Single

Kalmado (Part One) (feat. Loonie & Rhyne)


Kalmado (Part One)
Omar Baliw
Producer: Ochomil
2020

Intro (Rhyne & Omar Baliw):

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

(Uh)

Kalmado lang

(Kalmado lang)

(Yeah)

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

(Uh)

('am nyo na)

(Omar Baliw)

 

Verse 1 (Omar Baliw):

Ibang klase pagkadali, balikang mala-lagare

Utak ang palalakarin, bitawan mga bagahe

Pasensya pahahabain, ang plano pagaganahin

Lahat ay makaka-kain, salamat, mapapa-amen

Sagadan hanggang sa dulo, tiyaga kung meron mang tulo

Bitaw palaging todo, sigaw ay nasa tono

Ikaw lang din kikilos, ikaw mismo kukuha

Sila yung manghihila, sila din manghihina

Walang makakaawat hanggang sa makalapit

Sariling byahe lakad, hindi lang nakasabit

Hindi pa man makuha atleast ay sinubukan

Sagot ay laging hanap, hindi ko sinukuan

Minsan ay tinutulan kaya ko tinutukan

Pag-asa tinubuan, lahat yan tinuruan

Lakbay kahit walang kasabay, sumakay

Kahit kailan wag kang matakot sumablay

 

Pre-chorus (Rhyne):

Sige lang

Sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang

Bibilang

Sige lang

Sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang

 

Chorus (Rhyne):

Ito ang aking gitnang daliri

Saluhin sa kada sambit ng aking pangalan

Kesa aking pagbigyan

Mas pinili kong maging kalmado

(Kalmado)

Wag na bigyang pansin yan

Tuloy lang sa gawain wag magpalinlang

Sa mga tuso’t di ka dapat mailang

Tatagan mo lang at maging kalmado

(Kalmado)

 

Verse 2 (Loonie):

Balewala mga tira ng palengkerong aligaga

Di ako interesado sa market niyong pang talipapa

Daming dada ‘lang ginawa kundi manghila paibaba

Pare sukat na ang narra para sa inyong parihaba

Sadyang maingay ang mga nakatali na aso

Lalo na pag hindi pinapakain ng amo

Nanggagalaiti ang mga feeling mas gago

Samantalang ako’y nananatiling kalmado

Galit-galitan sa opinyon ko’t pakiramdam

Di ako mainit di man lang ako lumigamgam

Bakit ako magagalit nasabi na sakin dati yan

Mas masakit kasi kalaban nyo’y walang pakialam

Alam kong gusto nyo lang naman ay magka-views kayo

Di magpapaaning sa mga kabobohan nyo

Kasi mas matagal kang darating sa paroroonan mo

Kung babatuhin mo lahat ng aso na kakahol sayo

 

Pre-chorus (Rhyne):

Sige lang

Sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang

Bibilang

Sige lang

Sige lang

Tuloy lang sa pagbibilang

 

Repeat chorus (2x)

 

Outro (Rhyne):

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang

(Kalmado lang)

Kalmado lang



OTHER LYRICS

Spittin' Bars (feat. Copywrite)

Bawal Sa Tanga
Teknika Brutal
2012 Album

Batang Nueve

Batang Nueve
Karisma
2022 Single

Still

Kung Alam Mo Lang
Hev Abi
2023 Album

Pagbalik

Mga Kahon Mula Bodega
Railkid & Six the Northstar
2021 Album

Pahingi

Kusina Mixtape
Droppout
2016 Album

FEATURED ARTICLES