Album

Inspirasyon


Shehyee
Shehyee
Producer: Thyro Alfaro & Bojam
2013

Verse 1:

Akala ko sa teleserye lang nangyayari

Ang mga istorya ng pagibig na ganito

Eh totoo naman pala ang mga sabi sabi

Eh kasi nabiktima ako

Nanahimik ako noong naglalakad

Tapos nahuli nakulong sa salang paghahangad

Sa isang bagay na di pwede, ibig sabihin ay bawal

Ang pag usad nga yata ng hustisya ay mabagal

Eh kasi ang tagal bago ko nakawala

Sa pantasyang maaring maging kaming dalawa

At nang matanggal ang kandado may naisip akong plano

Magpapayaman muna ako at magpapagwapo

Bago lumapit sayo aking nang naintindihan

Na ang mabuting damdamin di nakakain ang ganyan

Dapat meron nang ganyan

Sana di malito ang mga to ang gusto ko lang sabihin

Na ayusin ko muna sarili ko para sayo

 

Chorus:

Mabuti nalang (lang, lang)

Nasa tamang pag iisip

Alam-lam kong pag di pwede wag ipilit

Posible ka lang maipit sa komplikadong sitwasyon

Wag magpahadlang (lang, lang)

At wag kang mag papabwisit

Wag nang nang nang mag mukmok dyaan sa gilid

Gamitin mo ang pagibig bilang isang inspirasyon

Ang pag ibig ay isang inspirasyon 2x

Dapat ang pag ibig ay isang inspirasyon (isang inspirasyon)

 

Verse 2:

Lumipas ang ilang taon mula sa lupa nakabangon

Hindi nako nanghihingi sa nanay ko ng baon

Kilala nako ng mga tao doon sa kanto

At kahit na papano may pera nako sa bangko

Mabilis ang pangyayari grabe

Ang dating hindi napapansin, tinitilian na ng mga babae

Pag nasa entablado pangalan ko ay sigaw na rin

Pero sakin walang nagbago walang iba ikaw pa rin

Hinigpitan ko pa ang kapit, di tulad kay Imelda Papin

Ang pagibig na galing sakin higit sa isang linggo

Matapos ang taon na-traffic ay inakyat ko ang langit

At sa pagbango ng hangin ay napapikit ako

Kasi bago lumapit sayo akin nang naintindihan

Na marami akong hirap na dadanasin sa daan

Nalampasan ko ang dami na yan at para di malito ang mga to

Salamat sa inspirasyon naiayos ko ang sarili ko dahil sayo

 

Repeat chorus

 

Bridge (2x):

Sa tagalupang nangarap nang mataas

At saka isang diyosang mapagkumbaba

Ano kaya ang mangyayari sa wakas

Tayong dalawa kaya ay magkita sa gitna

 

Repeat chorus



OTHER LYRICS

Sa Atin Ang Gabi (feat. Schizophrenia)

FlipMusic #ONE
Various Artists
2013 Album

Hinahanap Ng Puso (feat. Hannah Romawac)

G9
Gloc-9
2003 Album

Smoking Stress

Smoking Stress
Ives Presko
2012 Single

Tsk Tsk

Moderno
M Zhayt
2018 Album

Butas

Koronasyon EP
Gnarrate
2016 Album

FEATURED ARTICLES