Rap Battle Verses

Plazma vs Batang Rebelde (Plazma's Rounds)


FlipTop presents: Second Sight 6
Various Emcees
2018

Round 1:

Sobrang boring mo mag-rap! Tangina bakit pa lumalaban to?

Nasa baba nanaman ako ng poster at yun ay kasalanan mo!

At sa mga nagsasabing mahina delivery ko, pwede na kayong tumigil sa pag-satsat

Kasi ngayon gabi makikilala nyo na ang aking katapat!

Madalas ako'y swabe lang pag bumibitaw pero hindi ibig sabihin na kulang sa galing

Tandaan niyo na pag nilalagyan ng silencer ang baril, ito ay pumapaslang pa rin!

Eh ikaw, tuwing bumabanat ka mukha kang nagmamakaawa kaya walang nasisindak

Kada round, kulang nalang ikaw ay umiyak

Parang laging may hugot eh, ramdam na ramdam sa kanyang pag-bigkas

Siya yung tipong pag nabasted iuupload yung picture nya na naglalaslas

Ang tagal-tagal mo na dito sa liga at mukhang hindi mo trip mag elevate

Laki pa ng pinayat mo ah, palibhasa takot maging heavyweight!

Consistent ka talaga, 2018 na at mababa pa rin ang iyong ranggo

Kung ipapasulat nyo sakin yung mga bara nyang tumatak, yung papel mananatiling blangko

Oo lagi kang armado sa entablado kaso hindi ka pa rin malupit

Dahil wala ka man lang kahit ni isang bala parang duwag na nag rurussian roulette!

Kaya Batang Rebelde, yung stilo mo ngayon ay malalaspag

Mga rima ko puro rekta, tumatagos sa kalasag

Nandito ka na sa huling hantungan, isang bangkay ang aking iaambag

First round ng Isabuhay, abortion! dahil may batang malalaglag!

Sasaksakin ko ng ice pick yang ribs mo, dugo ay aapaw ng tuluyan  

Sabay maghuhugas ako ng kamay dyan sa gripo sa iyong tagiliran

Maglalabas ako ng trenta'y ocho kapag pinilit mo pa ng tumakbo

Bawat bala masasayang ala-ala dahil dadaan sa utak mo!

At nagpost pa siya sa fb ng mga magic tricks sa baraha, talagang pinagaralan ng husto

Pinakitaan ko rin kayo ng malupit na magic ngayon, siya'y biglang nawala sa mundo!

Sinabi ko na dati na ako'y sasali ng sasali hanggang sa masuot ko na ang crown

Ikaw sumali ka lang ulit para magsilbi na bonus round!

 

Round 2:

Sabi mo kay Pistolero... nung inantok tong batang to sa mga laban mo dun ko naranasan yung kidnap

Dinugtungan pa ng "sa taas ka ba lagi natutulog kasi puro ka slip ups!"

Corny amputa! Ano naman ibabanat mo ngayon? Tipong... lagi akong umiiyak sa taas, tawagin nyo akong top tier!

O kaya... parang binangga yung kotse mo sa likod dahil sira ang yong car-rear!

Mga wordplay mo larong pambata, nakakulong ka sa ganyang konsepto

Isang sapak ko lang makakakita kayo ng tumbang preso!

Mahilig ka rin sa mga NBA at PBA reference pero nanatiling kang first rounder

Anong silbi ng kaalaman mo sa basketball kung hindi ka maka crossover?

At habang ako ay pumupuntos ngayon, hindi ka makakagalaw!

Meron akong free throw dahil pag ikaw nag teknikal... foul!

Tapos eto naman yung linya nya kay Aklas, nung Grain Assault 5...

I will fucking murder and kill your death, so I can bring back you to life!

Tanginang yan! never ka na nga nag-imporve, mas lalo ka pang naging bobo brad!

Sobrang sama ng grammar kahit mga hypebeast sinasabing jologs ka!

Supot lang ang bumibilib dyan sa stilo na pinapauso mo!

Pag sinusubukan mong mag-ingles, imbis na yung malaki kong ilong, tenga ko yung dumudgo!

At may hinirit ka rin kay Rudic na ako'y napailing ng todo 

Sabi mo "tombstone piledriver! Hanggang sa madislocate ang final cords mo"

Anong final cords? Spinal cord gago! Yang katangan mo dehins ko talaga macomprehend

Ikaw ang rason kung bakit biglang naglaho yung english conference!

Para sa kanya di bale nang magtunog tanga, basta maparating lang ang mensahe

Rebelde ka nga talaga, nilalabanan mo ang wastong pag gamit ng lenguahe!

Ang haba pa ng bawat set up tapos yung suntok hindi epektibo

Marami na kaming lirikal ang stilo, huwag ka nang makipwesto dito

Bilisan mo man ang pagbigkas, hindi ka pa rin magtutunog henyo iho

Tatapakan ko lang yang flow mo ako si Hesukristo! 

 

Round 3:

Sa mga emceeng galing Cavite na lumalaban pa rin, ikaw nalang ang walang progresso

Si Mhot nagkampyon na at naunahan ka pa maging finalist ni Sur Henyo

Kung palaliman ng kataga, si Emar Industriya na ang hari sa ganyan aspeto

At bago pa magka-FlipTop nakuha na ni Zaito ang respeto

Si BLKD nasa top 5 na ng mga top 5 nyo, at walang nag aalipusta

Ikaw sobrang irrelevant mo kahit sa guest list nakakalimutan kang ilista!

Napagiwanan ka na ng mga ka-lugar mo, yun ang katotohanang masakit kap

Di ka naman si Righteous 1 pero bakit di mo kayang mag step up?

2011 palang nagrarap ka na, pero yung galawan mo pa rin pang newbie

Palitan mo na yung Batang Rebelde sa BR gawin mong Beteranong Rookie!

Tapos tuloy ka pa rin sa pag laban, kailangan mo nang matutuong mag let go!

Mahal na mahal mo nga ang battle rap kaso lagi kang nasa friendzone!

Ilang beses nya ring pinuri ang Uprising sa mga bara nya

Tingin mo dahil dun makakapasok ka? Asa ka!

Pero kung gusto mo talagang sumali, patunayan mo sarili mo yun ang tanging paraan

Madali lang yung initiation, magpapakamatay ka lang!

Eto seryosong usapan, sa musika kulang ka sa dedikasyon

Every year mong sinasabi na lalabas yung album mo sa susunod na taon

At wala nang kasunod yung pito mong kanta, ganado ka lang sa umpisa

Para kang MRT, may tracks ka nga pero bigla kang tumitigil sa gitna!

Kaya kung petiks lang ang iyong galawan, sa amin ay malabo kang mapasama 

Sa madaling salita, ang Uprising ay r-18! Hindi pwede ang bata!

Todas ka na, dito na nagtatapos ang iyong kabanata

Malas mo na sa pagpanaw mo dun ka lang makikilala!

Kalaban mo'y mataas ang antas at yung pangarap mong umangat ay sakin pinaubaya

Titingalain nila kabaong mo parang nasa Sagada!

Career niya'y masyado nang nakakaawa, tama lang na pinatay siya

Wag nyo tong tawagin na murder, sapagkat ito ay euthanasia!



Various Emcees - FlipTop presents: Second Sight 6 (2018):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Could Be

ELMNT
SHNTI
2022 Album

Nadarang

Materyal
Shanti Dope
2017 Album

Puso At Diskarte

Puso At Diskarte
Astro, D-Coy, Honcho, Layzie Fu, Mike Kosa, Pricetagg, Zargon
2021 Single

3:33am

3:33am
OJ River
2017 Single

Pista (feat. Crispy Fetus)

Nakasalalay Sa Letra
KJah
2023 Album

FEATURED ARTICLES