Album

Pagsusuma (feat. BLKD)


KOLATERAL
KOLATERAL
Producer: Calix & Serena DC
2019

Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo

Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo

Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio

Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso

Lampas-limang libo, lampas limang libo dito mula

Sa mga opisyal na operasyong parang dula

Higit dalawampu't tatlong libo naman

Mga bangkay na pagkamatay iniimbestigahan

Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra

May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya

Ang halaga ng buhay walang sukatan

At anumang hindi masukat hindi matutumbasan

Karamihan sa kanila mga breadwinner pa

Naiwang mag-anak delubyo ang iniinda

Maraming nagkawatak-watak, mga anak walang patnubay

Kaya 'di lang mga pinatay inagawan ng buhay

Ilang dam, ilang dam, ilang dam ba ng dugo

Ang kailangan para droga sa bayan ay masugpo?

Ilan bang, ilan bang, ilan bang henerasyong

Pagdaramdam at poot ang susunog sa nasyon?

Tayo'y walang bilang sa mga hari-harian

Kaya 'di mabilang-bilang mga pinag-iinitan

Mga pananagutan pa'no makakalkula

Kung isang bangkay pa lang, 'di ba't dapat sobra na?

Halos tatlumpung libo, halos tatlumpung libo

Mga bangkay na bunga ng kontra-drogang pasismo

Putak ehekutibo ay putok sa mga sitio

Pangako kilo-kilo, tinitira piso-piso

Ano pa man ang kategorya, magaling man ang maniobra

May simpleng katotohanang dapat tumatak sa memorya

Ang halaga ng buhay walang sukatan

At anumang hindi masukat hindi matutumbasan

Pa'no masusuma ang kalabisan?

Pa'no masusuma ang kabawasan?

Pa'no masusuma ang karahasan?

Pa'no masusuma ang pasan-pasan?



OTHER LYRICS

ganitongrapbalikongcap / 3 Sticks

Sakred Boy
Hev Abi
2022 Album

Top of the World

Wholesome
Andrew E.
1999 Album

PANTASYA PANAGINIP

PAUTANG NG PAG-IBIG
Hev Abi
2022 Album

Kung Tama Siya (feat. Jaq Dionisio)

MKNM: Mga Kwento Ng Makata
Gloc-9
2012 Album

Goat

Barcode 2
Pricetagg
2022 Album

FEATURED ARTICLES