Single

Dungaw (feat. Keiko Necesario)


Dungaw
Gloc-9
Producer: Gloc-9
2019

Kahit pumikit
Kitang kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pupunasan ng panyong punit punit
Kahit tahimik 
Bakit tila di ako naririnig
Kamang masikip
Ang mag hahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli

Anong okasyon
Bakit ang dami kong dalaw
Meron pang rasyon 
Biskuwit at kapeng umaapaw
Kaibigang ngayon ko nalang nakaulayaw
Ng ilang taon
Parang espesyal na araw

Hoy pare bakit ka napadaan
Huwag mong sabihin na mangungutang ka nanaman
Bat di mo subukan na gumawa ng paraan 
Nang mabayaran mo yung nakuha mo nung nakaraan
Di bale na para sa inaanak ko nalang 
Pero tol baka puwedeng maawa ka naman
Tama nang batak humatak kaya palaging may sapak 
Kailan mo kaya lubusang maiintindihan
Alak sugal bato batopik
Lumang baraha talunan sa tongits
Taguan sa parak tatakpan ka ng komiks
Tanong mo sa sarili mo pano ba toits
Wala kang mapapala maniwala ka samin
Dito ay hindi nag babago ang ihip ng hangin
Kung walang makasama pilitin mong kausapin
Alam naman natin na pwede kang magaya sa akin

Anong okasyon
Bakit ang dami kong dalaw
Meron pang rasyon
Biskuwit at kapeng umaapaw
Pamilyang ngayon ko nalang nakaulayaw
Aking propesyon
Lahat ng oras ko'y ninakaw

Aking asawa't mga anak
Lakas ko na siyang nag tutulak
Upang kayanin ko ang lahat
Hanggang ako'y di na mamulat
Aking asawa't mga anak
Patawad kung kayo'y nasadlak
Sa ganitong buhay nga 
Pala may pera dyan na naka padlock

Kahit pumukit
Kitang kita sa bintanang maliit
Maalat na tubig
Pinupunasan ng panyong punit punit
Kahit tahimik 
Bakit tila di ako naririnig
Kamang masikip
Ang mag hahatid sayo hanggang langit
Silayan kahit sa huli

Anong okasyon
Bakit ang dami kong dalaw
Meron pang rasyon
Biskuwit at kapeng umaapaw
Bakit po ngayon ko lang kayo nakaulayaw
Habang panahon marami lang gustong malinaw

Huwag niyo po sanang masamain
Kung ano man itong bagay na aking gagawin
Hindi naman po galit ang mga nakatanim
Kundi mga hinaing na binubulong nang palihim
Alam ko po na malabo akong makarating
Sa bahay niyong malayo pa sa mga bituwin
Isa lamang po naman ang tangi kong hiling
Lahat ng aking mga katanungan inyong sagutin
Bakit may mga sakit na hindi malunasan
Luha ng mga bata na hindi mapunasan
Mga may kasalanan na hindi maposasan
Dungis sa kababaihan na di mahugasan
Bakit may gutom sa hirap ay lubog
Habang ang iba'y parang hindi nabubusog
Siguro ay hindi na kayo mapagkatulog
Sa tunog kapag sabay sabay kaming dumudulog
Bakit may limos ano ba ang bigay
Bakit may anak na nauunang mamatay
Sa mga magulang para ilibing
Lungkot na wala yatang dapat makatikim
Mga aral na tinuturo at nag mula sa
Mga salitang sinulat nyo daw at pinasa
Sa mga tao na nag uutos ng kabutihan
Pero bakit may mas mabuti pa na di nakabasa
Sila pong mga naiwan sa tahanan niyo
Di naman dinidiligan ang halaman niyo
Gamit ang perang nahakot sa pangalan niyo
Sinasabi ko lamang para malaman niyo



OTHER LYRICS

Opo

Opo
Shehyee
2023 Single

Mabangis

Mabangis
Princess Thea
2018 Single

Apoy (feat. OWFUCK)

Apoy
Zjay
2018 Single

She Wanna Fuck (feat. Ives Presko)

Airplane Mode
Bugoy na Koykoy
2017 Album

Alabang Girls

Alabang Girls
Andrew E.
1992 Single

FEATURED ARTICLES