Ating kilalanin ang nasa likod ng HYPEBEAT at BranDead. Para sa unang kabanata ng Merch Booth, eto ang kwento ni Benjie Rayala.

Siguradong nakikita niyo na ang mga produkto niya sa FlipTop events pati online. Naging tahanan din ng ilang underground na liga ang kanyang lumang HQ. Bagama’t nakilala siya sa hip-hop, nirerepresenta rin ng brand niya ang genre ng metal. Lagpas isang dekada na siya sa larangan na ‘to, at sa kabila ng ilang mga pagsubok ay patuloy pa rin siya sa pagpapatakbo ng clothing line at tindahan. Patunay lang na kung ito ay passion mo at ika’y mapapaursigi ay talagang tatagal ka.
Ito ang Merch Booth kung sa’n kakausapin namin ang mga nasa likod ng mga pinaka minamahal nating merchandise sa eksena. Para sa unang kabanata, mas kilanin natin si Benjie Rayala ng HYPEBEAT at BranDead. Magsimula na tayo…
1. Bago nagkaron ng HYPEBEAT at Brandead, sino si Benjie Rayala?
Bago magkaroon ng HYPEBEAT at BranDead isa akong sales representative ng appliances at real estate agent. Halos 13yrs ako sa field na to kaya nagkaroon din talaga ko ng malaking background sa sales. After ko sa sales naging reseller din ako ng mga caps at shoes. Dito ko nabuo ung market ko sa clothing industry.
2. Ano ang nagtulak sa'yo para mag-negosyo ng clothing line?
Simple lang sobrang simple lang, noon pa lang mahilig na ko sa streetwear or ayusan ang sarili ko para maging kakaiba sa lahat. Hanggang sa nagkaroon ng magandang opportunity at timing. Hindi ko muna inisip ung “business” ang inisip ko muna magawa yung gusto ko (passion).

3. Bakit HYPEBEAT ang pangalan at ano ang pinaka konsepto nito?
Way back 2015 may movement kami na grupo (Apir Malakas) samahan sya ng mga Hiphop, Metal at mga taong mahilig sa local brand na streetwear.. Every time na nagpopromote ako ng merch palagi syang nasosold out or mabilis maibenta, kahit sa Cap Collectors Group namin sa C4A(Caps 4 All) pag may finlex ako that time bigla nag ha-hype. Hanggang sa binansagan akong Mr. “Hypeman” sa group haha. Hindi ko sya trip na tawagin akong ganon. Pero niyakap ko na lang kasi kung don na nila ko nakilala.
Hanggang sa nagpaplano na ko magtayo ng clothing yr 2016 humingi ako ng advise sa ibang mga tropa at ayun nga ang advice nila Mr. Hypeman Clothing. Ang sagwa para sa pandinig ko haha. So parang gusto ko nga alisin ung word na “hype” kaya sabi ng isang tropa bat d ko na lang daw gawing beat the hype clothing haha. Eksaktong nung time na yon nauuso na din ung salitang hypebeast. So para maging catchy ginawa ko na lang syang HYPEBEAT. Haha.
4. Ano naman yung BranDead? Maaari mo bang ikwento sa'min ang kasaysayan nito?
Ang BranDead naman ay pinlano rin namin same year ng naitayo ang hypebeat. Nasa isip ko that time na dapat magkaroon ng physical store ang mga brand namin sa loob ng Apir Malakas movement. Kasi andami na namin non that time. Naisip ko na gawin ung format ng Appliance store (kung san ako galing, nagwowork dati). Sabi ko bakit d ko kausapin bawat brand na magsabit sa amin sa itatayong store. Sa pagkakaalam ko BranDead ang kauna unahang store na gumawa ng format na yon.. multi brand pero magrerenta sa amin monthly ang isang brand.
Sa kakapusan sa pera hindi ko sya kaya mag isa kaya inalok ko si Sinio, Tristan(Apir Malakas) at DJ (Lokaltee). Kaming apat ang orihinal sana na founder pero nag back out si Tristan kaya ang pinalit namin si Boss Toyo. May 13 2017 nabuksan namin ang 1st store ng BranDead sa Munoz QC.

5. Meron ka bang proseso para sa pagpili ng designs? Pa'no ka nakakabuo ng produkto?
Nung una ay naka focus ako sa skull na designs, hinahaluan ko lang lagi ng twist or concept, pero dahil nga every year nagbabago bago ang meta at trend kailangan namin mag explore pa ng ibang atake para sa market namin. Marami kaming nasubukan na minsan maganda resulta minsan hindi. Bale yun nga pagdating sa streetwear everyday ang learnings.. kailangan mo sumunod sa uso or ikaw ang magiging trendsetter.
6. Sino ang masasabi mong pinaka nag-impluwensya sa'yo sa clothing?
Sa impluwensya ang pinaka masasabi ko talaga ay Medisina at Destroy Clothing.
7. Dahil hip-hop at metal ang nirerepresenta ng HYPEBEAT, sino ang mga pinaka pinapakinggan mo sa dalawang genre na yan?
Sa totoo lang ang pakikinig ko sa music ay naka depende sa mood ko haha.
Kapag masaya ko o sobrang chill ko sa araw na to madalas hiphop ang pinapakinggan ko.
Kapag badtrip, may iniisip na problema ang pinapakinggan ko ay metal.
So nakadepende talaga sya sa mood ko. Haha pero parehong matimbang sa puso ko.

8. Sa lokal na eksena, para sa'yo, kumusta ang hip-hop at metal ngayon?
Sa lokal para sken mas lamang ngayon ang hiphop, pero d parin maitatanggi na pagdating sa underground buhay na buhay parin ang metal scene.. ibang mundo kumbaga. Sayang lang at nawala yung Pulp Summerslam. Ang hiphop ngayon kasi kahit sa mainstream o underground sobrang lakas nya.
9. Ano pala ang kwento sa paglipat ng BranDead sa Cubao?
Sa totoo lang noon pa kami naghahanap ng malilipatan na shop na nasa labas mismo, 9 yrs kami sa Munoz Market masakit man pero mas pinili namin lumabas para mas makita kami ng tao. Mas mataas ang renta pero sinugalan parin namin dahil kailangan namin mag eksperimento.

10. Pa'no nagsimula yung Represent Collab ng HYPEBEAT sa FlipTop?
Naalala ko that time (2021) nagpatawag si Boss Anygma ng meeting kay Real Jokes sa Pampanga, inaya ako ni Sinio sabi nya pupunta si Boss Aric sa pampanga. Hindi ako nagdalawang isip na sumama. Bago mag meeting si Boss Aric at Sinio (kasama din pala that time si Thike) sabi sken ni Boss Aric “kung gusto mo makinig sa pag uusapan namin kung gusto mo lang tara dito” at dun pala pag uusapan ang simula ng represent collab.
Sa totoo lang nag ask pa si Boss Aric sa ibang kasama sa represent collab (kasi per emcee at city talaga dati) since di nga ako emcee pinaalam parin ni boss sa ibang emcee kung ok lang na maisama ako. At ayun na dun na nagsimula ang lahat.
11. Sino ang paborito mong battle emcee at ano ang pinaka tumatak na laban sayo?
Sa paborito sobrang dami eh. Parang naka depende din sa era o generation nila..
Ibigay ko na lang siguro ang Mount Rushmore ko ng Battle Rap
1. Loonie (Most Influential)
2. Batas (Back to Back Champ)
3. Mhot (Undefeated)
4. Sinio (Most Viewed)

12. Sino-sino na ang mga emcee na naka-collab mo sa merch?
Si M-Zhayt at Vitrum pa lang. Sana magkaroon pa sa iba..
13. Sino ang pambato mo sa Isabuhay at Langit Lupa 2026 at bakit?
Sa totoo lang wala akong pambato kasi lahat sila magagaling. Ganon ko sila tignan. At sa tingin ko ung natitirang apat deserving sila para mag champion..
14. Ano ang mga maaasahan naming sa HYPBEAT at BranDead sa mga darating na taon?
Asahan nyong magiging mas malupit ang gagawin namin this year. Sobrang dami lang namin pinagdadaanan na pagsubok ngayon pero hindi kami titigil dito sa ginagawa namin. Gusto kong pasalamatan ng walang sawa yung 8 brand na umagapay sa amin sa BranDead.. Grabe ung pag unawa at pag tulong nyo sa amin. Syempre kasama na don ang FlipTop. Kung alam nyo lang di lang utang na loob meron ako sa FlipTop, pati utang meron din ahahahha. Babawi ako Boss Pangako yan.. haha.
15. Ano ang maipapayo sa mga nagbabalak pumasok sa negosyo ng clothing?
Hindi ako mahilig mag bigay ng payo sa totoo lang dahil ako d ko pa makita sa sarili ko na successful ako dito sa ginagawa ko pero ayun lang para sken maging consistent lang (kasi minsan ung ang nawawala sken) maging consistent at focus.. At dapat mahaba ang pisi nyo. Dapat sanay kayong harapin lahat ng struggle.. Kapal ng mukha at syempre maging humble ka lang sa mga taong nakakasama at nakakasalamuha mo.

Patuloy nating suportahan ang mga lokal na negosyo. Ito nga pala ang social media accounts ng HYPEBEAT: Facebook, Instagram, at Tiktok. Para naman sa BranDead: Facebook. Makikita mo rin diyan ang address ng bago nilang shop sa Cubao. Salamat ulit kay Benjie para sa oras. Excited na kami sa mga susunod na proyekto niyo. Salamat din sa inyo sa pagbasa nito. Hanggang sa muli!