Album

The Plug (Bara Bara)


Paid In Bawal
Bawal Clan
Producer: Pope Fiction
2018

Verse 1 (Rjay Ty):

Pambihara ang dala mabigat lang ang karga

Mabigat pa sa mata na pilit na sumasara

Hindi pwede ang makitid sindi at ipasa na

Di nga pwede huwag ipilit diba sabing bawal nga

Paglapag ko pa lamang ay maraming sabisabi

Tabitabi ang masagi wawasakin

Palayain ang dilim paliwanagin

Paganahin ang utak ay palawakin

Pag kakain huwag mong galawin ang akin

Aso na gutom ika'y aking lalapain

Tandaan mo chong pare kahit walang kanin

Pag pinagtapat ay di ka uubra sa akin

Tuta nga lang dati, pusa ka sa kalye

Pag minalas ka wala nang kung sakasakali

Ugh

Pag minalas ka wala nang kung sakasakali

 

Verse 2 (Nuevo):

Sinasabi ko na

Di ka pupwede sa loob ng mundo ko

Sagot na ang kinabukasan ng lahat ng kadugo

Humingi sayo ng tulong di ka man lang namansin

Singilin ang yong hiling, di ka makakaangkin

Papara, pagnarinig mo laman ng bara

Matalas, butas ang panaginip la nang gana

Basa sa dura, kailangan mo ng palanggana

Dada pa, di ka puro puro salita lang

 

Verse 3 (Mic Rahman):

Bakit ba pinagbawal ang mga yan

Eh kung anak niyo nga kasakasama diyan

Galawang ng praning

Galawan ng hibang

Nandamay ka pa ng walang muwang, ano ba yan

Hindi eto ang damayan na hanap ng sambayanan

Punasan ang dugo sa kamao

Tumutulo sa mga taong nagbigay ng titulo

Metikulong bersikulo

Sa bandidong lehitimo

Sino ba ang may sala at sino ang iniidolo?

Dahil dito puro trapo

Puro bisyo, puro gago

Puro dealer, puro amo

Purong-puro at kasado

5’0, walang paki

Mga trapong kasindumi

Ng babuy na nagdudumi

Pasintabi nangangati

Pahinga ka muna diyan sa tabi

Nandito lang kami

Nagmamasid sa inyong tabi

Hindi mapakali

Tangna la pa nagbago kasi

Laganap parin kami

Wala na rin masyadong paki

Sabay sigaw "tabi!"

 

Verse 4 (OJ River):

Baka pwede tumabi

Kasi dadaan kami

Wag kang magagalit kung ikaw ay matamaan

Itabi paa mo kasi baka matapakan (matapakan)

Tangina sabihin mo aking pangalan

Wag patalikod sabihin sakin nang harapan

Humingi ng tawad pare para maagapan

Wag kang iiyak kapag ikaw ay nabanatan

Ganun parin naman ako natuto lang lumaban

Laging sa kalsada minsan nasa kalawakan

Gagawa ng ingay palibasa nasapawan

Mga tao na sa panahon ay parang nalipasan

Nalipasan ang gawa, walang natutuwa

Umayos kung ayaw maglaho na parang bula

Di na ko makausap kasi laging tulala

Andami kong problema di ko na alam san nagmula

Mata'y namumula

Medyo nagdidilim

Tahimik umatake pero hindi palihim

Hindi katulad mo na mga balak maitim

Tahimik umatake pero hindi tulad mo na palihim

 

Verse 5 (DZ SVG):

Simulan ang ritual

Iliyab ang lila

Ibang klaseng bumira

Bitaw na di biro

Mapali, parang paligid ay impyerno

Araw-araw pinapalubutan ng demonyo

Makitid na pagiisip

Hari-harian na di maka titig

Nanggaya lang sa gilid

Pupungas pungas

Kulang sa bigas

Wag kang mag angas

Ingat lang, madaming gago sa labas



OTHER LYRICS

Rapper Po Ako

Rapper Po Ako
Flict-G
2015 Single

Di Marunong (feat. KXLE)

POOT AT PAG-IBIG
Gloc-9
2021 Album

Anna Karina

Cinémetropolis
Blue Scholars
2011 Album

Free Spirit

Free Spirit
MANILA GREY
2017 Single

Info Trip (feat. Mark de Clive-Lowe)

Prey For The Devil
Bambu
2016 Album

FEATURED ARTICLES