 
													Sumabay, ka sa akin na walang dahilan
Pinasok ko ito, kaya wala nang bawian
Galawan sa kanan, pati sa kaliwa
Mabuti ng ganian nang hindi mapasama
At kahit, Ako lang sa'yo ay nakatitig
Di ko maiwasan na ako ay mapaisip
Na minsan nakita na kita sa aking panaginip
At dinala mo sakin ang tunay na pag-ibig
Pero, Ako pa ay naninibago
Luma man ang istilo ko pero sanay manalo
Kahit na malabong, sumabay sa tiyempo
Kakayanin ko kahit na mabilis ang tempo
Bakit, Merong  mata na mapang-akit
Pigil aking sarili baka meron nang magalit
Pikit matang lumapit
Ano aking sinapit
Bahala na si Batman kahit na ako'y sumabit dahil
Di ko mapigilan
Ang lumapit sa iyo at sundan bawat indak mo
At hindi ko mabitawan
Ang pagkakataong ito, wala nang atrasan to
Kase min-minsan lang,
Ang mangyari sakin ang ganitong bagay sa buhay
Kase min-minsan lang,
Di na to mawawala, hanggang ako'y mawala
Napaindak sa galak, ng ikaw ay malapitan
Sa likod ay bulaklak, at ibong nag-aawitan
Bumagal ang mundo, teka ano ba to
Pakiramdam ko ay nasa teleserye lang ako
Isipan lumulutang ng El Niño lalamunan
Hindi ka nga lamesa, pero gusto kang patungan
Sabay tayong kumain ng hinain kong hapunan
Ito'y di na uubos, isubo mo na nga yan
Di ka si Maria, ba't ako'y lumilipad
Lumamig ang katawan parang tiyan binaliktad
Ako'y napatulala at na-inlove ako agad
Ansarap naman sa feeling, pwede ko bang isagad
Nalunod sa iyong ganda, kailangan salbabida
Di mapigilang damdaming umaarangkada
Itong pakiramdam ko, ayaw nang tumigil pa
Sa bugso ng aking damdamin, halina't sumabay ka kase
Di ko mapigilan
Ang lumapit sa iyo at sundan bawat indak mo
At hindi ko mabitawan
Ang pagkakataong ito, wala nang atrasan to
Kase min-minsan lang
Ang mangyari sakin ang ganitong bagay sa buhay
Kase min-minsan lang
Di na to mawawala, hanggang ako'y mawala
Uh, halikana't sumali
Wag nang mahiya at magbaka-sakali
Wag ng magpapilit, bawal ang sumilip
Umayos ka naman ng ako ay makaisip, maigi
Sa indak makasunod, di ko rin alam kung ano ang kasunod
Sa tiyempo, paliko o diretso
Sundan mo nalang, kung ano'ng nakasanayang yugyugan
Wag ka masiadong pabigat
Hayaan mo ang puno na lumawak ang ugat
Dinig na ng tenga, kahit na ma-pwera
Di mo na kailangan itanong kung bakit
May naiinis
May nayayamot
May tumatanong
At may sumasagot
Umaapaw sa galaw, umaapaw sa sayaw
Di ko mapigilan
Ang lumapit sa iyo at sundan bawat indak mo
At hindi ko mabitawan
Ang pagkakataong ito, wala nang atrasan to
Kase min-minsan lang
Ang mangyari sakin ang ganitong bagay sa buhay
Kase min-minsan lang
Di na to mawawala, hanggang ako'y mawala
Indak, wag ka nang mahiya
Wag mong pansinin ang sinasabi ng iba
Kahit na sa gilid na para bang naipit
Ramdam ko ang sarap, para bang sa langit
Kumapit, (Kapit)
Lapit lang ng lapit (Lapit)
Abante lang ng konte, sakto ang balanse
Dapat na mangyari, Bago pa madale
Sige dumiskarte, Whoo
Di ko mapigilan (Di mapigilan ang)
Ang lumapit sa iyo at sundan bawat indak mo
At hindi ko mabitawan (Di mabitawan ang)
Ang pagkakataong ito, wala nang atrasan to
Kase min-minsan lang, (Minsan lang, minsan lang)
Ang mangyari sakin ang ganitong bagay sa buhay
Kase min-minsan lang, (Minsan lang, minsan lang)
Di na to mawawala, hanggang ako'y mawala
 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																			 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																		 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																													 
																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																																