaba simula pa nung bata

Di naman importanteng magpakadalubhasa

Ang sakin lang naman ikaw ay malinawan

Wag na wag mong gawing dahilan ang kahirapan

Maniwala, pero wag umasa sa himala

Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya

Kaya palayain mo ang utak mong nakakulong

Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong

Kung ang pag-iisip para sayo'y nakakangawit

Ibenta mo ang utak mo kung di mo ginagamit

Wag kang magalit kung laman ng bao ay ampaw

Pilipino lang ako pag nananalo si Pacquiao

Pag narinig ko yung kanin, chicken adobo

Nakaka-indak kahit nakaka-bobo

 

Repeat chorus and bridge

 

Outro:

Nakaka-bobo

Nakaka-bobo

Nakaka, nakaka, nakaka-bobo

Nakaka-bobo

Nakaka-bobo

Nakaka, nakaka, nakaka-bobo



OTHER LYRICS

Ulila
Single
Ron Henley
2016
Boom
One Rifle Per Family
Bambu
2012
Ganti Ng Patay
Ganti Ng Patay
Zaito
2015
O.W.P.O.
Dear Critics
Ghetto Doggs
1999
Miss Pakipot
Test Da Flow
Urban Flow
1996

FEATURED ARTICLES

MC Spotlight: Cobs
By Anonymous Staff
Behind The Sound: Kaz
By Anonymous Staff