Single

Litrato (CHELLY)


Litrato
CHELLY
Producer: CHELLY
2019

Hook (2x):
Litrato mo saking pitaka'y nakatago pa
Tanging alala nung tayong dalawa ay masaya

Verse 1:
Nalimutan ko na yata
Lasa ng iyong mga labi
Tangi kong naaalala
Pano nagpaalam at sinabing
Hindi ko na kaya
At wala na tayong dapat pag usapan pa
Ano yun ganun ganun na lang
Umaayaw ka na parang naglalaro ka lang
Sana sinabi mo nung simula pa lang 
Na matatapos din kasi panandalian lang
Di yung pinaasa mo ako sa wala
Ang bilis ko din naman kasing naniwala
Di naman kasi inakala
Sayong salita ay nagtiwala
Sige ako na'ng may sala
Ako'y kumapit sa maling akala
Bumabalik ako sa panahon kung san wala pang lamat 
Ating relasyon at ang tadhana'y umaayon
Lumalangoy nang taliwas sa alon 
Kung anong pait ng sitwasyon ngayon ganun katamis ang kahapon

Repeat hook (4x)

Verse 2:
Tandang tanda ko pa 
Nung malamig ang panahon mainit ang kwarto
Sarado lahat ng lagusan 
Sayo lang bukas papunta sa lugar na sagrado
Tanaw ko na ang nakatagong palasyo
Na may lamang mahiwagang misteryo
Di akalaing ikaw ay halimaw 
Na mayrong taglay na muka na maamo
Di ko napansin na laro lang din pala ang gusto mo na gawin
Ngayon ay malinaw na sakin 
Na malabo ka din na parang wala kong salamin
Dapat di mo na ko niliko liko pa
Sana diniretso mo nalang ako
Para di na ako nalito lito ha
At umasa sayo nang ganito
Bumabalik ako sa panahon kung san wala pang lamat 
Ating relasyon at ang tadhanay umaayon
Lumalangoy nang taliwas sa alon 
Kung anong pait ng sitwasyon ngayon ganun katamis ang kahapon

Repeat hook (4x)



OTHER LYRICS

Tipsy D vs Juan Lazy (Tipsy D's Rounds)

FlipTop presents: 082 Magnitude Ikaduha
Various Emcees
2013 Rap Battle Verses

Pektus

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Horns

Lost Colours
NINNO
2018 Album

Arthur Morgan

INDOORS
Rjay Ty
2022 Album

Saking Utak (feat. Bugoy Na Koykoy)

Stratus Mixtape
Ives Presko
2012 Album

FEATURED ARTICLES