Single

PADALE (feat. JMara)


PADALE
Palos
Producer: DJ Medmessiah
2022

Chorus:

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig

Lahat ng yan ay hindi padadaig

Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale

Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale

Wag maniwala dyan, dito ka sakin makinig

Lahat ng yan ay hindi padadaig

Samu't saring kung anu-ano kanya-kanyang padale

Mag-ingat ka baka dyan ka pa madale

 

Verse 1:

Maniniwala ka ba dyan, dito ka sakin makinig

Mas mabilis pa sa kartero, mga komentaryo kong hatid

Madaling araw kumulo, hanggang ngayon, mainit pa rin

Laging bukang-bibig, kanton nitong mga kulang sa pansit

Walang ipapantay na rima, para di tunog imbento

Dapat ako ang lamang, tinaguriang pinakamalayang preso

Sastreng gamit ay gantsilyo sa pagtatahi ng kuwento

Katotohanang walang kwenta, kasinungalingang may presyo

Talas ang dila sa mga purol ang isip

Bubusalan ng salapi para lamang ako ay manahimik

Nasa puwesto lang sila pero wala sa katayuan

Tanong kung nayabangan ito o tinagnabayan

Maayos ako manghayop, tiyak sira ang pagkatao mo

Pagtitinginan ka parang singkit na biglang naubo

Walang balat-sibuyas pag ako ang nagbalat-kayo

Pag pumikit ka na, saka lamang may sisilip sa'yo

 

Repeat chorus

 

Verse 2:

May kuwentong magpapantay

Sa loob at labas ng kulturang siksikan

Modernong galawang may palabas

Kung hangga't pataas ang pag-ibig gintong karangalan, ay

Para lamang sa mga bitaw at pasikat habang may nag-aantay

Mga nilalang na likas na masikap

Bagong balagtasan ng mga lipi, sa siraan ng kadiin

Nagsisilabasan ang mga lihim ng paraan para lang manaig

Nagpapataasan ng mga ihi, puro dumi nalabas sa bibig

Hangad agad umakyat sa kalangitan itong mga buhay na inip

Hunghang lang sa'yo'y maniniwala

Lilitaw ang tungkab ng pagtatagong ipinatag

Pusong may lagablab pa rin ang siyang mangingibabaw

Sa bawat pagaspas, prinsipyo ay naiingatan

Inayawan ang salaping galing sa tanggapang gahaman

Nakatapatan sa galing-galingan, may malaking kalamangan

Magkita tayo sa huli, doon mo lamang malalaman

Dapat may ipong panukli, buong-buo kami magbayad

 

Repeat chorus

 

Interlude:

Pag-isipan mo munang mabuti

Kung kaninong panig ka nga ba dapat sumali

Napakadalang na di mo malaman

Kung sino ba talaga dapat na napakadaming

Hindi mo nakita kung paano ko ba talaga

Dapat hindi mo mala—

Ano, wang kang malito

Samin ka lang makinig, ganito lang yan, oh

Ooh

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Ms. Imagination

Ms. Imagination
Darius
2019 Single

WELCOME2DTQ

WELCOME2DTQ
Hev Abi
2023 Single

Kwento Mo

Liham At Lihim
Gloc-9
2013 Album

Cold Summer Nights

Yo!
Francis M.
1990 Album

Boy (feat. Kartell'em & BLKD)

KOLATERAL
KOLATERAL
2019 Album

FEATURED ARTICLES