Gusto Kong Bumaet


Gusto Kong Bumaet
Death Threat
Producer: Radikal MK
1993

Chorus (2x):

Gusto kong bumaet, pero di ko magawa

Gusto kong bumaet, pero di ko magawa

Gusto kong bumaet, pero di ko magawa

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

 

Verse 1:

Umagang-umaga sobrang ingay sa bahay

Binubulyawan na naman ako ni nanay

Pumaltos, nabuking ang tuition ko'y aking ginastos

Sa beer house, lahat ito'y aking inubos

Bastos akong sumagot ng pabalang-balang

Nangangatwiran ng male

Dehins ko siya ginalang

Sumibat ng bahay, tumakas sa gusot

Ngunit sa aking ginawa ako'y nasaktan, nalungkot

Ako raw ay laki sa layaw, jeproks

May ugaling aso na dehins oks na oks

Nagkasala na naman ako sa itaas

Humingi kaya ako ng tawad, bahala na bukas

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 2:

Gusto kong bumaet pero di ko magawa

Kaya ngayo'y pumapatak ang aking mga luha

Nagsisisi, tahimik, ako'y nakokonsensya

Sa mata ng ama, ako ay isang itim na tupa

Ang kasalanan lagi ko nang iniiwasan

Pero di siya naalis, ayaw niya akong lubayan

Baket kaya ako laging sumasabit

Paulit-ulit, nangungulit, parating nag-iinit

O tukso layuan mo ako

Kapag nandiyan ka, ako'y nauuto mo

Tinuro mong lahat ng bawal ay masarap

Mali ito, kaya't ako ngayo'y hirap na hirap

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 3:

Nagsimba ako kanina, nangakong magbabago

Linggo-linggo na lang pangako ko'y pare-pareho

Aasang pagbibigyan, sana'y patawarin

Mga masasamang bisyo, di na gagawin

Hihingi ng tawaad, lahat na'y ginawa

Bukas makalawa, para nang balewala

Balik sa kalokohan, niloko ang magulang

Nandaya na sa test, nangupit pa ng isang daan

Nakalimutan ko na yata ang aking pinangako

Aking pangako unti-unti na ring napapako

Dada ng dada, wala namang natutuwa

Gusto kong bumaet pero di ko magawa

 

Verse 4:

Bakit ganito, tuwing mayron tayong gusto

Lalapit sa Diyos kapag hihiling ng kung ano

Aasang patatawarin sa pamamagitan ng isang dasal

Mga pangako natin laging di nagtatagal

Aasa ng pera, puro sana, sana, sana

Puro hiling na lang, puro asa, asa, asa

Gagawa ng maganda para mayroong kapalit

Tuwina lang may gusto kunwari mabait

Babalik sa simbahan magdadasal ulit

Luluhod sa Diyos tayo, bakit, bakit, bakit

Di natin gawin dahil sa ating kagustuhan

Mga kapatid, siya naman ang pagbigyan

 

Repeat chorus (4x)



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

UnggoYan

Promo

FlipTop Sport Socks (Black)

Promo

FlipTop Box Logo Shirt

OTHER LYRICS

Pating Sa Kadiliman
Ligtas
Bawal Clan x Owfuck
2020
Giyera Na Bulag
KOLATERAL
KOLATERAL (feat. Calix, Tatz Maven)
2019
Torpedo
Diploma
Gloc-9 (feat. JP Cuison of Kiko Machine)
2007
Hinahanap Ng Puso
G9
Gloc-9 (feat. Hannah Romawac)
2003
Crazymix/Bassilyo vs. Tipsy D/Third D
FlipTop: Tournament Semis (Dos Por Dos 2013 Semis)
Crazymix/Bassilyo and Tipsy D/Third D
2013

FEATURED ARTICLES