Single

BALISA (feat. JMara)


BALISA
Mista
Producer: DJ Medmessiah
2022

Verse 1 (Mista):
Patawad 
Kung di ka kasama saking pag panik
Pag pinalad paalam 
Pag hindi wag umasa saking pagbalik
Alam kong masakit mawalan ng kampi lalo na kung lagi kang api
Ako ma'y nawala wag mag-alala lumisan ako upang maghiganti
Ilang ulit akong nadapa
Ilang ulit pinilit bumangon
Mula nang ika'y mawala ang laki na ng aking pinagbago 
Di na ako gaya mo na mahina, (di na ako gaya mo na mahina)
Di na ako, muli pang magiging mahina
Sabi mo non sulitin ko lang 
Papano pala kung mali ka
Ang byahe ng buhay puro papunta wala 'kong nakitang balikan
Akala ko ba madali lang halos muntikan na'kong mabalian
Sa sobrang bigat ng pasaning iniwan mo sa aking balikat
Di ko alam 
Kung pano tunguhin ang dulo
Kapalaran ko ang aking gabay hayaan natin syang magturo
Hanggana'y pag panaw di ko kailangan magmadali 
Ako ma'y mahuli di yon pagkasawi mahalaga ako'y makarating
Kahit kailan 
Hindi na kita babalikan 
Di ko na kaya pa na sikmurain mga mali nating nakagawian 
Kaya talagang mas pinili ko na umalis palayo sating nakaraan 
Upang di maalalang ikaw ay ako 
At ako ay ikaw

Chorus (JMara):
Madalas kausapin sarili 
Sa tuwing mag-isa
Kausapin sarili yan ang aking hilig kapag balisa
Madalas kausapin sarili 
Sa tuwing mag-isa
Kausapin sarili hindi ka alipin ng pagka-balisa

Verse 2 (Mista):
Bakit? Tinatanong ka nila sakin
Pinapaalala mga malalang nagawa mo ano ba nangyare?
(Ako ba 'to?)
Anuman nangyari wala ka na don 
Nagawa mo ngayon don ka dapat bumase salamat binago mo ating imahe
Patawad kung hindi ko naibalanse maraming abusong tumuso sa akin
Sila ang nagturo na maging salbahe wala akong puso siguro, marahil
Wala akong diyos na kilala sa langit kung di mo sya pinakilala sa akin 
Humaba pa sana ang sungay ko't pangil nabuhay ako sa ilalim ng galit
Napaka pangit na ng ugali kundi mayabang ay sinungaling 
Ang kasalanan di ko maamin ako lang tama para sa akin 
Bato at bakal na ang damdamin, gago barubal ako't manggagamit
Ako na ba pinaka masama o isa lang ako sa marami? 
Pumayag ako na ika'y lumayo at iwanan ako sa kahapon
Pakiusap ko lang wag ka nang bumalik alaala natin pakitapon
Ituring mo na'kong patay pakuan mo aking kabaong 
Pag ibig lang ang ibig kong ibigay sa iyo bilang pabaon

Repeat chorus



OTHER LYRICS

The Essence

The Essence
Skarm
2020 Single

Nemesis

The Genocide Journals
Plazma
2011 Album

Pagsusuma (feat. BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

Don Angelo

Concerned Citizen EP
Geo Ong
2018 Album

De Kwatro

Illustrado
Illustrado
2017 Album

FEATURED ARTICLES