Single

Tukso (feat. Sickreto)


Tukso
Doughmino
2019

Chorus:
Naku 
Ikaw nanaman at ako ohhh
Nandito nanaman ako'y tinutukso tukso
Ang puso ko pa rin sayo'y lumulukso lukso

Verse 1 (Doughmino):
Pinipilit ko naman na wag na masyadong manabik
Umiiwas na ko sa maling maling bato ng mga text natin
Mga pahapyaw ko pa ding mga chat na bumebenta 
Habang hawak ang phone nagpapawis pa 
Ang mga kamay ko mapangiti lang
Gagawin ko ang lahat upang ikaw ay magpakita
Ang dami kasing nagmamasid na parang palaro mo at paliga
Ang mapalapit sayo ay delikado ako kaya pwede  ba tayong
Lumabas ng tayong dalawa lamang panghawakan mo ang pangalan ko
Ang tagal kong naghintay hanggang kailan maglalambing
asahang ako ay darating sa oras na hii...
Nihiling ko lamang ay intindinhin mo rin
Ilihim natin parang bagong tuklas na bitwin

Repeat chorus

Verse 2 (Sickreto):
Di ko alam kung ika'y kulang sa dilig 
O kung ika'y sabik
Para kang linta kung makadikit
Mistula ng bingi, sapagkat ang mga anghel ay 'di ko na marinig
Lalo na 'pag tinitigan na kita ng mula sa dibdib 'tungo sa leeg
Pilitin ko mang sabihin na ayaw ko na 
Pero tulak ng bibig pulot ng dibdib
Buong daigdig, buong karagatan
Saksi lahat sa aking karanasan
Pero kapag ikaw 'di ko maatrasan
Parang sleep walking, kusang humahakbang
Ang aking mga paa, papalapit sayong ganda
Mas nanaig ang kinang ng mata mo 
Kesa sa suot kong sing-sing sa kasal talaga
May paro-paro na 'ko pero bakit ba tila
Ang katulad kong bubuyog 'di maiwasang 
Maakit 'pag nagsimula ng magsalita ang mabulaklak mong dila
Ngunit ayaw kong magtiwala 
Dahil panandalian lang naman nakikita ang bulalakaw
Dahil para kang buwan
Kasi alam ko namang iiwan mo rin ako pagdating ng araw.

Repeat chorus

Verse 3 (Dougmino):
Sa may kung saan nagaakitan
Mga paa na nagkulitan nagdadampian
Di ko na masukat masyado nang lumalalim 
Tingnan mo kung gano kalapit ang mata natin
Di ko akalain na ika'y napasakin
Sa maling paraan nga lang
Parang kalapate ka niyang itinali
At sinilo kita ng pagapang
Iyong palasingsingan dahan dahang hinuhugot ang ginto na inukitan
Kandila iyong hinipan
Humiga sa kamang pang isahan habang tayo'y nagsisiksikan
Wala nang imikan dahil nakaeroplano na tayong dalawa
Mga parte ng bawal na sandali 
Maliwanag na tinandaan ng camera 
Ikaw ay lawin na may kadenang bato 
Nakawala ka rin dba sa hawla mo
Nginuya ko ang kahambugan sa ganda mo
Baka ikaw kaya sinuga sa damo
Walang makakatalo sayo
Parang kasagsagan mong nasa kalakasan
Ikaw lang ang kahinaan kong hindi malabanan tukso di maiwasan

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Blue Dream

The Motions
Curtismith
2017 Album

Lapis At Papel

Diploma
Gloc-9
2007 Album

Ikaw Lang

HARANASA
Kiyo
2021 Album

Halik Sa Hangin

Halik Sa Hangin
Abra and Ebe Dancel
2014 Single

Yayo

Sun Of A Gun
Bambu
2013 Album

FEATURED ARTICLES