Album

Shabugg


Hendrix EP
Abra
Producer: Jim P
2018

Verse 1:

Oh! may nakita ako

Na ano? Nakatikim ng shabu

Nangangayayat, maitim yung lowat

Dilat na dilat kahit palong-palowbat

So what? Bumili ng bulto, sumindi ng puro

Suminghot ng buko, uminom ng mucho

Sumikip yung puso, umikot yung ulo

Sumigaw ng "ohh wohhh"

Nagbago ng anyo

Buti na lang nakatago lang ako

Nangangatog, semi-kalmado, at sabog

Dibdib kumakabog-kabog kabado at takot

Tol! Kagimbal-gimbal

Nag-iba yung kaanyuang pisikal

Literal? Oo pare literal

Pang-mental hospital?

Par, medyo kritikal, metapisikal

 

Chorus:

Pare! Bat ganyan?

Palo parati, ayaw tantanan

Ayan na nga ba eh, ang lala naman

Ano nangyari? Kababalaghan

 

Verse 2:

Parang may nagparamdam, nakakakilabot

Parang bangungot, nakakatakot

Pag napang-abot sapagkat

Tinutubuan pa ng pangil, buntot at pakpak

Na kulay uwak, ako'y naduwag

Animal siya kaya pag naamoy ka good luck

Gutom sa karne, uhaw sa dugo

Nauto kasi nakipagsanduguan sa multo

Nakupo! Nanlamig ako, sa nakita ko

Madugong-madugo! Malagim pa 'to, sa maligno

Stir ka noh? Tsong! Pramis 'to

At mamatay man mehn walang tokis bro

Sa eskinita, oh? Kitang-kita ko

May ginagahasa 'tong adik-adik na 'to, oy

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Matapos ang karumal-dumal na krimen

Tumayo siya, tumahol, tas tumakbo sa may pier

Buhat-buhat ang birhen, mukhang gustong patayin

Sinundan ko lang dahil sa kagustuhang alamin

Pagdating ko doon, patay… ayayay!

Ang naabutan ko na lang ay bangkay

Agay! Masaklap pa nga'y

Labas bituka ni dai, si bai, kagat-kagat ang atay, sabay

Lumingon siya sakin nako!

Hinahabol niya na ako

Ang nakakatakot pa dun

Pati kamay pinangtatakbo

At pagharap ko sa aking likuran

'la na siya andyan na pala saking harapan

Sabi "toy! Sabit tayo dyan, dami mong alam"

Biglang nagsulputan, napalibutan ng mga aswang

Akala ko ito na ang aking katapusan

Yun pala yung amat ko sa kabute patapos lang

 

Repeat chorus

 

Outro:

Kasi nga shabugg

Kaliwa't kanan, kahit pa saan, may shabugg

Pati yung kapitbahay, lahat sila ay shabugg

Di lang mga tulisan, pati ang kapulisan, hayy, shabugg

Na shabugg, na shabugg na shabugg na



OTHER LYRICS

Oh Babe

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

RISPONZ (feat. Calix)

KOIGIRL
FEIFEI
2021 Album

Huli Na (feat. Skusta Clee)

Blue
Yuridope
2023 Album

Nvkvkvzvwv

Kvpxt Lvng Zv Pvtvlxm EP
Ce$ar Montana
2017 Album

Boy Bitch (feat. Rjay Ty)

Burnt Cookie
DZ SVG
2018 Album

FEATURED ARTICLES