Album

Gastador (feat. DJ Supreme Fist)


Gatilyo
BLKD x UMPH
Producer: UMPH
2015

Intro: (2x)

Mga maang-maangang gastador ng yaman ng kaban ng bayan

Mababangong pangalan, kagalang-galang

Sumisingaw ang sang-sang

Mga kawatan

 

Verse 1:

Ops party nanaman

Matapos mag golf sa converted sakahan

Sakay ng bagong magarang sasakyan

Diretso sa resto mga kinatawang kawatan

Puro V-I-Ping asal paimportante

Mga pulitiko mga negosyante

Mga artista't mga heneral

Sosyalan ng mga sosyal na kriminal na kritikal

Kung karangya ay sakit balot ng designer borloloy shoes at damit

(pakshiiiiitttt)

Di mabilang na salapi't assets

Mula sa di maipaliwanag na rackets

(bastos)

Sagarang mga mansion

Dambuhala king lupain sa nayon

Madalas at magastos na bakasyon

Pano naaafford walang bakas yon

Lahat ng yan ay sakabila ng laganap at lumalalang kahirapan

 

Chorus:

Kaya mga gastador wag na magtaka

Lechon na kayo bukas makalawa

Bukas makalawa

Lechon na kayo bukas makalawa

Mga gastador wag na magtaka

Lechon na kayo bukas makalawa

 

Verse 2:

Kayo'y naluklok sa inyo-inyong pwesto

Dahil ang taong bayan ay naimpress niyo

Pero matapos ipinangako ang best niyo

Presto nagbago ang letrahan ng kwento

Pera at pangalan ginawang puhunan

Para sa kapangyarihan masuhulan

Mga makamasa raw kung manilbihan

Matapos maupo hindi na nanindigan

Akala niyo kung sinong tapat kung pumutak

Mabilis pa sa kisap mata kung kumurap

Kaya pala serbisyo ay abot kamay

Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay

Bawing-bawi ang gastos para manalo

Malakas pa ang kick-back sa nagulat na kabayo

At kung may katulad ko mang aangal

Madali lang mag hugas kamay na bakal

Lahat ng yan ay sa kabila ng

Laganap at lumalalang kahirapan

 

Chorus:

Kaya mga gastador wag ng magtaka

Lechon na kayo bukas makalawa

Bukas makalawa

Lechon na kayo bukas makalawa

Mga gastador wag na magtaka

Lechon na kayo bukas makalawa

(mga baboy)

 

(Scratches by: Supreme Fist)

Lechon na kayo bukas makalawa

 

(Scratches by: Supreme Fist)

Lechon na kayo bukas makalawa

 

(Scratches by: Supreme Fist)

Lechon na kayo bukas makalawa

 

Mga kawatan



OTHER LYRICS

BETTER THAN MONEY

WEYAAT?
Waiian
2023 Album

Paano Na (feat. Because)

Paano Na
JP Bacallan
2018 Single

Kabataan Para Sa Kinabukasan

FreeMan
Francis M.
1995 Album

Nakakulong

Tukalo Mixtape
OSD.
2020 Album

Tibay

Tibay
Quest
2016 Single

FEATURED ARTICLES