2AM


Single
Kris Delano
Producer: Mark Beats
2017

 

Verse 1:

Alas dos ng madaling araw, antok di pa dumadalaw

Magpabaga ng damo sabay ng basong umaapaw

Isang lunok, isang buga, layo sa mga mababaw

Ang aking destinasyon, sa bagsakan ng bulalakaw

Pakinggan mo ang hiling

Sa dami ng problema ng mundo, ako dapat ang alisin

Panalanging malayo sa tao na mapag angkin

Kanya kanyang ang galaw pano pa mapapansin

Ugaling peke, pekeng kanin, dami ng fi-finesse

Basta ba may benepisyo, ay tsak ang bibilis

Manlalamang ng kapwa pang sariling interest

At pagtapos makatapak, sasabihin feeling blessed (yuck!)

Teka, nakaka walang pasensya

Walang kalma, nasobrahan ng papuri sa tenga

Sa mundong mapang mata, nabulag ka sa pera

Matuto kang makuntento, wag pagapos sa kadena

 

Chorus:

Ano bang mapapala

Sa problema mong dala

Ano bang mapapala

Walang mababa sa mapungay na mata

Ano bang mapapala

Sa problema mong dala

Ano bang mapapala

Walang mababa sa mapungay na mata

 

Verse 2:

Imbis na mang boka, isinde mo yan ng Doja

Mag bingi-bingihan sa mga mahihilig mangontra

Ang kikitid mga utak, daig pa mga chismosa

Kung makapag salita, kala alam ang iyong storya

Mga feeling, at sasabihin

"Wala kang kwenta, puro kwento" ang kikitid

Sa trending ay naging alipin, mga mali rin

Kung hindi mo ko magets, wag ako sisihin, isipin

Di tayo magka ere, bawal dito peke

Magkaiba ng isip, hindi ka dito pwede

Kaya tigilan niyo ko peste

Buhay ko hindi librong bukas, hindi teleserye

Teka, pahingi munang pasensya

Kalmado lang ako saking alak, usok, at pera

Sa mundong mapang mata, kinulang ata sa tenga

Matuto kang makinig, wag pagapos sa kadena

 

Repeat chorus

 


OTHER LYRICS