Album

Girl (feat. Korta Pluma)


Clean
Andrew E.
Producer: Andrew E.
2007

Verse 1:

Pangarap ko na matamis ay para sa iyo

Ang magkaanak tayo na puro bobo

Ang makasama ka sa iyo magkapamilya

Sa ilalim ng tulay doon kita ititira

Pangarap ko mabigyan kita ng kariton

Ikaw at ang anak natin magtutulak maghapon

Dahil ako’y walang silbe, ika’y magsisilbe

Ikaw at ang anak natin mamamasura lagi

Mas maswerte tayo sa iba at mas mapalad

Dahil mamumuhay tayo na kapuspalad

Palagi tayong magdidildil ng asin

At pag walang makain itutulog nalang natin

O my fiance, listen to what I say

Magiging buhay natin kahirapan everyday

Walang-wala kang mapapala yan ay asahan mo

Dahil di ako magkakaroon ng trabaho

 

Chorus:

Girl, pwede ka bang maging asawa

Girl, habang-buhay tayong magsasama

Pero hindi ka pwedeng magreklamo

At lahat ng ito’y dapat titiisin mo

At ang mahalaga ay no return no exchange tayo

O ano? O say mo? Oh…

 

Verse 2:

Bawat segundo ng buhay mo biglang mag-iiba

Buhay sa kalsada iyong matatamasa

Ititira kita sa bahay ko na madilim

Dalawang beses isang linggo hapunan lang tayo kakain

Hindi na natin matutupad mga pangarap

Ikaw at ako magsasama sa paghihirap

Sa simbahan mamamalimos ka maghapon

Habang ako’y manghoholdap at mang-iisnatch na cellphone

At lalaking baluga ang ating anak

Pati sa iskwelahan hindi sila makakaapak

Ganyan kita kamahal, ako’y magbabakal

Kakainin na lang natin aking pangsusugal

Inaalay ko sayo buhay ko sa basurahan

Pinapangako ko sayo tayo’y walang kinabukasan

Walang iwanan hanggang sa tayo’y tumanda

Inibig mo ‘ko, girl, kaya wala kang napala

Binuntis kita agad kaya di na nakapalag

Sa ayaw mo’t sa gusto kasama mo ko magdamag

Sa wakas may katabi na ring matulog sa estero

Magsisiksikan tayo sa aking bahay kubo

Di ka pababayaan, iingatan nakagwantes

Kang magkakalkal basurahan

Pero wag mag-alala kasama mo ating anak

Habang ako ay tulala ikaw nama’y puro iyak

Promise ko iti-treat ko ang buong family

Mag-aabang kakain ng tira-tira sa Jollibee

Para germ-free, para iwas sa sakit

Kapag panis na, iinitin lang ulit

Mamumuhay tayo ng marangal

Hindi tayo kakain ng almusal

Gutom natin titiisin lang lilipas din naman

Mamumuhay tayong walang luho sa katawan

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Hey yo!

Paano na kung hindi ako naging sikat na moviestar

At natsambahan mo akong maging asawa

Araw-araw Tanduay, araw-araw tambay

Imbes na Rockwell dun tayo sa tulay

At sa palengke nag-aabang ng bigay

Ng mag buntot ng baboy at bulok na gulay

Pupunta ng Channel 7 tiyak na dun kasama ka

Sa mga artista manghihingi ng barya

Pambili ng ukay-ukay na may mantsa na steak

Expired na de-lata, botoks na puto cake

At mga anak sa ampunan padadala

Kasi di kayang palamunin, paaralin sila

At tayo’y nasa Malate alas siyete ng gabi

Ibubugaw kita at isasakay sa taxi

Pero thank God biniyayaan ako kaya

Di mo mararanasan mga bagay na to

 

Repeat chorus (2x)



OTHER LYRICS

Win The Moment (feat. KZ Tandingan)

Win The Moment
Quest
2017 Single

drugr4ts (feat. Simmo & gins&melodies)

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Mitsa (feat. Mikerapphone)

Mitsa
Apekz
2018 Single

1z

1z
MANILA GREY
2016 Single

Martilyo (feat. Letter Day Story)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

FEATURED ARTICLES