Isa sa mga kilala at kontrobersyal na kolektibo sa eksena ng underground battle rap sa Pinas. Mas kilalanin natin ang TRNGL!

Nung sila ay nabuo, naging matunog agad ang pangalan nila sa underground battle rap dahil sa kanilang agresibong pagtanghal at kontrobersyal na materyal. Malamang napanood niyo na yung ibang miyembero nito sa FlipTop. May isa na pasok sa semis ng Langit Lupa Tournament. Maraming naninira sa kanila, pero hindi maitatanggi na marami rin ang sumusuporta. Maliban sa battle rap, aktibo ang kolektibong ‘to sa musika, standup comedy, at iba pang mga uri ng sining.
Para sa pagbabalik ng Crew’s In, halina’t alamin ang buong kwento ng supergroup na TRNGL. Sino-sino nga ba ang mga miyembro nito? Bakit brutal sila sa entablado? Ano ang masasabi nila sa hip-hop ngayon? Ilan lang yan sa mga sasagutin nila kaya magsimula na tayo…
1. Kailan at paano nag-simula ang grupo niyo? Sinu-sino ang mga miyembro nito?
Lord Manuel: September 18, 2017, nagsimula kaming magdesisyon ni Shn D Bptst bumuo ng grupo kasama si EZRL sa layuning makapagtatag ng samahang matibay at makakapagtulak sa isa't-isa na magpatuloy sa Music at Battle Rap. Taong din yan ay mga halos eksperimentong laro at tunog pa ang nagaganap. Literal na tatlo lang talaga dapat ang bilang noon, Ngunit unti-unti ding dumadami ang bilang namin dahil sa mga nakakasalamuhang parehas ng layunin at hilig.
Ito ang kabuohang Roster ng grupo.
Emcee:
Lord Manuel
Ori
Shn D Bptst
Killua
Si7ick
Xerxes
Tuniel
Doff
M.E
Meraj
Apolaki
Hex Magus
Querobin
Eel
Jovic
Leshrac
Kenjie
Unra
Aron
Nadie
Armstrong
EZRL
Presco / Enoch
LWR
Yangyang
Absalom
Geebounce
JP Lucero
Papapaul
Cedric
Chanel
Intejer
Vanguard
Dodong Saypa
Cynical J
Jezu
Cristnav
Kethner
Dyslexic Colors
Wragh
Val
Femcee:
Rom
Khim
Honorable Mention: Razick!
Shoutout din sa mga tinuturing naming sub group.
AXIS PH, Tres Kupal, Dyablodyab at Swank Boyz.
Andami, Pang giyera na talaga.
Si7ick: EVETS! Di ko ko na tanda mga founding members pero tanda ko 'yung lugar. NAPAKARAMING TRNGL, BUONG MUNDO!
2. Bakit TRNGL ang napili niyong pangalan? Ano ang ibig sabihin nito?
Lord Manuel: Mula sa grupo sa hood sa Evets itong pangalan talaga na ito hanggang sa "kami ang hari ng underground" "illuminati" type shit kaya mas naging angkop ang TRNGL. Tsaka nung tinayo ko talaga itong grupo may mas malalim pa itong dahilan na malalaman niyo kapag na-isemento na ang mga nais namin.
Shn D Bptst: Basta ang alam ko sa TRNGL nun grupo nila Manok sa Steve eh. Tapos niyaya ako ni Manok bumuo ng grupo kasma si Ezra. Kung di ako nag kakamali kami ang unang grupo ng trngl.
Si7ick: Basta.
Hex Magus: Gagi bukod sa astig, eh OG name yan ng grupo sa looban nina Lord Manuel, basta yeah it goes way way back.

3. Sinu-sino ang mga impluwensya niyo bilang grupo?
Shn D Bptst: Nung umpisa malaking impluwensya samin ang SKWATERHAWZ, ILLUSTRADO at FLOW M.
Si7ick: Bukod sa mga personalidad gaya ng Uprising, isa sa nag-impluwensya talaga para mabuo ang grupo ay ang pagsasamahan at pagkakaibigan.
Rom: Magkakaiba e.
Xerxes: Iba iba bawat indibiduwal, pero any genre appreciated namin.
Hex Magus: Si Satanas, dejk. Actually, we versatile as fck, kaya feel ko, wala kaming collective influence, more like yung individual preferences namin ang shine-share namin sa grupo.
4. Ano ang hangarin niyo sa eksenang ‘to?
Xerxes: Mag dominate sa underground. Mapabattle o kanta.
Absalom: Maipahayag ang aming sarili at gisingin ang mga mata at diwa ng lipunan sa pamamagitan ng aming mga tugma at akda.
Si7ick: Mas maging inclusive ang eksena. Tipong kahit sino pwede na sa eksena. Walang hierarchy at stigma na mabubuo. (Kaya nga kami may Kenjie eh, pero mahal namin 'yan.)
Shn D Bptst: Ipalaganan ang kagalingan, kahusayan na walang pang susugar coat. Pag bobo ka bobo ka, di naman masamang maging bobo. Kailangan mong malamang bobo ka para tumalino ka.
Tuniel: Para sakin, mabago yung stigma na puro lang kagaguhan ang Battle Rap.
Kenjie: Maging pinakamalakas at di matitibag na grupo.
Hex Magus: Sumikat na di pulpol. Alam mo yun? Yung di naman celebrity level pero recognized enough para may talagang avenue kami at sapat na ilaw para sa mga katha namin na gusto ibalandra.
Lord Manuel: Itaob mga maling nakagawian at ibalik ang laro sa mas mataas na kompetisyon. Ebolusyon kada ebolusyon.

5. Sa dami ng mga grupo at kolektibo sa larangan, ano sa tingin niyo ang pinagkaiba niyo?
Xerxes: Yung kupal vibes wala eh. Naging kambal na ng pangalan namin yun.
Shn D Bptst: Totoo kami sa hangarin at layunin namin. At di kami baduy.
Apolaki: Siguro isa sa pinagiba namin, wala kaming pake kung ano magiging reaksyon as long as mapakita namin yung shit namin. Wala kaming pake sa papuri man o pagkontra.
Si7ick: Kami ay malupet pa sa malupet.
Kethner: Walang dick rider samin, di kami didick ride para sa pwesto o kung ano pa man, tsaka kung yung ibang grupo ang binibilang yung fans, dito samin paramihan ng hater hahahaha.
Rom: Siguro ang masasabi kong pinagkaiba namin sa ibang grupo ay yung diversity ng styles ng mga myembro. Versatile din kami at kahit saan kaming genre ilagay e papalag kami.
Kenjie: We are jack of all trades, komprehensibo sa pagpili ng miyembro sa grupo namin.
Tuniel: Mas solid yung pundasyon namin, tsaka puro matured na yung mga tao samin kaya di uso samin yung mga issues. Tsaka isa pa, yung mga medyo bata pa samin, napapayuhan din namin para umayos sila.
Hex Magus: Una, di talaga kami nagpaplastikan. Pag wack ang ginawa, wack talaga. Nilalait namin, pero for the greater good haha siyempre, we rep this shii for life yo.
Lord Manuel: Sa samahan palang makikita na pinagkaiba eh pero mas lilitaw talaga ang kaibahan kapag isinalang mo na sa entablado at pagbaba non ano ang pakikitungo.
6. Anu-ano na ang mga proyekto na nilabas niyo?
Lord Manuel: Ito mga likha namin sa nagdaang limang taon. Available sa aming YouTube Channel at lahat ng music digital platforms.
Singles:
Lord Manuel, Si7ick, GeeBounce & Apolaki - Panginoon Tulungan Mo Ako (2026)
TRNGL - Stunnaz Hate Kurap | (2025)
TRNGL - Sadyang Ganito (Biglaan) | (2025)
Ori | EZRL | SHN | Lord Manuel - HMLSTRNGL (2024)
TRNGL - 8 (2020)
TRNGL - Ibang Lebel (2019)
Mixtape:
TRNGL - PYR 6:13 (Shoot Pumepera, Errthang 4D Hood, Take You With Me) (2022)
TRNGL - TRNGL 4 LYF (6 Track Mixtape) (2022)
TRNGL - VIBER (6 TRACK MIXTAPE) (2022)
Dyablodyab (Dyalodyab Mixtape) (2021)
The Adventures of Tres Kupal (4 Track Mixtape) (2021)
Axis PH (Ori, Absalom, Xerxes, Slow Siege) (6 Singles) (2020)
Shn D Bptst: Madami na, pero ang pinaka paborito ko yung TRES KUPAL.
7. Halos lahat ng miyembro ng TRNGL ay battle emcee. Ano ang meron sa battle rap na nag-engganyo sa inyong subukan 'to?
Absalom: Sa battle rap nagkakilala halos lahat ang mga myembro. Hindi kami nakakahon sa pagrarap lang dahil mas gusto naming ilabas ang saloobin namin kaysa sumikat.
Shn D Bptst: Yung proseso ng pagsusulat. Kung paano gumawa ng creative lines.
Hex Magus: Lisensya para magyabang at magsabi ng mga di pa nila naririnig. Saka siyempre creative platform din.
Rom: Magpasikat at mangupal? Eme. Lahat naman kami ay may kanya-kanyang rason kung bakit namin inumpisahan gawin ito.
Lord Manuel: Nandito kami para baguhin ang pukinginang laro na ito.
Tuniel: Eto ang sining na trip talaga namin.
Apolaki: Bukod sa gusto ko lang ilabas kulit ko, isa sa paraan para magshare ako ng sining at magexpress ng emosyon.
Dyslexic Colors: May kanya kanyang art form ang mga nasa TRNGL. May mga full time rapper, may mga nasa corporate at may stand up comedian tulad ni Dyslexic Colors na bagong myembro. May uta sa kanya kanyang propesyon at sa battle rap kami nakahanap ng oras para kumalas sa trabaho pansamantala. Naisip ko ding mag battle rap, kasi napansin kong may mga jokes akong naiisip na mas akma sa battle rap. At may mga bars akong naiisip na narealize ko na mas okay bitawan sa stand up crowd.
M.E.: Personal Experience: Siguro yung hilig ko sa theatre dinala ko rito, ngayon may ineexplore ako mula roon na dinadala ko rito.
8. Kumusta naman ang estado ng Pinoy hip-hop ngayon para sa inyo?
M.E.: Ang lakas! Nag-evolve na rin kumpara sa mga nagdaan. Masayang maging saksi sa magkaibang era!
Kethner: Nasa magandang estado na tayo tingin ko ngayon marami nang magulang ang magegets yung anak nila bat gusto mag rap, mas konti na yung masasabihan ng walang mapapala.
Si7ick: Napaka-ganda, napaka-lawak, napaka-progresibo, napaka-aktibo, at napaka-lupet.
Shn D Bptst: Malakas ang hip-hop pero madami ding bobo.
Absalom: Buhay at aktibo pa rin ito. Kami ang patunay.
Rom: Boomin’ (HAHAHAHA)! I mean umabot na sa mainstream pati mga underground leagues kaya mas nakilala na sya pati ng mga casuals.
Tuniel: Sobrang progresibo at masagana, lahat may pwedeng lapagan.
.jpg)
9. Ano ang mga plano (kanta, battle, album etc) niyo sa mga darating na buwan o taon?
Si7ick: Karamihan sa amin ay naka-focus ngayon sa battles lalo na sa sarili ko, Langit Lupa. Kapag nagkaroon ng oras, susubukan naman mag focus sa music.
Lord Manuel: Siguro yung mga collab events (baka ngayong taon na ito, abang-abang), mixtape at makapag tour! Buong pinas hanggang makatagos ibang mundo.
Rom: Marami sa mga kagrupo ko ang tuluy-tuloy na bumabattle. Ako naman personally, magrerelease ako maraming music soon.
Shn D Bptst: Maraming planong kanta ang grupo ko pero hintayin nila bumattle si SHN D BPTST ulit.
Absalom: Makagawa ng isang all star na kanta na lahat ng myembro ay kasama. Makacollab din ang ibang artists sa larangan. Maliban dito, gusto naming magkaroon ng mga fundraising concert upang makatulong, kahit paano sa aming makakaya, sa lipunan.
10. Karamihan ng mga obra niyo, mapa battle o kanta, ay "confrontational" at agresibo. Ano ang inspirasyon niyo sa ganitong stilo?
M.E.: Inspirasyon ko ang mga bagay na di naman talaga maaaring bitawan nang walang dahilan. Walang nililimitahan dahil ang sining ay walang limitasyon.
Shn D Bptst: Simula't sapul fan kami ng technical at napaka daming gumagawa nun dati palang. Yun siguro pinagmulan ng istilo namin.
Si7ick: Walang inspirasyon, purong emosyon.
Rom: Galit sa mundo syempre.
Absalom: Malaki ang inspirasyon ng mga nauna gaya ng Death Threat, Ghetto Doggz, at iba pa sa larangan ay tinitingala. Kasama rin dito ang galit sa mga hindi magandang nangyayari sa ating lipunang ginagalawan. Sa aming mga obra inilalabas ang lahat ng hindi kayang sabihin ng iba.
Xerxes: Rock 'n roll.
Lord Manuel: Manampal lang ng art ang tanging hangad para sa mga tulog na diwa.
Hex Magus: Di ko alam if matatawag na inspirasyon, pero more like showing kung ano talaga kami kahit sa labas ng hiphop. Di lang siguro kami nagtotolerate ng mga bagay na wack, kaya fearless kami magsabi o maging in-your-face ang approach.
Tuniel: Siguro ganun talaga yung approach namin halos lahat sa battle o sa kanta, kaya din siguro nagkakasundo kaming lahat.
11. May mensahe ba kayo sa mga taga subaybay niyo?
GeeBounce: Abangan nyo pa ang mga paparating naming kakupalan sa loob ng hiphop scene. Pero sa tunay na buhay ang kakupalan ay 'di dapat tinotolerate, Galing sa TRNGL yan.
Absalom: Huwag ninyo hayaang mapuno ng hangin at lumaki ang aming ulo. Hilahin ninyo ang aming mga paa upang laging nakasayad sa lupa.
Rom: Salamat sa mga sumusuporta at marami pa kayong aabangan sa amin.
Si7ick: Abangan nyo lahat ng mga gagawin namin, hindi lang sa battle rap scene pati narin sa music at iba pa.
Lord Manuel: Salamat at tangina niyo, TRNGL laban sa lahat haha.
Shn D Bptst: Tang ina nyo wag kayong maging mahina.
Apolaki: Wag kayong mamatay.
12. Ano ang maipapayo niyo sa mga grupong nag-sisimula palang?
Rom: Tatagan nyo lang at itulog. This scene is not for the weak-hearted.
Tuniel: Snitches get stitches, wag puro yabang dapat may kilos.
Hex Magus: Siyempre, wag manatili sa iisang istilo. Keep on experimenting until mahanap yung collective style ng grupo niyo, and wag kayo maging sensitibo: gawin niyong gamot yung mga lait na tingin niyo naman ay may bearing kung bakit nasabi sa inyo dahil mas masarap yung improvement kesa sa comfort.
Apolaki: Tulungan n'yo isa't isa.
Absalom: Huwag ninyong pakialaman ang sasabihin ng iba, lalo kung negatibo. You do you.
Shn D Bptst: Piliin maigi ang pakikisamahan at maging totoo lang.
Kethner: Tanggapin niyong hindi lahat ng kasama sa umpisa kasama hangang sa huli, nag iiba talaga tayo ng gusto at priorities, walang personalan, okay lang yon hindi porket may umalis ay kaaway niyo na agad yon o hihinto kayo bilang grupo.

13. Ano naman ang payo niyo sa mga emcee na nais pumasok sa battle rap?
Rom: I-hone nyo pa skills nyo. Walang dead end ang learning. Meron at merong bagong style na darating so kailangan maging creative at wag magsawang matuto. Wag rin masyado dibdibin yung mga olat at sinasabi ng iba.
Shn D Bptst: Pag pumasok ka ng battle rap, bawal iyakin.
Killua: Wag maging iyakin at masyadong sensitibo. Walang rule ang battle rap pero may consequences kaya isipin mabuti yung trip nyo hahahaha.
Lord Manuel: Kung wala kang lakas nang loob patunayan na may husay ka, walang puwang ang pagtatago nang galing kapag wala kang maipamalas. Do yo shit madapaka. Iwas sa toxic enviroment. Keep being real.
Kenjie: Dapat matatag kayo.
Apolaki: Wag kayong magjogger pants sa event.
Kethner: Una dapat gusto mo talaga, hindi dahil feeling mo kaya mo lang, may commitment dito kailangan seryoso ka sa ginagawa mo, at maging bukas ka lang din sa kritisismo ng mga tamang tao at higit sa lahat wag mo iko consume yung comment section, tandaan mo may dahilan kung bat ikaw ang pinapanood at sila ang nanonood.
Si7ick: Ang payo ko sa inyo ay magpatuloy lang. May patutunguhan ang lahat.
Sundan ang kanilang opisyal na pahina sa Facebook upang maging updated sa mga galawan nila. Eto naman ang kanilang YouTube at Spotify kung sa’n mahahanap ang mga obra nila sa musika. Abangan ang mga paparating pa nilang mga battle, kanta, album, at iba pang mga proyekto. Sa Sabado (August 8, 2026) ay lalaban ang isa sa miyembro nila na si Si7ick sa Write Off Way 2 para sa semifinals ng Langit Lupa Tournament. Kitakits diyan. Maraming salamat sa TRNGL para sa oras at syempre sa patuloy na pag-representa ng sining na walang kompromiso. Saludo sa inyo!