Album

Lamanloob


Realistick
Stick Figgas
Producer: Stick Figgas
2018

Intro:

Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko

Malamang ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang

Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko

Mukhang ako'y magmimistulang may turilyong kulang at mangmang

Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

 

Verse 1:

Sunod-sunuran nanaman ako sayo lagi nalang ba tayong ganito

Sabi ng iba wag ko na nga lang daw isipin

Dinggin ang bulong ng puso at ang ibig nitong sabihin

Kinanta mo sa akin ang lahat ng lihim

Kapalit ng sarili kong handang magpa-alipin

Para lang mga pangarap kong matagal ng nakabitin

Gawing katotohanan pagkagising

Sa gutom at gigil hakbang ako'y pasugod

Walang alam sa kung anong pwedeng mangyari kasunod

Biglang dating ng eksenang ngayon ko lang napanuod

Ang masamang aso'y muli na namang nagpakabusog

Nangangahulugang walang may kayang mag-isa

Kaya pala pag nadadapa madalas ang tanong nila kung may nahuli ka

Mga aral ata'y napupulot lamang kapag nasa sahig ka na

 

Chorus:

May mga bagay sa mundo ibat-ibang hilig at gusto

Tulad ng puso at ng isipan na bibihirang magkasundo

Madumi nga lang ba ang utak o baka tama ang kutob kanino nga ba ko susunod?

Tingin paloob!

 

Verse 2:

Sunod-sunuran na naman ako sayo

Lagi na lang ba tayong ganito? sabi ng utak ko sakin

Wag ko na lang damdamin, isipin ng mabuti ang bawat hakbang na gagawin

Kakailanganin mo ng hangin kung gusto mong lumobo

Punuin mo ng kaalaaman yang ulo mo katoto

Di na pwede yung tulad ng dating puro na lang oo

Uulitin lang kung ano itinuro parang loro sa bokabularyo ko

Hindi na uso ang bumoto sa gobyernong walang aasahang tulong at saklolo

Bat di ka mag isip mag-isa matuto kang magsolo

Di pwedeng puro palakpak dapat una muna pondo

Ubod ng metikuloso na ang utak ko

Ayoko na kasing ako'y maisahan madugas o maloko

Natuto nako sati nung binuhos ko nang todo

Ang lakas at ang tiwala ko sa puso ko na bobo!

 

Repeat chorus

 

Bridge:

Wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo

Sundan mo sundan mo woooooh

Ang kasaguta'y nasa isip mo lang

Buksan mo bukasan mo

Buksan mo bukasan mo woooohhhh

 

Verse 3:

Wala nang natira ni katiting na porsyento ng lakas para makapag-isip

Ng direcho kailangan kong prumoseso kung may magtuturo lang ng tulay

Na mag-uugnay sa akin patungo sa templo

Nag-uumapaw sa utak mga ideya at konsepto

Retoke paulit-ulit imposibleng makuntento

Perpekto na ang plano bawat detalye ay kumpleto

Pero wala kong lakas ng loob gawing konkreto

Sinusod ko nga ang puso at ang utak sinuway binusog ko ang damdamin ngunit bulsa'y umaray

Kung legal ang pumaslang marami nakong napatay

Wala na nagang puso sunog pa ang baga pati atay

Napakapit kay inay ang pasamado kong kamay

Mga payo ni itay tangi kong gabay

Sa puso mo ipasok at sa isip ilagay

Kung ika'y nalilito gamitin mo ng sabay kasi

 

Repeat chorus

Wag matakot sa nararamdaman sundan mo sundan mo

Sundan mo sundan mo woooooh

Ang kasaguta'y nasa isip mo lang

Buksan mo bukasan mo

Buksan mo bukasan mo woooohhh

 

Outro:

Kapag sinabi ko lahat ng nasa isip ko

Malamang ako'y mapapagkamalang walang pusong nilalang

Ngunit pag ginawa ko naman lahat ng gusto ko

Mukhang akoy magmimistulang may turilyong kulang at mangmang

Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang

Ang hirap tantsahin ng mga sukat at timbang

Ng puso kong uto-uto at utak na mapanlinlang



OTHER LYRICS

Ang Aming Hamon (feat. Gloc-9)

Apokalipsis
Apokalipsis
2000 Album

Mossa Downtown (feat. gins&melodies)

Mossa Downtown
Hev Abi
2023 Single

Amatsuka

Tracks And Field Mixtape
Row 4
2017 Album

Ladykiller

For My Daydream Dalliance
Serenata
2017 Album

Siga (feat. Quest)

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

FEATURED ARTICLES