Mukha Ng Pera


Realistick
Stick Figgas
Producer: Stick Figgas
2018

Verse 1:

Simula't sapul ganun na talaga ang ikot ng mundo

Matagal na natin tong nararanasan

Napipilitan tayong gawin ang trabahong hindi natin gusto

Para bilhin ang mga bagay na hindi natin kailangan

Kahirapan, sanay na kami dyan

Higit libo na ang bilyonaryong may kaharian

Ngunit bilyon din ang tag-hirap patay na yung ilan

Wala sanang tag-gutom kung pantay yung hatian

Alam mo bang animnapung trillon dolyares

Ang lahat ng pera sa buong mundo

Kung susumahin mo sila kapag hinati natin ng pantay

Bale merong tayong tag sya-syam na libong aray

Bawat isa laging problema pag atrenta may pang renta na ba ako

Wala pa ring pambayad sa punyetang meralco

Wala kang pera sa bangko, wala kang kwenta na tao

Sa jack en poy ng buhay laging papel ang panalo

 

Chorus:

Pera ang ugat ng lahat ng kasamaan sa mundo

Yan ang nakasulat sa libro

Pera kaso lang napansin ko

Hindi salapi ang tunay na salarin kundi ang kakulangan nito

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal kung wala kang pera

Marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal kung wala kang pera

Wala kang datung, wala kang dating

Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal kung wala kang pera

 

Verse 2:

Kahit hindi Pasko makatanggap ng aguinaldo

magka gera man may maipadalang mga sundalo

Makabihag sana ng ibat-ibang ulo ng tao

Para dumami yung bilang nila pagbalik ng kampo

Sa kanto may lotohan ako'y napataya

Sana swak sa numerong tatama mamaya

Lumalalang kundisyon ng bulasang walang-wala

May pag-asa pa kayang mapataba

Halimuyak ng iniihaw na atay, dugo, bituka

Sa kung san nagwewelgang mga bulate sa sikmura

Sa aking paningin dingding itim na yung pintura

Kung paghahanap lang sana ng trabaho yung inuna

Ang hirap mong kitan ang dali mong magpaalam

Pinilahan, dinilaan at pinagpasapasahan

Makati ka pa sa palad kaya pinagnanasahan

Napupunta ka lang sa bagay na di ko naman kailangan sayang

 

Repeat chorus

 

Bridge:

"Di na tayo mag-uulam ng galunggong balang araw

Kasi sa susunod asin na lang at bahaw"

 

Verse 3:

Tumungo ng tindhan para maka utang ng de lata

Parang tiyan walang laman at maisuka ang pitaka

Kahit gusto ko manghiram sa kakilala

Wag na lang kaya baka mapahiya pa

Sa baba ng piso ay lalong hindi ko

Na kaya pang mabuhay pa rito

Bago humiga, manalangin huminga ng malalim

Harapin ang bukas na sana'y meron tayong makain

Wala man lang kanin biscuit lang ang nasa harap

Tiis lang muna kapatid tipid lang sa bawat kagat

Sa tuwing gipit at presyo ng bilihin ay umaangat

Ang Century Tuna at pancit canton biglang sumasarap

Ito na yung pag-bangon sa pagkakabaon sa utang

Tutukan niyo na para bang yung sekyu dun sa pintuan

Yumuko kayo lahat walang tatakbo, itaas mga kamay ninyo

 

Outro:

Kasi arami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal kung wala kang pera

Marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal kung wala kang pera

Wala kang datung, wala kang dating

Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal pag wala kang pera

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal you got no moolah

Marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal pag wala kay kwarta

Wala kang datung, wala kang dating

Kaya mapipilitan kang kumapit sa patalim

Kasi marami ang mahal, marami ang mahal

Marami ang mahal pag wala kang pera

Sa mayaman puro luho

Sa mahirap puro luha

Pag di kaya sumusuko

Ang mahina sumusuka



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

FlipSides

Promo

Support us on Patreon

Promo

FlipTop Shirt (Brick) Grey

OTHER LYRICS

Nag-iisang Mundo
Ako Si…
Gloc-9
2005
Chico
DETOUR
Delinquent Society
2018
In My City
Single
aero.
2010
Loonie vs BLKD
FlipTop: Ahon 3
Loonie and BLKD
2011
Huminahon Ka
Liham at Lihim
Gloc-9 (feat. Sly Kane)
2013

FEATURED ARTICLES