Rap Battle Verses

BLKD vs Lanzeta (Lanzeta's Round)


FlipTop presents: Zoning 2018
Various Emcees
2018

Siya si B L K D, balakid din ang basa sa

Pangalang naisip, apat na titik, mananahimik ka na tanga

Hanggang parang napipi, wasakang litid, tanggal pa tinig niya halata (patinig niya halata)?

Para matanggalan na talaga ng pangalan pagka tinig niya nawala(pag katinig niya nawala)

Tama bata pa ako, iniisip na nila na walang galang

At matanda nga kayo, sinisisi na nila ya'y pamantayan

Ya'y pinipilit atsaka sinisingit, eh ni hindi nga nila namamalayan

Nang malaman laman niya na wala pala talagang pinipili na edad ang kamatayan

Nako po, katapat niya ang sundo

Lakas loob,alak kuno,markang bungo, tatak buto (tatakbo to)

Pag napuno at nabuko, may papatak pa na dugo (papatakpan na dugo)

Napakulo ngang (napakulong ngang) sa tagal mangalawang (mga lawang) pag natuyo

Hatak ng talas, dakdak saksak pagtagas, matapalan pa kaya jusko

Yan ay tatapakan, sa daan ang sagabal at pang gulo

Bawat Hakbang, pagpaslang, pangalan niya ang anggulo

Na harang yan? Pagkabunggo, walang hadlang sa plano ko

At yan ba ang hinaharap? Na kayo ang nagsasabi?

Matalas na karit ang dinisenyo ko sayo

Tamang siya nga ang hinaharap at ako ang mangyayari (mangyayare)

Wala ng balakid pag diniretsyo ko na to

Balakid, harang,hadlang tapos tang ama bakod ka pa bro?

Knock knock, "who's there?" Umakyat na papunta sayo

Lumabas ka ng buhay ano? Taguan takbo, pagnaabutan kayo

Nasa lugar ka oh? Sa bahay ka makakatay na kung saan kakasuhan ako

Kaso walang kaso ang pumatay sa bakuran na to

Walang may kaya tong isupil, hanggad mo akong kalaro?

Nakaraan sakto sa tagpo ng may nakalaban tong inutil

Kaya katapat mo ngayon ay Gapo, at kasalanan mo ito sir

Para maalala mo si 2khelle, sa paglampaso sayo ng bano

Patalim naghari samin, siya ang dinala't hinain

Niluto ka sa Gapo para lamang ipakain sakin

Ibahin na natin, kumusta ka na bilang dukha, hoy humarap ka ya'y di lang kutya

Parang ginawa ni Jhapormz kay Kahir, tangina, duduraan pa kita sa mukha

(Ginaya si BLKD)

Yan ang yong mga dala dala?

"Gawa ko to gawa ko yan" kayo naman dalang dala

"Panay sumbat panay ungkat" tao naman dalang dala

Kaya kung saan nabibilib ang mabababaw, ako naman ang gagawa

Kasi diba sabi mo "mababaw na saksak" ang nagawa ng lanseta

Sabay tarak sakanya ang nagawa ng lanzeta

Kaya bathala patawad sa nagawa ng lanzeta

Sa nagawa ng lanseta, sa nagawa ng lanzeta

Saan ba nagkapareha, bakit nahahambing?

Sa pagkatha niya ng pyesa, dahil ba malalim?

Sa pagkatha niya ng pyesa, pare saan galing?

Yan ay gawa sa lanzeta, kaya yari ka sa akin

Hinayaan na nga hindi nahiya, agawin at nakawin mo?

Palaging nababanggit niyo, yan nga din ang napansin ko

Tila para kang nakinig sa isa, sa dami ng nagsabi oh

Di na kailangan pa marinig sa iba, saakin na nanggaling to

Tinatanghal na tula mo ang hulma saan galing?

Yan ay isasampal sa mukha mo na mula (namula) sa akin

Sabay tutok ng baril, makakapag sumbat ba to?

*bang* Tatagos to sa pader, tama ngang nagmula sayo

Kung ito ang pinagbasehan, magpasuri na kayo

Rumito ka't ipapanik ka sa may puking ama mo

Lumingon sa pinanggalingan hanggang kunin niya na to

Muli ko lang ibabalik ka sa may lumikha sayo

Intensyon mo makupit ang akin? Pag tinignan palubog ang

Repleksyon mo sa tubig, malalim, madilim kaya lunod yan

Dahil kilalang lubusan, siya'y sisikat ng tuluyan

Uunahan, bubutasan *bang* hindi ka na lulutang

Bakit kilala ka? Pare mali, tapat ang tanawin

Daming ginaya siya'y tagpi tagpi, lahat ay gagawin

Masisilayan mag parte parte, nang kanyang harapin

Makikita niya siya'y hati hati, basag na salamin

Yan na ba ang salarin? Pagkat lahat to kriminal?

May salang, panggagaya wala dyang orihinal

"Bakit sino pa bang emcee may istilong sarili daw sagot"

(May sumagot ng 'ako')

Ulol! Ya'y lilitaw, hindi niyo madaya

At sisingaw kasi hilaw, hindi niyo magawa

Aking bitaw kahit sigaw, hindi niyo magaya

Maging ikaw, maging ikaw hindi mo nga kaya

Ya'y sumbat repa, inunahan, at sila tong nabigla

Planong tahi na binurda lang ng likha ko na pinta (hindi na spit na 2nd line)

Blankong papel nagsimula lang sa sinaboy na tinta

Ikaw yong pader na sinulatan yan, binaboy na kita

Pader batong iniidolo? Tama't swak na durugista

Ang karet, masong sinisimbolo para dyaan sa komunista

Kasi mahirap ka diba? Ngayong hindi na nagsasalamin kasi malinaw na nakikita

Dating aktibista na naging artista, pangalan B L K D tangina kapitalista

Kaya pumila ka na sa daanan, sama sama bayaran na puta

Tong ibabagsak na pangalan, tatapakan sa hangad na lupa

Kung isa ka nga sa kadamay, damay damay, wasakan ng kuta

Umiyak kang walang tahanan kaya tiyak na babahayang luha

Nasa susunod na magsusunog pa to brad ng effigy?

Tiyak na sabog yan, siya ay babatuhan ng bukas na LPG

Ako yong Mendiola Massacre, at sakin ka pumipila

Bimby Aquino qojuanco, ito ay Hacienda Luisita

"Basta Gapo bano"? Noon di makaraos o

"Basta Gapo bano" kung saan nagsimula doon din matatapos to

Hindi niyo tanggap ako'y mahangin, saksak mo sa dibdib mo

Tong bagong disenyo ng Lanzeta, tatak niyo sa isip niyo



OTHER LYRICS

Litrato

A Starving Artist
CLR
2019 Album

The Plug (Bara Bara)

Paid In Bawal
Bawal Clan
2018 Album

Simula ng Katapusan (feat. DJ Nicko)

Ang Ulan At Ang Delubyo
Plazma
2021 Album

Sakay

HARANASA
Kiyo
2021 Album

Taya (feat. BLKD)

Fatigue
Assembly Generals
2019 Album

FEATURED ARTICLES