Single

Sana Di Na Lang (feat. Jeazell)


Sana Di Na Lang
Dello
2011

Verse 1 (Dello):

Ayoko nang isipin, ayoko nang sapitin

Ako na 'yong alipin at ayoko nang pilitin

Pa sayo, dapat kong ituloy na ang paglayo

Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro

Dahil kung titignan sa titig lang para bang nabibiglang

Naiwan tulala nang dahil lamang sa pagibig lang

Di na mapagbibigyan at yon ang masakit

Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit

Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba?

At ang Dellong mainipin pagdating sayo mahaba

Ang pasensya at nagti-tiyagang nag aabang kahit ilang

Beses ng pinagmumukhang tanga't hibang nagbibilang

Ng aking pagkakataon, pero ba't nagkaganon?

Mahal kita, mahal mo sya, nagtataka't nagtatanong

Kung bakit ka naging tanga para lang maloko niya

Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na

Nagbabalik pa rin at ako sayo'y palagi

Pero di ka naman sakin kailanman di maaari

Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari

Kung alam ko lang nung una di na sana 'to nangyari

Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap

Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap

Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon

Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap

Sana di na lang

 

Chorus (Jeazell):

Di na sana kita nakilala, di na sana ako lumapit

Di na sana kita nakilala, di na sana ako nagdurusa ng

Dahil lang sayo

 

Verse 2 (Dello):

Sana nung umpisa hindi na tayo nagtabi

Kaya ngayon ay alanganin napaibig mo kasi

At naging kabado na ko kahit di pa nagkape

Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami

Sana di ka napayuhan tungkol sa mga ex

Sana wala akong cellphone para di ka nakatext

Nung in-add kita sa Facebook sana di mo in-accept

Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip

Sana di na umalalay sayo sa pagtawid

Pagpunta mo sa Cavite, sana di na naghatid

At ang aking nahawakan sana di sayong kamay

Kaya ako'y nahihirapan pagka't di ngayon sanay

Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan

Sana di na uminom para di ka na kainuman

Sana di na naglasing para di naging praning

Na kahit magpakasabog sitwasyon ganun parin

Na ako'y isang alalay na laging nakasunod

Na kahit ka pa nakalugay o kahit nakapusod

Maganda ka parin sa paningin at palihim nakatingin

Sayo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin

Mahirap na tong gawin kahit na ipikit

Ang mga mata. bakit ba ang puso ang kulit?

Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait

Sana di ka minahal dahil ang sakit

 

Repeat chorus (2x)

 

Verse 3 (Dello):

Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin?

Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin?

Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin

Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin

Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw?

Kung kailan di na pwede at kailangan ko nag bumitaw

Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala

Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala...



OTHER LYRICS

Cold Summer Nights

Yo!
Francis M.
1990 Album

Arangkada (feat. Aya)

Ala Una
Apekz
2017 Album

Copycat Felix

#MANILACIRCLEJERK
Den Sy Ty
2016 Album

Martilyo (feat. Letter Day Story)

Matrikula
Gloc-9
2009 Album

Whachuknobout

Hue For Ya
Sica
2021 Album

FEATURED ARTICLES