 
													Verse 1:
Di naman lahat ay banal pag nasa simbahan
Yung iba balat kayo, sumasanto, nagdadasal-dasalan
Di porket madilim, walang imik, akala mo sagrado na
Yung iba inaatupag na matono pag ungol na kinabisa
Di naman lahat ng nasa oblo napatunayang ang sala
Yung iba nagbabayad sa kasalanang di naman niya ginawa
Di naman lahat ng burdado ay laging masama
Madalas may ginintuang puso sa sining na tinta na nilikha
Kaya wag mo naman husgahan panlabas na kaanyuan
Di kasi sukat ang lalim ng libro baka malunod na di mo alam
Di naman lahat ng nasa harap mo ay laging totoo
Yung iba nagpapanggap titirahin ka pagkatalikod mo, di naman lahat
Chorus (2x):
Di naman lahat, di naman lahat
Di naman di naman, di di naman lahat
Di naman lahat, di naman lahat
Di naman di naman, di di naman lahat
Verse 2:
Di naman lahat ng masaya ngiting matamis makikita
Yung iba abutan mo ng panyo luha pumatak sa sobrang saya
Di naman lahat ng tula may aral na mapupulutan
Sa pag tagay mo naumay ka ayaw mo nang mamulutan
Hindi naman lahat ng mahal emosyon lang ang puhunan
Yung iba napapamura pa sa mahal na ng gastusan
Di naman lahat ng yong nais matutupad sa isang pitik
Bagkus magsumikap ka, yakapin ng buo para ito'y makamit
Di naman lahat ng baliw ay nasa pagamutan
Yung iba nakatamabay lang pabida, nagkalat diyan sa mundo ng lansangan
Di naman lahat ng Adan dito ay manloloko
Pasensya ka na lang Eba pinairal katapatan na ang uso
Repeat chorus
Bridge:
Di naman lahat ng aking mga minungkahe
Ay tama at tugma sa iyong nais na masabe
Mahirap lang para sakin minsan ito idetalye
Lalo na sa tulad ko na lumaki din ng kalye
Verse 3:
Di naman akma, hinubog na kataga
Inisip ang palagay bago mahalaga
Wag mo nga lahatin o manipulahin
Sadyang may bagay mahirap intindihin
Ugh, pero teka, pambihira
Pwede ba maghunos-dili ka na muna
Mali ba o tama?
Ipaglaban na ang iyong paniniwala
Di naman lahat ng akala, akala na laging pinagpapala
Palabiro ang buhay minsan mahirap magtiwala
Wala ang kanyang husay kung kaalaman ay salat
Kaya ang dunong ipasa para sama sama ang lahat, sama sama lahat
Repeat chorus (4x)
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																								 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																				 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						