MC Spotlight

MC Spotlight: A$tro

Mula 2013 ay nirerepresenta na niya ang kalye. Mas kilalanin natin si A$tro ng OWFUCK!

Anonymous Staff
June 29, 2026

MC Spotlight: A$tro

Una siyang nakilala bilang miyembro ng grupong OWFUCK. Hindi nagtagal ay naglabas rin siya ng kanyang mga solo na proyekto at mas lalo pang umusbong ang pangalan niya. Marami ang humanga hindi lang sa kanyang matalas na lirisismo kundi pati sa pagiging tunay nito. Mula sa kalye hanggang sa industriya ng musika, hango sa reyalidad ang mga piyesa niya.

Ito ang pagbabalik ng MC Spotlight. Para sa bagong kabanata, halina’t alamin ang kwento ng nag-iisang A$tro. Bakit yan ang napili niyang pangalan? Sinong mga artist ang kinalakihan niya? Ano ang storya sa mga bago niyang proyekto? Ilan lang yan sa mga tatalakayin niya dito. Simulan na natin…

1. Kailan ka nag simula mag rap? 

Nagstart siya talaga 2013 pero bata palang ako mahilig na talaga ako makinig ng rap cd ng RAP PUBLIC OF THE PHI, impluwensya nadin ng Repablikan, Gloc-9 at 187 Mobstaz. Maalala ko non dinadownload ko pa siya sa Limewire para malagay sa mp4 haha. 

2. Bakit A$tro ang napili mong pangalan?

Nagsimula talaga siya sa rapname na Astro Boy dahil trip na trip ko talaga character ni Astro Boy non pinalitan ko nalang nung medyo nagkaedad nako haha.

3. Kalalabas lang ng bagong EP ng OWFUCK na pinamagatang "Riot". Ano ang pinaka konsepto nito?

Actually di din namin alam pano siya talaga nabuo dahil sguro nga about sa moshpit talaga tong music ng OWFUCK tska yung laman ng album parang gusto namin iparating na "pwede padin talagang sumabay sa kahit anong era".

4. Pagdating sa mga solo album, ang pinaka huli mong nilabas ay yung "Solo". Ano ang kwento tungkol dito?

Etong solo album ko na to isa sa mga paborito kong nagawa dahil siguro may mga kanta akong ginawa na base sa buhay ko at napagdaanan. Kaya siya solo album dahil parang "JOURNEYMAN" tingin ko sa sarili ko haha.

Tska as Astro na brand kase dito ko talaga naiilalabas yung totoong ako kase alam naman natin
kapag sinabing OWFUCK medyo darkshit.. haha dito as Astro para siyang maliwanag naman.

5. "ANG SARAP MAGTRIP" naman ang pinaka bago mong single, at kasama mo dito si Jose At Melodiya. Maaari mo rin bang ikwento sa'min kung pa'no ito nabuo at ano ang inspirasyon ng kanta?

Ginawa ko tong kanta talaga pa bday ko sa sarili ko dapat pang summer at ilalabas ko dapat sa bday ko mismo pero nagkataon naman na palabas yung album namin nausog ko siya pero safe padin naman haha.

Tungkol siya sa hallucination double meaning sya pwede sya pang barkadang kanta pwede din sya pang reset basta pakinggan niyo nalang lalo na sa may mga psychedelic exp.

(FYI: Nilabas na rin nga pala ang music video ng kanyang bagong single na "EWAN KO BA")

6. Sino ang unang nag-impluwensya sayong tumugma?

Gloc-9 At 187 Mobstaz

7. Ano ang iyong top 3 na album (local at foreign)? Nakatulong ba ang mga ito sa pag-gawa mo ng mga kanta? 

- Gloc-9 - Ako si
- Loonie - ULTRASOUND
- Bugoy na Koykoy - Yelo

- Asap Rocky -  AT LONG LAST ASAP
- Kendrick Lamar - DAMN
- Joey Badass - All Amerikkkan Badass

8. Sino naman ang iyong top 3 na emcee (local at foreign)? Gaya ng tanong sa 7, may naitulong ba sila sa mga bara mo? 

- Loonie
- Mhot
- Apekz

9. Pa'no mo ipapaliwanag ang stilo mo ng pag-rap at paggawa ng musika? 

Actually mas ginagawa ko talaga siya kapag halimbawa may deadline sched ako na parating mas gumagawa yung utak ko kase kapag malapit na yung araw mas may nabubuo akong linya.

Tska mas komportable ako kapag homework pero safe din naman ako sa on the spot pero mas nabibigyan ko kase ng oras kung maglalaan akong araw talaga sa paggawa.

10. Aktibo ka bang nanonood ng FlipTop? Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?

Oo man isa din sa humulma sakin yung FlipTop haha madami sobra pero isa sa core memory ko siguro yung laban ni Zaito vs Abra.
 
11. Naisipan mo na rin bang subukan ang battle rap? 

Minsan pero naiisip ko parang diko porte talaga siya madamdamin ako haha tska sobrang mamaw na yung mga sumasalang ngayon sa FlipTop, kaya hanggang nood at fanboy muna ako siguro.

12. Para sayo, kumusta ang Pinoy Hip-hop ngayon?

Sobrang layo nadin simula nung nag umpisa talaga ako unang una syempre nababayaran na ng tama yung artist pangalawa pwede nadin kumita yung artist di tulad non for the culture at hobby lang talaga.

13. Sa tingin mo, ano ang mga kailangan baguhin sa eksena ngayon?

Siguro yung wag masyadong madala sa matatamis na salita ng mga ganid na label hehe.

14. Ano ang mga maaasahan namin kay A$tro sa mga darating na taon? 

Sa ngayon wala pakong plano sa susunod taon pero etong taon siguro target ko maglabas nang maglabas ng kanta sa isang buwan hanggang matapos.

15. Ano ang maipapayo sa mga baguhan sa larangan?

MAGTIWALA LANG SA PROSESO.

Para updated ka sa mga paparating niyang proyekto, gigs, at iba pa, sundan lang ang opisyal na pahina niya sa Facebook. Nasa YouTube, Spotify, at iba pang streaming sties namam ang kanyang mga obra. Salamat kay A$tro sa kwentuhan pati sa inyo sa pagbasa nito. Mabuhay ang ating lokal na eksena!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT