 
													Hawak ang iyong kamay sa paglapag
Sa mundong hindi tanggap ang ating pagsasama
Maraming salita sa harap, sa kanan at kaliwa
Ngunit hindi matitinag (mga puso natin handa)
Sigaw nilang lahat (mga bata pa kayo)
Dami niyong kailangang malaman
Musmos pa lang kami (ganito na ang buhay)
Ito na ang katotohanan
Pinili mong kumayod upang suportahan
Ang aking pag-aaral, ang ating hinaharap
Hindi tayo takot (kahit na mahirap pa)
Mundo ay iikot
Walang alinlangan (basta't makasama ka)
Kahit na gutom (basta't makasama ka)
(Basta't makasama ka)
Hawak ang iyong kamay pauwi mula sa araw na kay haba
Kahit na mahirap ang buhay basta't makasama ka
Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
Sa pagputok ay ninakaw ka nila
At pagpikit ng iyong mata
Hindi kita maiwan
Hindi kita maiwan
Hawak ang iyong bangkay sa pagpatak ng mga luha
Di ko pa rin tanggap na wala ka na
Anong magagawa
Giliw, ako'y takot (pagka't mahirap ang)
Mundo ay iikot
Nang wala ka na (bakit ba kinuha ka)
Dami kong tanong (bakit ba kinuha ka)
Bakit ba kinuha ka sa akin
Hawak ang mumunting kita mula sa araw na kay haba
Lunod na lunod na sa hirap, may pag-asa pa kaya
Sa dilim, may nagmamasid, dinig ang baril na kinakasa
Sa pagputok, ang sakit ay dama
Sa pagpikit ng aking mata
Ang buhay ba namin barya
Para sa katulad nila
Walang laman tiyan
Pero katawan namin punung-puno ng tingga
Karahasan ba ang sagot
Karapatan ba ay limot
Anong dahilan
Anong dahilan ba nito
Sa huli, magkatabi silang ililibing
Wagas na pag-iibigan kinitil
Sa pagsara ng kabaong nila
Ang hustiya ba'y bulag
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag
Nalulunod sa dugo
Ang hustiya ba'y bulag
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																											 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																								 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		 
																																																																																																																						