 
													Chorus:
San ka natatakot?
Lungkot ba o pagod?
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan
Bigyan mo nang patas wala nang babalik
Lahat ng bagay na iyong mamahalin
Nasa dulo ang ibabalik sa'yo lahat sakit
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
Verse 1:
'lang hiyang pag-ibig yan
Laging hapdi na lang ang natitira
Para bang hindi pagbibigyan
Gusto sawi ka lang, yeah
Kung pupuwede lang na ibalik muli yung dati
Aking hihiling sa mga bituin yung dati
San ka natatakot na kapag napapagod na
O kapag nabalot ba lulungkot ang mata
O maiwan na lang sa pagitan ng
Mga katanungan na ang kasagutan ay
Alam mo na pero hindi mo kaya
Hindi, hindi
Hindi ko kaya
Chorus:
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
Verse 2:
Lahat ng aking paninda
Kailan ko ba 'to ininda?
Para lang mapagbigyan ka
Pero ganon pa rin, nagsinungaling, ang galing-galing
Alam ko na'ng tawag sakin
Di na kailangan pang ulitin
Tanga, uto-uto, lakad, sige, yuko
Kahit na wala kang hahanapin
Kasalanan ko ba kung ako'y nahulog lang?
Dumudugo hayaan mo na
Dahil yan ay bubog lang, woah-oh
Ayaw ko sanang gawin ng ganito
Ang aking mga pakay pero parang
Damit mong isinuot na hindi bagay
Tila haligi sa bahay na pinutakti ng anay o batang-bata
Dalagang walang awa na hinalay
Pag-ibig ko na inalay
Dinura pagkatapos kainin at lunukin ang mga katas
Sige, silipin ang likod
Ako lang ang tanging bukod
Kahit lahat ay manood kasi
Nakabukas ka lagi sa lahat ng bibili
Bakit 'di mo naisip na iningatan kita
Kahit na ano man ang daanan harangan
Kailangang ilaban walang hangganan
Hintayan ang pagmamahal ko sa 'yo
Parang bukid na uhaw sa tubig ng ilang buwan
Pag hindi nadiligan ay 'di na pwedeng taniman
Gaano ba kahayok ang mga laman na tigang
Pinipilit maalala kailan ka nahalikan
Chorus:
San ka natatakot?
Lungkot ba o pagod?
Buhay ay pareho lang naman ng dahilan
Bigyan mo nang patas wala nang babalik
Lahat ng bagay na iyong mamahalin
Nasa dulo ang ibabalik sa'yo lahat sakit
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
Lagi na lang, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, lang
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																						 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																									