General

Kumusta ang Unang Round ng Isabuhay 2025? (Mula Sa Fans)

Nagtanong kami sa ilang fans ng liga kung ano ang masasabi nila sa mga unang laban para sa Isabuhay 2025 Tournament.

Ned Castro
June 17, 2025


Ayun na nga. Nung Second Sight 14 ay nasaksihan natin ang lahat ng battles para sa unang round ng Isabuhay 2025. Naupload na rin lahat ng ito sa YouTube. Ngayon, kumusta nga ba yung mga laban? Nagtanong kami sa anim na matagal nang fans ng liga kung ano ang masasabi nila dito. Kung sakaling hindi niyo pa napapanood yung mga duelo, pwes, nandito ang kumpletong listahan. Simulan na natin…

Ayun na nga. Nung Second Sight 14 ay nasaksihan natin ang lahat ng battles para sa unang round ng Isabuhay 2025. Naupload na rin lahat ng ito sa YouTube. Ngayon, kumusta nga ba yung mga laban? Nagtanong kami sa anim na matagal nang fans ng liga kung ano ang masasabi nila dito. Kung sakaling hindi niyo pa napapanood yung mga duelo, pwes, nandito ang kumpletong listahan. Simulan na natin…

Fan 1:
Unexpected grabe! Marami sa mga inakala kong mag-aadvance sa second round ay natalo. Syempre, medyo nalungkot ako dahil idolo ko sila pero hindi ko rin matatanggi na ang galing talaga ng pinakita ng mga tumalo sa kanila. Yan ang kagandahan ng Isabuhay para sa’kin. Oo, mapapanood mo ang paborito mong emcees pero makakadiskubre ka rin ng mga bagong iidolohin. Ang lulupit niyo! Saludo! Suportahan natin ang bawat isa.

Fan 2:
Maliban sa isang battle kung san may nag-choke, masasabi kong dikit ang first round matchups! May ilan na hindi ako sangayon sa judging pero ganunpaman ay hindi ako galit o ano. Basta ng mahalaga ay talagang natuwa ako at mga tropa sa mga salpukan. Siguro may isa o dalawa na pwedeng kandidato para sa battle of the year. Ibang klase! Simula palang ng torneo pero dikdikan na agad. Pa’no pa kaya yung mga susunod, noh? Excited na ako!

Fan 3:
Sobrang exciting at mukhang kayang higitan nito ang Isabuhay 2024. Unang round palang ay ang dami nang battle na pinag dedebatihan ng mga tao. Sangayon ka man sa resulta o hindi, ang ibig sabihin lang nito ay talagang bakbakan ang mga laban. Sayang at may isang battle na may nag-choke pero sana makabawi siya. Kung lahat sana ay A-game, posibleng isa ito sa pinaka malupit na first round sa kasaysayan ng torneo. 

Fan 4:
Oo, ang daming classic na laban pero maliban diyan ay ang dami ring mga nag-improve mula sa bagong henerasyon. Kahit yung ilang mga natalo ay nakuha pa rin ang respeto ng madla. Isa yan sa mga dahilan kung bakit solido ang Isabuhay Tournament. Tinutulak nito ang emcees na higitan ang nakaraang performances nila at maging lehitimong top tier sa larangan. Maraming bagong aabangan at kung sasali ulit sila sa susunod na taon, baka isa na sa kanila ang mag-kampeon. 

Fan 5:
Inaamin ko na hindi ako updated sa ilang mga bago sa liga kaya first time ko sila napanood sa Isabuhay. Ang masasabi ko lang ay wow ang dami palang malulupit na bago ngayon. Hindi lang sila magaling sumulat at magtanghal, may kanya-kanyang stilo pa sila. Kaabang-abang ang susunod nilang gagawin. Hindi rin nagpadaig ang mga beterano! Pinatunayan nila kung bakit deserving silang matawag na top tier. Dahil diyan, sobrang exciting ng Isabuhay ngayon.

Fan 6:
Unang round palang pero ang dami na agad nangyari na siguradong mag-iiwan ng marka sa kasaysayan ng FlipTop. May mga upsets, grabeng performances, at mga laban na pwedeng mapabilang sa usaping battle of the year. May mga nakita akong nagalit sa ibang mga resulta pero para sa’kin, mahirap talaga I-judge yung mga laban sa first round maliban sa dalawa. Ganun ka-dikdikan ang torneo ngayon at mukhang mas titindi pa sa mga susunod na round. I-enjoy nalang natin. 

Sangayon ba kayo sa kanila? Anuman ang opinyon niyo, wag mahiyang ipamahagi ito sa comments section. Magsisimula ang pangalawang round ng Isabuhay 2025 sa Gubat 15, kung san magtatapat sila CripLi at Ban. Wala pang impormasyon para sa mga susunod na laban kaya abangan nalang natin ang anunsyo ni Anygma. Abangan din syempre ang mga parating na uploads!



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT