Album

Usapang Kaibigan


The Impaler EP
Plazma
Producer: Tatz Maven
2017

Verse 1:

Kumusta ka na tol? Sana ayos ka lang dyan

Kapit ka lang tol, malapit na rin ma-buksan

Yang pintuan na bakal na ikaw rin mismo nagsara

Pero saka na yan eto ang mga pangyayaring naganap

Yung tatay mo, ilang linggong umasa sa alak

di nya matanggap ang iyong landas na tinahak

muntik na ring maglaslas pero binitawan ang patalim

ikaw ay yayakapin pa rin sa araw ng iyong pagdating

Sya'y niligtas ng nanay mo, magpasalamat ka sa kanya

Pagkatapos ng ginawa mo wala syang galit na nadama

Pagusapan naman natin si kuya, sya'y dismayado talaga

Anumang respeto meron sya syo bigla nalang nawala

Wag ka mag-alala, maaayos rin yan panigurado

Tutal nanggaling din sya sa buhay ng pagiging gago

Sa madaling salita, buo pa rin naman ang pamilya

Nakahanda ang hapagkainan para sa muling pagsasama

 

Chorus (2x):

Sana pinagisipan mo muna bago mo ginawa

Kaya ngayon napupuno na ng luha ang iyong mata

Sinaktan mo pamilya mo, yan ang di mabuburang imahe

Pero mahal ka pa rin nila sa kabila ng nangyari

 

Verse 2:

Ano balita kay Caloy? sa ibang bansa na nagtatrabaho

panay ang kanyang reklamo sa suplado nyang amo

pero di pa rin umaalis, tutal mataas naman ang sweldo

madalas pagalitan pero natuto na daw makuntento

Si Berto? natupad na raw ang mga pangarap

nagbebenta ng bahay at lupa pero kupal pa rin bumanat

Ganun din hanap-buhay ni Ryan, di na sya nag-doktor

Lagi nyang pinagyayabang ang bagong kotse at motor

Tumino na si Joselito, malapit na syang ikasal

Napaka tagal na rin nung huling araw na sya'y nagwalwal

Pumunta naman tayo kay Jessica, wag ka sanang malungkot

Meron na syang asawa at kinalimutan ka na ng lubos

Ikaw sana ang pipiliin nya kaso nasangkot ka sa gulo

Sinubukan kong kausapin pero wala talagang kibo

Masaya naman sya, yun yung pinaka importante sa lahat

At binabasa nya pa rin naman yung niregalo mong aklat

 

Chorus (2x)

Sana pinagisipan mo muna bago mo ginawa

Kaya ngayon napupuno na ng luha ang iyong mata

Tumatambay pa rin ang tropa sayang at wala ka

Sagot nila pulang kabayo sa susunod na pagkikita

 

Verse 3:

Pareho tayong basagulero, di natin maitatanggi

Pero pinili nating magbago at panandaliang nagwagi

Nung ako'y nahirapan, isa lang ang iyong sinabi

Maikli lang ang buhay wag kong sayangin sa kalye

At nagsimula ka ng negosyo, napatalon ako sa tuwa

Dati puro away inaatupag ngayon nagpapakumbaba

Kaya nagulat ako bigla, nung ikaw ay napamura

Simpleng asaran lang sa inuman nauwi sa disgrasya

Nalulong ka pala sa bato, dun nawala ang halakhak

Dahil sa mababaw na rason, bigla kang nanaksak

Sino yung biktima... walang iba kundi ako

Nais ko lang sabihin sayo ngayon na tangina mo!

Habang nabubulok ka sa rehas, binubulungan kita

Hanggang sa kamatayan mo madarama ang aking sumpa

Maglalaho na parang bula, lahat ng iyong pagasa

Susundan ko bawat yapak mo kahit ikaw ay makalaya

 

Chorus (2x)

Sana pinagisipan mo muna bago mo ginawa

Kaya ngayon napupuno na ng luha ang iyong mata

Kalimutan mo man, patuloy akong magpaparamdam

Di ko hahayaan na matakasan mo ang nakaraan



OTHER LYRICS

Might Go Psycho

Might Go Psycho
Bambu
2018 Single

Across the Rubicon

Bad Burn
FOSSILS
2017 Album

KahitSaan KahitKailan (feat. Pino G & Luciano P)

Flight School Era
Just Hush
2018 Album

Sakay

HARANASA
Kiyo
2021 Album

Trapezoid (feat. OWFUCK)

Random Thoughts
Tiny Montana
2017 Album

FEATURED ARTICLES