General

14 years strong!

Maligayang ikalabing-apat na anibersaryo, FlipTop Battle League! Eto ang mensahe ng staff.

Anonymous Staff
February 06, 2024


Wow! Labing-apat na anibersaryo na pala ng liga. Sa mga nakaraang taon, may mga sumaya at mga nagalit. May mga umalis, nanatili, bumalik, at dumagdag. May mga problema pero nasolusyonan lahat kahit gano pa ‘to kabigat. May mga nanira pero maraming dumipensa. May mga nanggulo pero maraming tumulong. May mga namaalam pero ganunpaman, habang buhay nang naka marka ang pangalan nila sa eksena. May mga masasayang araw at meron ding sobrang lungkot. Literal na dumaan sa napaka daming ups and down ang FlipTop at hanggang ngayon ay umaandar pa rin!

Sa mga emcees, lubos na pasasalamat namin sa inyo para sa patuloy na pagbigay ng mga kalidad na laban sa liga. Manalo o matalo, ang mahalaga ay maipamalas ninyo ang inyong husay at mas maunawaan ng bawat manonood. Bagama’t may ilang hindi isang daang porsyento ang pinakita, sana ay makabawi pa rin kayo. Maliban sa battles, aabanagan din namin ang mga kanta at iba pang proyekto niyo. Mabuhay kayong lahat!

Sa lahat naman ng supporters, mapa live o online, syempre, nagpapasalamat din kami sa inyo! Bawat palakpak, tawa, sigaw, reklamo, at papuri niyo ay bahagi ng kasaysayan ng liga. Huwag sana kayo magsawa sa pagtangkilik sa amin at sa emcees. Marami pang mga parating kaya abangan nalang. Sulit ang paghintay niyo pangako yan.

Dahil diyan, ang masasabi namin ay maligayang anibersaryo sa ATING LAHAT. Tuloy lang ang biyahe sa mga susunod pa na dekada kaya sana ay kasama pa rin namin kayo. Sisiguradhin namin na makasaysayan din itong 2024. Magkita-kita nalang tayo sa susunod na event, ha? FlipTop, 14 years, mag-ingay! 



MORE FROM THE AUTHOR

READ NEXT