Lord Patawad


Klasik
Bassilyo
2013

Verse 1:

Kinakausap lang kita kapag ako'y nangangailangan

Baka may kakilala ka na pwede kong utangan

Kasi alam o na sa tong-its talo ako

Pwede bang bigyan ako kahit anim na numero?

Kinakausap lang kita kapag ako'y nangangailangan

Sana'y may artista na maka-date man lamang

Okay lang sa akin kahit na si Joyce Jimenez

Sana ako'y pumogi, pumuti at maging flawless

Kinakausap lang kita kapag nangangailangan

Noong ako'y binasted ng aking nililigawan

Problemado po ako at wala kong pang-inom

Ang hina ko sayo, yun ang hinala ko noon

Kinakausap lang kita kapag ako'y nangangailangan

Ang aking iniisip puro pan-sarili lamang

At kapag may mabigat na problema at seryoso

Doon ko lang naaalala ang pangalan mo

 

Chorus:

Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

 

Verse 2:

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

Pag may bagong damit na ipagyayabang

Pag may bagong biling mahal na pabango

Kapag bago ang shoes o kaya ang relo

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

Pag may jowa akong makakalampungan

Kapag may mga bebot na ang gaganda

Kapag merong baklitang nakakatawa

Ako'y nagsisimba kapag gusto ko lang

'Pag andyan ang tropa't nagkayayaan

Hahanap ako ng mapagtitripan

Pagkatapos ng misa ay aabangan

 

Repeat chorus

 

Verse 3:

Akala ko dati ay kaya ko na

Kaya ko nang mabuhay mag-isa

Ang daming trabaho, babae't pera

Pag ako'y sagana di kita kilala

Naalala kita noong ako'y nakulong

Parang bubuyog, bulong ng bulong

Pag may kamalasan sa king nangyari

Ikaw lang nang ikaw aking sinisisi

Kapag merong debate, sinong magaling?

Sinong matuwid sino ang nagsinungaling?

Ako'y naiiling at mistulang sanggol

'Di man lamang kita kayang ipagtanggol

Sinosolo ko lang ang bigay mong blessing

Kumanta ako dapat ay bayad din

Bakit nga ba sayo ay wala akong time

Pano kung ikaw na ang mawalan sa akin ng time?

Lord, patawad

Lo-o-o-o,o-o-o

Lord...

Lord, Lord, Lord, patawad

Lo-o-o-o,o-o-o

Lord...

 

Verse 4:

Sa puso ko'y lagi siyang kumakatok

Di ko binuksan, di ko pinapasok

Tuktok ng bundok na kanyang inakyat

Tignan ko pa lang ako ay nilagnat

Dapat ako ang ipako sa cross

Dapat ako ay siyang nanlilimos

Nag-awad ng tawad sa ating Ama

Ngunit masama pa ang pinadama

Dadadadadadadadadada

Puro ako salita at dada

Sa biyaya ako'y naaatat

Pero kahit kailan di nagpasalamat

Nagduda ako sa kakayahan mo

Di ako nararapat sayo

Masyado akong mapagmalaki

Pero kahit kailan, hindi ka nag-higanti

 

Chorus:

Lo-ord, patawad

Lo-o-o-o, o-o-o

Lord...

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, Lord, Lord, patawad

Lo-o-o-o,o-o-o

Lord...

Pagkat ako'y makasalanan

Makasalanang nilalang

SEE ALSO

Latest Article

8 Best Style Clashes During The Pandemic Era

  • By Dante Romero
Latest Battle Event

Zoning 14

  • 2022

OTHER LYRICS

Nganong Karon Pa Man
Single
RKteQ (feat. Elrey, 031, and Makii)
2017
Blood Propaganda
Single
Apoc
2010
50 Thousand Deep
Bayani
Blue Scholars
2007
Minsan Parang Tanga Lang
Evolution Mixtape
Dello
2009
Sayo Lamang
Evolution Mixtape
Dello
2010