S.L.S. (Simpleng Love Song)


Single
M Zhayt
2015

Verse 1:

Hindi ko makalimutan noong una kitang makita

Ako ay napapigil hininga parang hinika

At tila nagliwanag ang gabi nung ngunmiti ka

Isang tunay na babae pala kala ko manika

Parang artista sa pelikula

Nakakabighani ang labi mong namumula

At ang mga mapungay mong mata

Na para bang naluluha

Dahil sa ganda mo ako’y maghapong nakatulala

Posible kayang ako ay pansinin

Samantalang di man lamang madaanan ng yong tingin

Gusto man kitang habulin at sundan parang anino mo

Nakakailang baka hindi ako ang tipo mo

Karangyaan ay hindi pabor sa akin

Habang ikaw laging nasa lugar na mamahalin

Pipilitin, kakayaning idaan sa panalangin

Na san ay dumating ang balang araw mapasakin ka

 

Chorus:

Minamahal kita yan ang katotohanan

Kaso nga lang ay di mo nalalaman

Kung kaya ako ay pasulyap-sulyap na lang

Nag-aabang kung saan ka dadaan

Di ka makausap, di ka malapitan ng katulad ko

Para bang hindi ako ang tipong nababagay sayo

Pero alam kong nagbabago ang iko’t ng mundo

 

Verse 2:

Gusto kitang lapitan, gusto kang kausapin

Kaso alanganin mundo ang pagitan natin

Palaging nakayuko’t may damdaming nakakulong

At kahit san mang dako’y di tayo

Pwedeng magsalubong

Ikaw ang tala na palagi kong tinitingala

Sa gabi’y akin ngunit saking paggising nawawala

Sa tuwing nananaginip gusto kong paniwalaan

At ayoko nang bumalik pa sa katotohanan

Ok na ko doon at least kahit papaano

Kung pangarap ay may bayad kahit magkano

Malapitan lang kita pakapalan na ng apog

Tanging dala ko lang ay ang gitara kong lumanog

Haharanahin kita hanggang sa matulog

Yayakapin ka sa tuwing matatakot ka sa kulog

Habang tayo’y magkatabi ligaya ay walang kasing

At paghalik ko sayong labi bigla kong nagising

Ano ba yan

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Ako’y sayo hindi ka sakin bakit laging ganyan

Tadhana nga naman ako pang napaglaruan

Parang nasa kawalan pag ika’y dumadaan

Tumingin ka naman wala ka bang pakiramdam

Marahil ay wala ka ngang paki sa akin kung sabagay

Tao ka, hayop ako, di tayo bagay

Langit ka ulap ako halos abot kamay

Pero kahit nasa taas hindi parin tayo pantay

Kaya wala nang pag-asa ngayon na mapasa

Kamay ko ang puso kahit mabalasa

Ang yong pagkalinga paano matatamasa

Kung natataranta na ko lalo na kapag nasa

Harap na kita pero bakit biglang nagbago

Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa to

Nung ako ay kausapin nag iba aking kutob

Dahil sa pagkakataong yon hindi na 'ko tulog

 

Repeat chorus (2x)



SEE ALSO

Latest Battle Event

Bwelta Balentong 9

  • 2022
Segment

Alyas

Promo

FlipTop Shirt (Brick) Grey

Promo

FlipTop Box Logo Shirt

OTHER LYRICS

Spade vs Melchrist
FlipTop: Bara Ko, Barako
Spade and Melchrist
2011
Here
CIRCA91
Ruby Ibarra
2017
Digmaan
Apokalipsis
Apokalipsis
2000
Remember The Titans
Expansion Pack
Shadow Moses
2016
Bisaya!
Single
RKteQ (feat. Munchito)
2018

FEATURED ARTICLES