Single

Finesse


Finesse
Ratschild
Producer: Juss Rye
2021

Chorus (2x):
Akala nila di ko kayang baguhin ang binigay nila sakin na mundo
Eto ako may iilang kasama may planong ikutin ang buong mundo
Libong ulit nabigo pero tuloy ang laro
Gamit lamang ang tunog
Nakakatagos, nakakasabay
Nag-iiwan ng sariling tunog

Verse 1:
Akala nila inuubos ko lang natitira ko na oras
Kinikilusan at di nag abang, hindi kita kaparehas
Nabigyan lang ako ng puwang yun pa din ako bukas
Turnilyo ko man ay lumuwang ako pa din ang lunas
Di ‘to ginagampanan, para dito talaga
Di na kinakabahan, kasama ko mga daga
Mga walang kahahantungan gai’to ang kayang magawa
Nasan kaya yung nag sasabi na wala kaming mapapala
Isang paalala lang ang tunay
Na wag makinig sa di nag tagumpay
Desisyon ay di ganon kadali 
Na para bang pumili ka lang ng kulay
Ito'y dadalhin mo pang habang buhay
Lalo na rin hanggang hukay
Maranasan mawalan at maubos
Makikita mo ang tunay

Repeat chorus

Verse 2:
Matagal nag tiyaga, tiniis
Sa baba bago makaalis
Ngayon hanguin aking tinanim
Nambabalato di naging sakim
Alam ko laro pano dadalhin
Sa nakaraan hindi na babalik
Salamat sa tropa na sumagip
Mga gumabay saking pag panik
Sa mga kutya hindi nagpadaig
Tuloy kahit na walang bumilib
Handa na magiba ang dibdib
Grupo ko pa rin ang bitbit
Makitang huminto ay hindi, walang pagsisisi
Tagumpay ang iiwan bago pa ako pumikit
Nag-iwan ng marka gamit lang ang tunog
Hindi papanis sa Pinas
Pagkat nakakatagos
Nasimulan ng mga nauna kami ang sasalo
Sa musika ay lango hanggang maging abo

Repeat chorus

Verse 3:
Sanay mawalan parang walang nawala
Di lang nangangamusta
Nginangaratan ang reyalidad, kaluluwang pang pusta
Bukas-palad na tatanggap ng gantimpala na galing sa rap
Lalasapin ang sariling mundo
Hanggang Diyos na aming makakaharap
May salapi at pundar walang, aatra bilis ng andar
Bahala Na Gangsta, lakas ng arrive
Ramdam ng hoes napapaaray
Ah basta
Pag lalabas na album namin mag ipon ka don ka gumasta
Sabayan mo ng malamig na malamig na beer
Tapos gobas ka
Angas ng aming asta, angas ng aming kanta
Palaging may kinakasta
Kami ang pinaka star, kami ang Ratschild
Parehas mo na thug life, magkaiba man ng gang sign
Lalo na sa rapstyle, lyrics ko bastard
Bawal sa engot, bawal sa bata

Repeat chorus



Ratschild - Finesse (2021):

SEE ALSO

OTHER LYRICS

Buhay Ng Gangsta (feat. OG Sacred and Braduzz)

Buhay Ng Gangsta
Hukbalahap
2008 Single

Ito Ang Gusto Ko!

Meron Akong Ano!
Francis M.
1993 Album

Di Laging Sunday (feat. 6reylan6it, Bhosxz, & Homiewun)

Buzo_Omp
KURIMAW
2021 Album

C2 Boyz

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Nganong Karon Pa Man (feat. Elrey, 031, and Makii)

Nganong Karon Pa Man
RKteQ
2017 Single

FEATURED ARTICLES