Album

Isang Buhay


Katibayan
Abaddon
Producer: Eman Da Great
2015

Verse 1:

Sa bawat buhay ng tao'y merong pagibig na nakahimlay

At ang tanging dapat mo lang gawin sa aki'y sumabay

Halika na't gisingin natin ang tulog mong diwa

Ibaba mo ang armas at sandatang nakakahiwa

Sa pagkakataong ito hari aking opinyon

Layunin ko'y magkaisa lahat ng relihiyon

Bilyon ang tao sa mundo kung ating tutuusin

Bawat tao ay may buhay na pwede ring tubusin

Ng Diyos, ano mang oras handa man o hindi

Madadaig mo ba si kristo sa kanyang pagtitimpi?

Habang, pasan ang krus at ipinakong walang laban

Mahal ka nang Diyos hindi mo lang to nalalaman

Minsan sa ating buhay merong suliranin

At hindi mo matanto kung sasapat ka ba o kukulangin

Basta't mahalaga merong isang pagibig

Umaasang may gabay na nandiyan lang sating paligid

Dahil tayo'y may…

 

Chorus (2x):

Isang buhay na my pagibig

Yan ang kailangan ko

Kailangan mo at ng boung mundo

 

Verse 2:

Ako'y nabuhay sa mundong hindi inabot ang ama

At inasa ang lahat saking nagiisang ina

Ang mayakap siya't pasalamatan gusto ko pa sana

Nang hindi hinahangad saki'y nakalaang pamana

Ngunit, ako ay naligaw kay haba na ng sungay

Sa tuwing kakausapin niya ko mata ko'y mapungay

Pinili kong daan iba sa karaniwang bata

Impyernong itinuri, mas matindi pa yata

Ang mapayapa at pangakong paraiso

Ay di mo makakamtan kung nasa bulsa mo ay piso

Limutin na lang ano man ang maibigan

Kung wala kang pera walang tapat na kaibigan

Masaklap man ang inabot ko katulad ba sayo?

Istorya ko't maging sayo'y hindi naman nagkalayo

Siguro nga pareho lang tayo ng naranasan

Tuloy parin ang luha ilan beses man punasan

Dahil meron kang…

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Dumalaw sa mga kaibigan para matulungan

Sila na maibsan ang kalungkutan sa kulungan

Yan ang aking gawain dati kung alam niyo

Sa piling ng mga kasama kong nakabilanggo

Sa mga kasama kong nasa laya na may atraso

Lihim na kung mamuhay at binilang na retaso

At isang pilas ng papel na nilamukos

Kasalanan ba nila kung ang galit biglang mabuhos

At bakit ganon? Pag sinabing Muslim ay matapang

Pag sinabing taga Capiz mangkukulam, mambabarang

Pagsinabing Waray walang awa kung pumatay

At pag sinabing Filipino alipin habang buhay

Ako ay Filipino isa rin sa kinakapos

Tanong ko lang sino ba yung tinatawag nilang Diyos?

Siya ba yung nakasama mo sa madilim na eskinita?

At inakay ka sa may liwanag kahit di mo siya nakita?

 

Repeat chorus (4x)



OTHER LYRICS

Handa Na Ba?

Mabanges
BB Clan
1998 Album

Alabang Girls

Alabang Girls
Andrew E.
1992 Single

Nosi Balasi (feat. Blaze-n-Flow)

1998 EP
KIAL
2019 Album

2G

2G
Sixth Threat
2020 Single

A$tral Ra$cal$

A$tral Ra$cal$
DB
2016 Single

FEATURED ARTICLES